bc

Beautiful Mistake

book_age16+
2.5K
FOLLOW
16.2K
READ
fated
friends to lovers
pregnant
sweet
bxg
humorous
lighthearted
friendship
lies
passionate
like
intro-logo
Blurb

Uminog ang mundo ni Chester at Annie sa kanilang bestfriend na si Alex, lalo na noong maulila ito at naiwang nag-iisa.

Minahal nila si Alex at tanging ang kapakanan nito ang kanilang iniisip. Dahil doon, naging kupido si Annie sa mga kaibigan para parehong lumigaya.

Ngunit, mapaglaro ang tadhana. Sa isang gabing pagkakamali, tila gumuho ang mundo kay Annie. Sinisi niya ang sarili sa paghihiwalay ng mga kaibigan, at lalo siyang kinain ng kanyang kunsensiya noong mapag-alamang buntis siya.

Sampong taon ang nakalipas. Hindi handang makita ni Annie si Chester. Hindi siya handang ipaalam ang sikretong matagal niyang itinago.

Paano niya haharapin si Chester, kung ang napakagandang pagkakamali ay unti-unting mabubulgar sa mismong harapan nito?

chap-preview
Free preview
Prologue 1
"Annie!" Napakunot noo si Annie nang narinig ang malakas na pagtawag sa kanyang pangalan mula sa labas ng kanyang bahay. Kasalukuyan siyang nagluluto dahil pauwi na ang kanyang anak na si Lexter mula sa isnag children's party. "Annie!" muling tawag sa pangalan niya. Kilala niya ang boses na iyon, kay Alex na bestfriend niya. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit kailangan pa nitong tawagin siya eh, puwede naman itong pumasok na lang basta sa kanyang bahay. Alam ni Alex na bukas lagi ang pinto niya para sa matalik at pinakamamahal na kaibigan. "Annie!" Napairap siya sa hangin. Napilitan tuloy siyang patayin ang kalan. Muli niyang sinulyapan ang kanina pang kumukukong sinigang na baboy na niluluto niya. Nailagay na niya ang gulay doon at maluluto na lamang sa init kahit nakapatay na ang kalan. Muli niyang narinig ang pagtawag sa kanyang pangalan kaya naman nagpasya na siyang lumabas ng kanyang bahay. "Sandali!" sigaw niyang may kaunting inis na. Malalaman ng buong mundo ang pangalan niya dahil sa paulit-ulit na pagtawag ni Alex. Nagtaka si Annie dahil maaga ang kaibigan batay sa relong nasa dingding niya nang sumulyap siya roon.  Akala niya ay nag-eenjoy pa ito sa party na pinuntahan. Pinunasan niya ang basang kamay gamit ang apron na suot. Nakatutok ang mga mata niya roon nang nakalabas siya sa pinto. Wala sa hinagap niya na may nakahandang surpresa sa kanya dahilan upang mapatda siya sa makikita. Kasama ni Alex si Chester. Ang nag-iisang taong ayaw niya sanang naroon. Isnag kaibigan na pilit niyang iniwasan ng sampong taon. At patuloy niya sanang iiwasan pa kung hindi lamang ito naroon ngayon. Ayw niyang naroon ang lalaki lalo na ngayon na parating ang kanyang anak. "Annie!" muling tawag ni Alex na ngiting-ngiti. Samantalang si Chester ay seryosong nakatunghay sa kanya. "Ah! I-iyong niluluto ko sandali!" Natataranta siyang ika at nagmamadaling pumihit patalikod at bumalik sa loob. Kailangan niyang tanggalin ang mga bagay na makakapagpaduda sa mga kaibigan kung sino ang ama ni Lexter. Nagkatinginan si Chester at Alex dahil dali-daling umalis si Annie na hindi man lamang sila pinapapasok at tila umiiwas. Pinagtaka iyon ng ni Alex. Nang may maalala sa pagkakatitig niya sa kaibigang lalaki. "C-Chester, sa sasakyan ka muna. Ako na muna ang papasok sa loob," utos ni Alex kay Chester. Bigla siyang nagduda sa kinilos ni Annie. Tila ba nakakita ng multo. Noon pa niya napapansin na umiiwas si Annie kapag napag-uusapan nila si Chester. At mukhang alam na niya ang dahilan. Lalong lumakas ang kutob niya dahil sa inasal ng kaibigan. Tumango si Chester at agad na pumunta sa loob ng kotse. Bumuga ng hangin  si Alex  bago itulak ang pabukas ang gate. Nagtuloy-tuloy siyang pumasok para abutan lamang si Annie na kinakalap lahat ng litratong na naka-frame sa sala. Nahulog pa nga nito ang isa kaya mabilis niya iyong dinampot. "Akin na!" Pilit inagaw iyon ni Annie sa kanya pero mabilis niya iyong iniiwas. Mariing tinitigan ang kaibigan. "May inililihim ka ba sa akin, Annie?" tanong ni Alex na puno na ng pagdududa. Kinukutuban siya sa inaasal nito at kumpirmasyon na lang mula sa kaibigan ang hinihintay niya. Ayaw niyang pangunahan ang sarili. Gusto niyang ito ang magsabi ng totoo dahil malakas ang pakiramdam niyang tama ang kutob na meron siya. Pilit na tumawa si Annie saka muling pilit kinukuha sa kanya ang litrato. Muli, iniiwas niya iyon sa kaibigan. Saka tinitigan iyon. Larawan ng anak nito iyon. "Anong gagawin mo sa mga larawang ito, Annie? Bakit mo kinukuha lahat ng larawan ng anak mo?" Biglang umilap ang mga mata ni Annie sa kanya. Nakita niya kung paano magulantang ito sa tanong niya na parang kriminal na nahuli sa akto. "W-wala, ma...alikabok na kasi, k-kaya pupunasan ko lang..." nauutal nitong sagot na hindi niya kinagat. Alam nilang dalawa na kasinungalingan ang sinasabi nito. Kasinungakingang ilang taon nitong pinanindigan. Gusto niyang maawa kay Annie, pero mas naaawa na siya ngayon sa isa oang kaibigang napagkaitan makasama ang isang napakagandang regalo. "Magsabi ka nga ng totoo sa akin, Annie? Sinong ama ni Lexter?" Biglang napabaling sa kanya si Annie. Hindi maipinta ang hilatsa ng mukha nito. Muli itong tumawa ng pilit. Kahit halatang halata na kabado at hindi mapakali. "Bakit bigla mong natanong iyan? Hindi na importante kung sino ang ama ni Lexter, Alex. Okay naman na kaming dalawa..." "Si Chester ba?" Hindi na napigilan ni Alex ang nasa isipan. Hindi niya gusto ang pilit na pagsisinungaling ng kaibigan. Hindi niya alam kung paano, pero lalong lumakas ang kutob niya nang mabitiwan  ni Annie ang lahat ng litrato na hawak nito. Nanginginig itong bumaba para muling pulutin iyon. "Kaya ba ayaw mong makita siya ni  Chester kahit sa picture lang? Natatakot ka bang makaramdam ng lukso ng dugo si Chester sa anak mo?" muling tanong ni Alex at lumapit pa sa kaibigan. Hinaklit niya ang kamay nito para tumayo. Tama na ang kasinungalingan pinanindigan niti bg sampong taon. "Alex!" piksi ni Annie sa kanya at bahagya siyang naitulak. Napaatras siya at tumayo naman ito. "H-hindi si Chester ang ama ni Lexter! Saan mo ba napulot iyan?" muling tanggi ni Annie at tinalikuran siya. Mabilis na naglakad papunta kung saan. "Annie!"muling tawag niya sa kaibigan at mabilis na hinabol. Nang makaharap niya ito, basa na ng luha ang pisngi nito. Umiling ito. Ramdam ni Alex ang panginginig ng katawan ni Annie. At ang pinipigilang emosyon. "Annie, please magsabi ka ng totoo? Si Chester ba ang ama ni Lexter?" Humagulgol si Annie imbes na sagutin siya. Alam ni Alex na ang paghagulgol nito ang sagot sa tanong niya. Hinila niya si Annie upang yakapin. Hinagod niya ang likod nito para patahanin. "H-hindi ko naman ginusto na may mangyari, Alex. Aksidente lamang iyon!" Pahikbi-hikbi nitong saad. Iginiya niya ito para umupo sa sofa. "Nakita ko siyang may kalandiang iba. Nagalit ako kasi niloloko ka niya. Kayo pa, pero may nilalanding iba!" Mapait na napangiti si Alex. Iyon ay ang panahon na pinalabas ni Chester na nambabae ito para may dahilan ng hiwalayan nila. Kahit ang totoo, siya ang may problema. Siya ang hindi kayang mahalin ang lalaking pinahalagahan siya ng husto. Alam ni Annie ang pagiging one sided love niya sa isang lalaki. Ngunit nang maging sila ni Chester ay mas naging pokus ito sa kanila. Pilit rin kasi niyang kinakalimutan noon si Rick. Kaibigan niya si Annie ngunit katulad nito, may mga bagay rin naman siyang inilihim. Natakot na isiwalat sa kaibigan. "Lasing rin ako dahil sa panloloko ni Edward na boyfriend ko. Tapos makikita ko siya na niloloko ka! Alam mong ako ang number one fan ng love team ninyo, di ba?" Tumango si Alex sa kaibigan. "Aksidente ang nangyari sa aming dalawa, Alex. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang magulo kayo..." "Bakit hindi mo sinabing nagdadalang tao ka sa anak niya?" Napakagat-labi si Alex.  Naawa siya kay Annie pero mas kinakaawaan niya si Chester. Sampong taong naipagkait dito ang kanyang anak. Tumawa ng pagak si Annie. "Para ano? Para mas sirain kayo? Alam kong babae ang dahilan kaya kayo naghiwalay! Paano ko aaminin na ako ang dahilan noon at nabuntis pa!" muling humagulgol si Annie sa mga palad nito. Napabuga ng hangin si Alex. Nagbadya ang luha sa mga mata niya. Kasalanan niya ang lahat ng pangyayari sa mga kaibigan niya. Kung sana, hindi na lamang siya nagpakatanga at hindi niya inalagaan ng husto ang damdaming meron siya kay Rick, baka hindi ganito kagulo ang lahat sa kanila. Kay Chester at kay Annie. Pati na sa anak ng mga ito. "Mas okay na hindi sila magkita. Mas tatahimik ang lahat, Alex. Umuwi na kayo. Pauwiin mo na siya," umiiyak na pakiusap ni Annie. Takot na takot sa maaring mangyari. Takot siya sa magiging reaksiyon at maaaring maging action ni Chester kapag nalaman nito ang totoo. Napailing si Alex sa tinuran ng kaibigan. Hindi alam ni Annie ang sitwasyong kinakaharap ni Chester. Kung gaano kadesperado si Annie na itago ang lahat, ganoon naman kadesperado si Cheater na hanapin ang babaeng maaring nabuntis nito. Na nagkataong si Annie pala. "Nasaan si Lexter?" Biglang napapunas si Annie sa kanyang luha at napatayo. Napalingon siya sa orasan. Ihahatid na ito galing sa isang childrens party. "Kailangan ko pa lang tawagan si Mamay. Baka dalhin na niya rito si Lexter. Hindi sila puwedeng magkita..." "Ma!" Kinabahan si Alex. Katulad niya, ganoon rin si Annie nang marinig ang tawag na iyon mula sa labas. Agad na  napatakbo si Annie sa labas kasunod niya. Napatutop si Alex sa bibig nang makitang magkatabi sa may gate si Chester at Lexter. Parehong tinititigan ang isa't isa. Hindi maipagkakailang mag-ama ang dalawa. Parang pinagbiyak na bunga ang mga ito, magkamukhang-magkamukha. Kahit anong gawing tanggi ang gawin ni Annie. Hinding hindi maniniwala ang sinumang makakakita sa dalawa.  Panahon na siguro para malinawan ang lahat sa pagitan ng dalawa niyang kaibigan. Agad na bumaba si Chester para pantayan ang batang nasa harapan niya. Nakaluhod ang isang tuhod niya sa sementong daan. Hinila at walang kaabog-abog na niyakap ang kanyang anak. Literal na humagulgol ito ng iyak. Alam nilang lahat na lukso ng dugo at ang hindi maikakailang pagkakamukha nilang dalawa ng bata ang nagsabing kanya ito. Na anak niya ito. Si Lexter naman na gulat na gulat ay napayakap na rin ang kamay pagkatapos tumingin sa gawi nila. Hindi tuloy maiwasan ni Alex na maluha na rin. Habang si Annie ay kanina pa humahagulgol ngunit pinipigilan sa pamamagitan ng pagtutop sa bibig. Lumapit si Alex sa kaibigan at niyakap ito. "It's time to let them know. Huwag mong ipagkait sa dalawa ang bagay na ito. They deserve to know  that they are father and son." Lumakas ang hagulgol ni Annie. Ngayong nasa harap niya at nailabas na ang katotohanan, parang nawala ang bigat ng dibdib niya na dala-dala ng mahigit sampong taon. Nabunot ang tinik na nakabaon sa kanyang puso. Iyon lang pala ang kailangan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook