bc

Halinghing sa Dilim (R18)

book_age18+
2.4K
FOLLOW
10.6K
READ
revenge
HE
escape while being pregnant
opposites attract
drama
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Ang pag-iibigan na handang talikuran ang lahat ng nakasanayan at ipaglaban hanggang sa kadulu-duluhan. Si Yaji Nevalga ay lumaki sa isang marangyang pamilya. Nasusunod ang kaniyang mga luho magmula pagkabata at para sa kaniya ay walang bagay ang hindi mabibili ng salapi ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang dalaga na may kasalungat niyang paniniwala. Si Myle Rae Arevalo ay isang simpleng probinsyana na hinahangaan dahil sa taglay na husay sa pagdedesenyo‘t pananahi.

Ang magkaibang paniniwala ang siyang magbubuo ng kanilang pag-iibigan kahit alam na ang lahat ay salungat sa kanilang pagmamahalan. Ang binata na handang iwan at talikuran ang lahat para ipaglaban ang kaniyang mahal at ang dalaga na may ibang paraan para ipaglaban ang kanilang pag-iibigan.

Sa araw na piniling kalimutan ang nararamdaman ay siyang pagdating ng bunga ng kanilang pagmamahalan, ang nag-iisang pag-asa na kanilang pinanghahawakan na siya ring magtatakda ng masaya o malungkot na pagtatapos ng kanilang istorya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Malalim na ang gabi gayon din ang kanyang paghinga, ramdam ang mainit na braso na yumayapos sa aking bewang. Madilimman sa paligid ay kita ang malaki niyang pangangayat, ang dating kamay na makinis ay puno na ng sugat at gumaspang na sa bigat ng trabaho. “I love you.” naluluhang bulong ko bago hinawakan ang kanyang pisngi, “sa bawat pagngiti mo na nagpapabuo ng araw ko, ang yakap at halik mo na nagpaparamdam sa ‘kin kung gaano ako ka-importante sa buhay mo. Sa araw-araw na paggising na ikaw ang unang makikita at yakap mo na una ‘kong nararamdaman sa umaga. Wala na ‘kong ibang mahihiling, sobra-sobrang pasasalamat na nasa tabi kita.” Sa maliit na liwanag ng buwan ay pilit kong inaaninag ang kanyang mukha. Sobrang himbing ng kanyang tulog, ang pagod sa buong araw ay makikita sa kanyang mukha. Tuluyang bumagsak ang aking mga luha ng maalala kung gaano siya maliitin ng lahat, kung gaano niya iniinda ng pagtawanan at sabihan ng masasakit na salita ng harap-harapan. “Sa pagbuo mo ng buhay ko, kailangan mo pagdaanan ang lahat ng ito. Ang maligo sa putik at magbabad sa tirik ng araw na malayong-malayo sa buhay na iyong kinalikahan. Tinalikuran mo ang buhay mo para sa akin—para ipaglaban ang pagmamahalan natin dalawa kahit sa huli ay alam natin dalawa ay ikaw lang ang mahihirapan.” Sampong minuto na tinitigan ko ang kanyang mukha at dinarama ang init ng kanyang katawan. Hindi ko na kaya pang makita kang nahihirapan, minamaliit at sinisigawan ng iba. Sapat na ang malaman ko kung gaano mo ‘ko kamahal na handang talikuran ang lahat para sa ating dalawa. Marahan kong tinanggal ang kanyang pagkakayakap at inalis ang aking hubong katawan sa kumot na tumatabon sa aming dalawa. Ang araw na ‘to ang huling araw na mararanasan mong maliitin ng lahat, ang magtrabaho sa tirik na araw, at maligo sa putikan. Matapos na suotin ang damit ay muli ko siyang pinagmasdan. “Sorry pero hindi mo ‘ko kasing tapang, hindi na kita kaya pang ipagpatuloy na ipaglaban dahil sa pagtapos ng araw ay ikaw at ikaw lang ang naihirapan.” At sa huling pagkakataon ay hinalikan ko ang kanyang noo, ilong, at labi na madalas kong ginagawa. Inilapag ko ang sulat sa gilid ng mesa at dahan-dahan na lumabas ng kwarto dala ang aking mga gamit. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha, ang spuso kong dinudurog habang papalayo sa tahanan naming dalawa, at sa lalaking mahal na mahal ko. “Myle Rae, sumakay ka na.” utos ni Leal na inilalagay ang gamit ko sa loob ng sasakyan. Sa huling pagkakataon ay tinanaw ko ang buong lugar, sa bawat parte ay may masayang aalaala para sa aming dalawa, at sa kalayuan ang kubong nakasaksi ng lahat. Sumakay na ‘ko sa loob ng sasakyan, walang tigil ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Mahal na mahal kita, Yaji, patawad pero ito ang paraan ko ng sa paglaban.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook