bc

Love me as I am

book_age18+
1.1K
FOLLOW
5.0K
READ
possessive
arrogant
dominant
badboy
student
drama
comedy
humorous
school
slice of life
like
intro-logo
Blurb

The hardest battle that anyone could face is to stay true to yourself and to others from the beginning until the end.

Pero paano kung ang pagiging totoo mo ay hindi pa rin sapat upang makita ng taong mahal mo kung sino ka ba talaga?

The hardest challenge that anyone could take is to be seen beyond what the eyes could see, to be seen who we really are and to be seen right through us... right through the depths of our soul.

Pero paano kung sa tuwing titingnan ka pala niya ay hindi naman pala ikaw ang nakikita niya, kung hindi ibang tao sa katauhan mo mismo?

Everyone is fair in love and war.

Pipiliin mo pa rin bang lumaban kahit na alam mong umpisa pa lang ay wala ka nang tiyansa at sa huli ay uuwi ka lang ding talunan at luhaan?

Masarap ang magmahal at ang mahalin, pero paano kung isang araw ay malaman mo na ang pagmamahal na ugat ng iyong kasiyahan at lihim na inaasam ay hindi naman pala ukol para sa iyo?

Hanggang saan nga ba ang kayang tiisin ng pusong nagmamahal kung ito ay puno na ng sakit, sugatan at durog na durog na?

Mananatili at kakapit ka pa rin ba?

O tuluyang bibitaw ka na?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
First person POV Pinisil ko ang pagitan ng aking mga mata dahil sa antok na nararamdaman. Tinakpan ko ang bibig ko nang mapahikab ako at pinunasanan ang gilid ng aking mga mata noong mamasa iyon. Sh*t. Ano ba naman ‘tong nararamdaman ko na ‘to? Ipinilig ko ang ulo ko at inilibot ang aking paningin sa paligid upang malibang at maibsan man lang sana ang labis na antok na nadarama. Makalipas ang ilang sandali ay tumingin ako sa relong suot ngunit napakunot lamang ang aking noo. Bakit ang tagal namang dumating noong hinihintay ko? Isang oras na ako rito, pero wala pa ito? Saan na naman kaya 'yon nagsuot at tila ba nalimutan na ang usapan namin? Nagpatuloy ako sa bagot na paghihintay, nangalumbaba na lang ako at pinaglaruan ang natirang kape sa cup na binili ko kanina pa. Lumipas na ang init niyon at ang lamig-lamig na. Nanghihinayang sana ako dahil kalahati pa iyon at halos hindi nga nabawasan kaso ay hindi naman na iyon masarap inumin at siguradong iba na ang lasa. "Kanina ka pa?" tanong ng tinig mula sa likuran ko. Dahil sa nasa kape at cup pa rin ang atensyon ko ay napaigtad ako sa gulat, dahilan para mabitawan ko ang hawak ko at bumuhos ang laman niyon sa reviewer na binabasa ko kanina na nakalapag sa lamesa. "Oops!” "Sh*t!" sambit ko sabay tayo na may pagkataranta, balak sanang sagipin ang ilang papel ngunit huli na ang lahat dahil mabilis ang pagdaloy ng kulay brown na likido sa lamesa. Tumawa naman ang salarin na nasa likuran ko at mabilis ang kilos na pumunta sa aking harapan upang sagipin ang ilang libro ko upang hindi na madamay pa sa pagkakabasa. Binalingan ko ito at inalis ang pagkakatingin sa mga kawawang papel. "Tsk. Kainis ka. Bakit ka ba nanggugulat? Natapon tuloy! Argh!" reklamo ko. Niyakap lamang nito ang mga libro ko na sinagip nito at nagkibit-balikat pa habang nakangisi. "Hindi naman kita ginulat. Nagtanong lang ako. Malay ko ba na malalim pala ang iniisip mo? Saang dimension ka nakarating?" cool pang tanong nito na para bang nang-aasar. Sumimangot ako. "Kasalanan mo 'to," paninisi ko. "Hindi, ah. Ako ba ang may hawak ng cup? Ako ba ang nakatapon? Pasalamat ka nga at iniligtas ko pa 'tong mga ‘to," pilosopong sagot nito, sabay taas ng mga libro ko at ipinapakita sa akin na hindi nabasa ang mga iyon. As if naman ay matutuwa ako ro’n. Umirap ako at pumalatak. “Yeah, right. Ako talaga ang may kasalanan, e. Sarili ko dapat ang sinisisi ko, 'no? Like... hey, Chance, hello? Kasalanan mo, bakit ka ba kasi nagugulat? Dapat ay pinigilan mo muna ang gulat mo at ibinaba mo muna ang cup, pagkababa mo ay saka ka pa lang dapat nagulat para hindi nabasa ang mga reviewer mo,” sarcastic ko ring sagot. Sa lalong pagkainis ko ay tumawa ang berat na babae. Napabuga na lang ako ng hangin at napailing-iling. Dahil no choice naman ay walang kibong sinimulan ko na lang ang pagsinop sa mga kawawang papel na basang-basa. "Kadiri," rinig kong puna pa nito. Nag-angat ako ng tingin at tinaasan ito ng kilay. "E, kung tulungan mo kaya ako, 'no? Suggestion ko lang naman." Sa halip na tulungan ako ay umupo ito sa bakanteng upuan habang yakap pa rin ang aking mga libro. "Ayoko nga. Kadiri kaya. Siguradong malagkit 'yan," nakangiwi pang tanggi nito. Pailalim ko itong tiningnan. "Ang arte mo." Pinabayaan lang ako nito, cool na naglabas ito ng chewing gum, isinubo nito iyon at sinimulang nguyain. "Hindi, ah. Kadiri lang talaga. Ayoko nang malagkit. Ewww. Saka, hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit natapon 'yang kape mo," pagdidiin pa rin nito na tila ba ako talaga ang may kasalanan. Tss. Sarap lang nitong kutusan kung hindi ko lang 'to mahal, e. Hay nako. At talagang pinanindigan na hindi raw nito kasalanan. Itinuon ko na lang ang mata ko sa mga papel. Takte, kawawa talaga 'yong mga papel. Basang-basa, hindi na mapapakinabangan kahit na matuyo pa iyon. Hindi na mababasa ang mga nakasulat at dumikit na ang ibang pahina sa iba pang papel. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit habang ito naman ay nakatingin lang sa akin. Nang matapos na ako ay naghanap ako ng basurahan upang itapon ang mga reviewer kong kawawa. Tiningnan ko muna ang mga ito nang may panghihinayang bago dahan-dahang inihulog sa basurahan, unti-unti at hindi bultuhan. Paalam. Mami-miss ko kayo. ”Baka naman tumulo pa ang uhog mo r’yan, Cha?” Dahil sa tanong na iyon ay binitawan ko na ang mga natira na nasa kamay ko pa. Gusto ko pa sanang magdrama, e. Kaso, panira ng moment ‘tong isang ‘to. Nevermind na nga lang. Hindi na ako tumugon pa at nagpunta na lang ako sa pinakamalapit na faucet para maghugas ng kamay. Napangiwi ako nang paglapatin ko ang dalawang kamay ko, sobrang malagkit ang mga iyon, tama nga ang pinsan ko... kadiri nga, kung hindi huhugusan. Pero huhugasan ko naman kaya okay lang. Nang masiguro ko na wala na ang lagkit ay bumalik na ako sa puwesto namin kanina. "Tara let’s na?" tanong ni Zan habang apura pa rin ang pagnguya ng chewing gum. Hinalungkat ko ang bag ko at naghanap muna ng alcohol. "Mauna ka na. Magpapa-photocopy pa ako nung mga reviewer. May quiz kami bukas, e. Pahiram nung sa iyo. Isasauli ko na lang mamaya." "Okay," mabilis na sagot nito at inilabas ang bungkos ng mga papel mula sa sariling bag. Inabot ko naman iyon at ininspeksyon kung kumpleto ba. "Thanks," sambit ko noong ma-sure na kumpleto naman pala. Nag-umpisa na kaming maglakad pero napansin ko na hindi dapat dito ang daan na tinatahak nito. "Zan," tawag ko rito dahil tahimik lang ito. Baka kasi nakalimutan nito at kung saang dimension na ito napunta. Lumingon naman ito. "Bakit?" "Akala ko ba ay mauuna ka na?" "May sinabi ba akong gano'n? Ikaw lang ang nagsabi no'n kanina. Hindi naman ako sumang-ayon," tamad na sagot nito. "Sabi mo kanina, okay?" taka kong tanong. Ang hirap nitong kausap, parang ‘yong isang bata lang na kakilala ko. "Oo nga. Pero ang in-okay-an ko lang ay ang pagpapahiram ko sa iyo ng reviewer ko." "Ah... okay. Hindi mo kasi nililinaw. Sorry naman, ha?" "Sasamahan na lang kita. Tutal ay pareho naman na tayong late. Hindi ako mapapagalitan ni coach dahil kasama kita at may excuse tayo," nakangising sabi pa nito habang nagtataas-baba ang mga kilay. Napailing na lang ako. Hay nako. Berat talaga. Pagkatapos naming magpa-photocopy ay nagtuloy na kami sa paglalakad papuntang gym, doon daw kasi gaganapin ang meeting ng aming team. "Bakit ba may meeting today?" Inayos ko ang buhok kong nililipad ng preskong hangin. "Ipapakilala na yata 'yong napirata nilang bagong Team Captain para sa men's." "Talaga? Napirata pero Captain agad?" Nagkibit-balikat ako. "Sabi lang. Saka nabanggit lang din ni coach no’ng minsan, noong kasalukuyang pinipirata pa lang. ‘Di ko na nasabi pa sa inyo, since hindi pa naman sure dati. Pero, ngayon pumayag na raw sa wakas." “’Di naman talaga kasi kailangan na mangpirata o kumuha pa mula sa labas, ayaw lang pumayag no’ng isa, e. Qualified naman s’ya. Sayang ang posisyon kung mapupunta pa sa iba.” "E, kilala mo naman ‘yong isang ‘yon.” “Sabagay,” sang-ayon nito. "’Buti nga at napapayag natin dati na s’ya na muna ang mag-act na Captain habang wala pang nakikita sina coach na karapat-dapat bukod sa kanya sa puwesto.” “If I know, ayaw lang no’n ng commitment at responsibilidad. Ayaw mabawasan ang oras sa mga babae na lumalandi sa kanya. Ang sarap saktan ng batang ‘yon paminsan-minsan,” tila ba may inis sa tono na komento nito. Hindi ko alam kung saang part na ba patungkol ang inis nito sa mga sinabi. Napailing-iling na lang ako at napatawa. "But, I wonder... saan kaya napulot ni coach ‘yong bago? Ang Interesting, ah. Baka magaling talaga, 'no? ‘Di naman kasi pumipili ‘yon na pang basta-basta lang." "’Yon ang kailangan nating abangan at malaman." Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad noong may narinig kaming tumatawag sa pangalan namin, nagkatinginan kami ng pinsan ko at sabay ring napailing. Hay. Ang pinakapasaway ay narito na. But, why is he also late? Saan naman kaya ito nanggaling? "Cha! Zan!" sigaw pa ulit no’ng lalaking parating, si Kyo. Huminto kami at nilingon ang lalaking eskandaloso. Nang huminto ito sa harap namin ay hingal na hingal ito dahil sa pagtakbong ginawa upang maabutan kami. Ipinatong nito ang kamay sa tuhod at yumuko. Natawa tuloy ako. Samantalang si Zan ay walang awa itong piningot sa tenga kahit pa nakita na hingal na hingal na nga ‘yong isa, napangiwi tuloy ako noong marinig ko ang pagdaing nito nang paulit-ulit. “Sh*t! M-Masakit!” reklamo pa ni Kyo habang isinusunod ang ulo sa paghila ni Zan. “Wala ka talagang galang na bata ka. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ate mo kami?” singhal ng pinsan ko kay Kyo. Napangiwi si Kyo. “S-Sorry na po, Ate Zan. ‘Di na mauulit, nakalimutan ko lang kanina na banggitin 'yong ate sa unahan ng pangalan n’yo kasi nagmamadali ako na tumatakbo para abutan kayo, ‘di ba nga?” "Ano naman ang kinalaman no’n do’n?” Oo nga. If I know, lumulusot lang ito. Ang totoo kasi ay ayaw na ayaw talaga nitong tinatawag kaming ate. Abnormal na bata. Nailing-iling ako at hindi inawat ang pinsan ko, nanatili akong nakamasid lamang. Naaaliw ko pa ngang tiningnan ang hitsura ni Kyo na nakangiwi pa rin dahil sa sakit. ‘Buti nga, ang kulit kasi. Ngunit unti-unting napalis ang naaaliw kong tingin kay Kyo noong sa akin tumama ang mata nito. "Ate Cha, help me naman? Masakit talaga, saka sobrang male-late na t-tayo,” nagmamakaawang tawag nito sa akin. Napakurap ako at naalala ang meeting. Napaayos ako ng tayo at nangiwi nang bahagya. Sh*t. Oo nga pala. Muntik ko pang malimutan dahil sa pagkaaliw ko sa dalawang ‘to. Lagot kami. “Tama na ‘yan, tara na. Late na nga tayo,” yaya ko sa mga ito. Napipilitan na binitawan na ito ni Zan. “Pasalamat ka at late na tayo. Kung hindi, yare ka sa akin.” Sinamantala naman ni Kyo ang pagkakataon at lumayo kay Zan habang hinihilot ang tenga nito, sa tabi ko ito pumuwesto at sinunggo-sunggo ang braso ko. Nang magtaas ako ng tingin dito dahil sa mas matangkad ito sa akin ay nasalubong ko ang singkit nitong mata pati na ang nguso nito na nanunulis, parang bata na palihim na nagsusumbong. Pero wala ro’n ang atensyon ko, kundi sa namumula nitong tenga at pisngi. I can’t help but notice. Ang cute lang kasi nito, lalo na ang pisngi nito na parang ang sarap haplusin at pisilin. Pinigilan ko lamang ang sarili ko dahil lalo lamang itong mag-iinarte kapag ginawa ko 'yon at hindi nito iyon magugustuhan. “Tara na. Mamaya na kayo magbugbugan,” yaya kong muli at hindi na pinansin pa ang tila ba pagsusumbong nito kanina at pag-amba-amba rito ni Zan ng kamao nito. Nakakaloka ‘tong dalawang ‘to. Lumabi si Kyo at tumayo nang tuwid, inayos nito ang buhok. Hindi ko alam kung ayos bang matatawag 'yon dahil parang hindi naman naayos. Pero bagay naman dito. Messy look ang datingan. Nang nag-umpisa na kaming maglakad ay ramdam ko ang mga matang nakasunod sa amin, hindi dahil sa amin ng pinsan ko... kundi dahil sa kasama namin. Iba talaga ang hatak nito sa mga babae. Guwapo na, mabait paminsan-minsan, athletic tapos mayaman pa. Saan ka pa? Tanga na lang ang hindi mahuhumaling dito. Hindi na ako nagtataka na pati mga freshman ay kilala ito. Kaya nga kapag may laro kami sa labas ng University ang daming nagtsi-cheer para rito at tuwang-tuwa naman ang unggoy. ”Igagalang mo kami para ‘di ka nasasaktan,” mukhang hindi pa tapos na pangaral na naman ni Zan kay Kyo. Nakita ko ang pagnguso ni Kyo. “Isang taon lang kaya ang tanda ninyo sa akin,” katwiran nito. “And it means na matanda pa rin kami sa iyo, kahit pa one month o one week man ‘yan. Igalang mo kami,” litanya ni Zan. “Oo na po, Lola Zandra. Happy ka na?” balik naman ni Kyo. “Gusto mong makatikim ng isang pamilyang sampal?” Jusko. Isang pamilya na? Hindi mag-asawa lang? Nakita ko ang paghinto ni Zan at mukhang balak na namang banatan si Kyo kaya hinagip ko na agad ang braso nito para matigil sa balak. “Late na talaga tayo. Mamaya na sabi kayo magbugbugan, e. Promise, ‘di ko kayo aawatin.” Natigil sa wakas ang pagbabangayan ng mga ito, natahimik na pareho pero kahit na gano’n ay alerto pa rin ako. Iba kasi ang kalibre nitong pinsan ko, e. "Bakit pala kayo late?" basag ni Kyo sa katahimikan makaraan ang ilang sandali. Dahil mukhang walang balak na sagutin ito ni Zan ay ako na ang sumagot. "Nagpa-photocopy, bunso," simpleng sagot ko. “’Yon sakto, ‘yon na lang idahilan natin. Sabihin ko kapag tinanong ako na sinamahan ko kayo.” Hay nako, isa pa ‘to. Magkatulad pa talaga ang naisip nito at ni Zan. "E, ikaw? Bakit ka late? Naharang ng mga chikababes?" tanong naman ni Zan. "’Di no. May surprise quiz. Hindi ko alam. Badtrip. Hindi tuloy ako naka-review." Natawa ako. "Surprise nga, e. Hindi na surprise ‘yon kung alam mo." Tumango-tango si Zan. "Oo nga, hindi na 'yon surprise kung alam mo. Saka kahit naman may quiz o exam kailan ka ba kasi nag-review?" Tila nag-isip-isip pa si Kyo. "Sabagay. Wala namang bago," sagot nito na nakangisi kapagkwan. "Nagtataka nga ako kung paano ka nakakapasa. ‘Di ka nga namin nakikitang humahawak o may dalang libro, reviewer pa man ‘yan o sariling notebook, ‘di ba?" dagdag pa ng pinsan ko at sa akin bumaling sa dulo. Ngunit bago pa man ako makasagot ay si Kyo na ang nagsalita. "'Yon ang sikretong pinakamalupet. Gusto ninyo bang malaman? Atin-atin lang, tayo lang dapat ang nakakaalam. Bawal i-share sa iba." Daming alam na kabugukan. Bwiset na iyan. “'Di na. Solohin mo na lang. ‘Di kami interesado,” tanggi at pangbabara ni Zan na ikinatawa ko. Sa halip na kay Zan ay sa akin tuloy bumaling si Kyo at tinaasan ako ng kilay. "Bakit ka tumatawa r'yan, babaeng labanos?" Ayan na naman ito sa pausong tawag nito sa akin. Tss. Ginaya ko ito at tinaasan din ng kilay. "Bakit masama ba?" balik ko. Ngumisi ito. "Hindi naman. Ang cute mo lang kasi," sabi nito at pinisil bigla ang pisngi ko. Napangiwi ako at tinampal ang kamay nito. "Masakit!" singhal ko at sinamaan ito ng tingin ngunit tumawa naman ito at tinitigan ako nang naaaliw. Tsk. Ang hilig mangpisil. Namimihasa na ito at ang pinsan ko. Hinimas ko ang nasaktan kong pisngi. Kainis. Ang init tuloy ng pakiramdam ng mukha ko. Kinagat naman ni Kyo ang labi nito na halatang nagpipigil ng tawa habang nakatitig pa rin sa akin. "Ehem. Ehem. Ehem," madramang pag-ubo ng pinsan ko, hindi ko alam kung may nalunok bang insekto. Napalingon kami rito pareho ni Kyo, may ngising nakapaskil sa mukha nito pagkatapos ay tumingin nang makahulugan kay Kyo na hindi ko naman ma-gets. What was that? What am I missing? Nag-iwas naman ng tingin si Kyo at tumikhim. Ano ba kasi ‘yon? Kumunot tuloy ang noo ko. "Tara na, sobrang late na tayo," yaya ng pinsan ko na nangingiti pa rin over something na mukhang walang balak na sabihin sa akin. Hmm? Ano ba ang mayro'n? Ngunit sa halip na usisain pa ang mga ito ay nakisabay na lang ako na binilisan ang lakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng malaking pinto ng gym. Nakasarado iyon kaya dahan-dahan naming tatlo na itinulak, nagkaroon ng siwang kaya sumilip kami roon, kanya-kanyang paraan. Si Zan ay medyo nakaupo na habang nakasilip sa siwang, ako ay medyo naka-squat, samantalang si Kyo ay nakatayo at magaan na nakatukod ang palad sa pinto. Agad na natuon ang mata ko sa lalaking katabi si coach Alfred sa harapan habang nagsasalita. "Papasok pa ba tayo?" mahinang tanong ko. Sobrang seryoso kasi ng atmosphere, ang tahimik din. Hindi lang ako sanay kasi magugulo 'yong mga kasamahan namin sa team. Bakit ang be-behave yata? Hinintay ko ang sagot no’ng dalawang kasama ko, pero sa halip na sagot mula sa mga ito para sa tanong ko ay nanlaki ang mata ko noong bumukas na lang bigla nang maluwang ang pinto ng gym at isang malakas na sigaw at lagapak ang gumulantang sa akin, kay Zan at ngayon... pati na sa mga tao na seryoso kaninang nakikinig kay coach. Napapikit ako nang mariin. Tarages, kapag minamalas at may palpak ka nga naman talagang kasama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.6K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.0K
bc

Married By Mistake

read
170.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook