1. Falling In Love With My Boss Nephew
2. Falling In Love With My Bestfriend\'s Brother
3. Ang Pait Nang Kahapon
4. My Badboy Lover
5. Hinagpis Ng Puso
6. My Accidental Billionaire Husband
7. Mayor Rayven\'s Hidden Desires
8. The Doctor\'s Secret Affair
9. My Billionaire Boss Is My Ex-Husband
Si Airam Pauleen Esplana ay isang simpleng dalaga, na nakatira sa lalawigan ng laguna, siya ay nakapag tapos ng dalawang taon sa kolehiyo sa kursong computer secretarial. Ang kanilang sakahan ang tanging pinagkukunan nila ng kinabubuhay. Ito ay naisangla noong naaksidente ang kanyang ama at nagailangan sila ng perang pambayad sa ospital. Ngunit ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko dahil sa hindi na nila ito kaya pang bayaran.
Sa desperasyon ay tinanggap niya ang alok na kasal ng isang negosyante na nakilala niya sa pinagtatrabahuhan niyang club bilang isang waitress. Si William Miller isang bilyonaryong na nagpanggap lumpo, inalok siya nitong magpakasal sa kanya kapalit ng pag bibigay nito ng pera pantubos sa kanilang nakasanlang lupa.
Labag man sa loob ni Pauleen ay pikit mata niyang pinakasalan si William para lang matubos niya ang lupang nakasanla. Nagkunwari si William na may pagtingin siya sa dalaga para pumayag ito sa gusto niyang kasal. Ngunit nagulat ang dalaga ng matapos ang kasal nila ni William ay nalaman niyang hindi pala ito totoong lumpo at nagpanggap lamang. Paano niya tatanggapin ang panlolokong ginawa sa kanya ni William kung ang bawat himaymay ng pagkatao niya ay tanging pangalan na lang ni William ang isinisigaw.
Ang akala niyang masayang pagsasama nila ni William ay napalitan ng mga gabing punong puno ng lungkot. Hindi niya akalain na ginamit lamang siya ng lalaki para makuha ang kayamanan na pamana ng kanyang lolo. Dahil sa mga panloloko sa kanya ni William ay nagpasya na siyang iwan ito at mamuhay ng mag-isa. Nakipag hiwalay siya sa kanyang asawa at umalis sa bahay nila. Huli na ng malaman niya na nagdadalang-tao siya.
Paano kung muling mag krus ang landas nila ng dati niyang asawa? Magkaroon pa kaya ng second chance ang naudlot nilang pagmamahalan? May pag asa pa kayang masabi nila ang kanilang tunay na nararamdaman sa isa't isa? Paano ipaglalaban ni Pauleen ang kanyang pagmamahal kung ang lalaking itinitibok ng kanyang puso ay may mahal na palang iba? May pag-asa pa kayang mabuo ang pamilyang matagal niya ng inaasam?
BLURB
Rowena Saavedra a 22 yrs old young lady, maganda maputi at may angking talino. Fresh graduate siya sa kursong BSEd, teacher by proffesion. Isang ulirang kapatid at anak. Tumutulong sa pag tataguyod sa kanilang pamilya dahil sa sya ang panganay nakaatang na sa kanyang balikat na tulungan ang kanyang ina sa gastusin sa bahay. Bata pa lang si Weng ay katu-katulong na sya ng kanyang ina sa pagtitinda. Ang kanyang ama nman ay bata pa lang sya ng iwan sila ng kanyang mga kapatid . Ang sabi noon ay mag aabroad lang pr makaahon sila sa hirap ngunit hindi na bumalik. Kaya nung makatapos sya ng pag aaral ay nangako siyang tutulungan ang kanyang ina para mapagtapos ang kanyang 2 naka babatang kapatid.Namasukan sya bilang partime cleaner sa isang mayamang pamilya at doon nia nakilala si Senor Arnulfo. Ang taong tumulong sa kanya ng biglang mawala ang kanyang ina. Paano nia susuklian ang kabutiang loob ng Senor? Handa nia bang isakripisyo ang kanyang sariling kaligayahan para lang sa utang na loob niya.
Carl Ethan Feliciano Sandoval 30 yrs old multi millonaire, a bussiness tycoon lumaking salat sa yaman pero sa tulong ng kanyang uncle na kapatid ng kanyang ina ay nakapag aral sya sa isang exclusive school. Nagsikap makapagtapos ng pag aaral dahil gusto niyang maipagmalaki sya ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang ina na lumaking may marangyang pamumuhay ngunit dahil umibig sa kanyang ama ay itinakwil sya ng kanyang magulang. Paano kung sa muling mag krus ang landas nila ng babaeng hindi na nawala sa kanyang isip? Ano ang gagawin nia pag nalaman nia na ang babaing itinatangi ng puso niya ay hindi kayang iwan ang taong tumulong sa kanya? Paano niya ipaglalaban ang babae kung mismong ang uncle nia na pinagkakautangan pala nang loob ng dalaga. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang pagmamahalan nila?
BLURBSi Arjay Saavedra, nabago ang buhay matapos mawala ang asawa. Mula sa isang lalaking puno ng pagmamahal, siya'y naging masungit at mailap. Sa kabilang banda, si Elara Lacanilao, isang probinsyanang nagbakasakali sa Maynila upang maging kasambahay. Paano kung ang kanilang mundo'y magtagpo? Isang masungit na amo at isang yayang hindi magpapatalo. Sa bawat pagtatalo, sino ang unang susuko? Paano kung ang kanilang mga puso'y unti-unting mahulog sa isa't isa? Kaya ba nilang isantabi ang pride at aminin ang kanilang pagmamahal? Abangan ang kwento ng dalawang pusong nagmamahalan sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Kaya ba nilang ipaglaban ang kanilang pag-ibig sa gitna ng mga pagsubok?
Si Liezel, isang dalagang simple, masayahin at may kakaibang kagandahan, ngunit biglang nabalot ng kalungkutan nang maaksidente ang kanyang mahal na ama at mapilitang ipasok sa ospital na walang sapat na pera para sa maipagamot ito. Sa kanyang pagmamakaawa sa lahat ng kanilang kamag-anak at kakilala, walang sinumang handang tumulong—maliban sa isang makapangyarihang gobernador na may lihim na pagnanasa sa kanya. Sa gitna ng kanyang desperasyon, tinanggap niya ang alok na maging kerida nito: kapalit ng lahat ng gastos para sa paggamot ng kanyang ama, pati na rin ang marangyang buhay na kailanman ay hindi niya naranasan.
Joshua Benitez, isang matipuno at gwapong gobernador ng Laguna. Na nahumaling sa isang simpleng dalaga na malayo agwat kanilang buhay. Sa kabila ng pagkakaroon niya ng asawa, kailanman ay hindi siya naging masaya sa piling nito. Laging parang may kulang sa buhay niya, hanggang sa makita niya ang dalagang si Liezel. Kaya noong nagkaroon siya ng pagkakataon ay inalok niya itong maging kanyang kerida.
Sa huli, haharapin ni Liezel ang pinakamalaking desisyon ng kanyang buhay: manatili sa relasyon nila ni Governor Benitez, o lumabas at harapin ang buhay namalaya at may lakas ng loob at tapang na hanapin ang kanyang sarili. Magtatagumpay kaya siyang makaahon mula sa kanyang kinasadlakn, o tuluyan siyang malulunod sa pagkakasala? Paano kung tuluyan siyang umibig kay Governor Benitez? Kaya niya kayang paglabanan ang kanyang damdamin kung sa bawat paglayo niya ay palaging sa kandungan pa rin ng gobernador ang bagsak n'ya. Handa niya bang ipagpalit ang katahimikan ng buhay na nais niya para sa isinisigaw ng kanyang puso? Ano ang pipiliin niya sa huli? PAG-IBIG O BUHAY NA MALAYA AT MALAYO SA GULO.
Ang kanyang kwento ay isang kuwento ng pag-ibig, pagdurusa, at pagbangon—isang paalala na ang pinakamahalagang bagay sa buhay ay hindi ang kayamanan o kapangyarihan, kundi ang kalayaan na maging tapat sa sarili at ang lakas na harapin ang anumang pagsubok na dumating.
Sa Pagamuntang Bayan ng San Isidro, Nueva Ecija ay nag tatrabaho ang isang gwapong doctor na si Dr. Richard Smith isang Surgeon. Kilala siya bilang isang mahusay at mabait na doctor, malapit din siya sa kanyang mga pasyente dahil sa pagiging kwela at palabiro nito.. Isang araw, ay may dumating na isang baguhang Nurse na galing ng Maynila; si Angel Esteves, inirekomenda ito ng kanyang kaibigang Mayor ng bayang ng San Isidro. Agad na napukaw ang pansin ni Dr. Richard kay Angel dahil sa kanyang kasipagan at magandang ngiti. Unti - unti, mula sa simpleng pag uusap nila tungkol sa mga pasyente ay nabuo ang isang espesyal na koneksyon sa kanilang dalawa. Naging magkaibigan sila at napadalas ang pag kikita nila maging sa labas ng Ospital. Nang magdesisyon na si Angel na bumalik sa Maynila ay napilitan siyang mag resign sa Ospital na pinagsilbihan niya sa loob ng isang taon. Ngunit hindi niya inaasahan na ang Ospital na inaplayan niya sa pag balik niya sa Manila ay pag - aari ng mga Smith. Nagulat siya na isa si Dr. Richard Smith sa board member ng ospital. Muli silang nagkalapit ni Richard at maging sa mga in between breaks nila ay lagi silang sabay kumain at magkasama.Tuluyan nang nahulog ang loob ni Angel sa binatang doctor hanggang sa niligawan siya nito at maging maging magkasintahan sila. Kinausap siya nang binata na kung pwede ay ilihim muna nila ang kanilang relasyon. Nasaktan siya sa sinabi ng Doctor, pero dahil mahal na mahal niya na ang binata ay pumayag ito sa gusto nito.Hindi inaasahan ni Angel ang isang bagay na matutuklasan niya sa pagkatao nang kanyang boyfriend.Habang kumakain sila sa isang restaurant ay may isang magandang babae na lumapit sa kanila. Nagulat siya nang magpakilala itong si Mrs. Sarah Smith, isang isang doktora na dating asawa ni Dr, Richard Smith. Hindi akalain ni Angel na nagawa siyang lokohin ni Richard at magsinungaling ito sa kanya. Ipinakilala siya ni Richard bilang isang kaibigan na ikinasama ng loob ng dalaga.Hanggang saan niya kayang tiisin ang pagtatago nang kanilang relasyon ni Richard? Ano ang gagawin ni Angel kung ang lalaking labis niyang minamahal ay pag-aari na pala nang iba? Kaya niya bang ipaglaban ang pagmamahal niya sa binata? Paano kung ang dati nitong asawa ang handa din gawin ang lahat magkabalikan lamang sila? Ano ang gagawin ni Richard para mapatunayan kay Angel na siya na ang mahal nito at hindi na ang dati niyang asawa? Mapagtagumpayan kaya nilang dalawa ang pag-ibig nila sa isa't isa? Hanggang saan ang kaya nilang isakripisyo para sa kanilang pagmamahalan? Ano nga pipiliin ni Angel, ang ipaglaban ang lalaking mahal niya o ang gawin ang tama para sa ikabubuti nang lahat?Abangan ang kwento ng masalimuot na LOVE TRIANGLE nila ANGEL, RICHARD at SARAH sa kwentong THE DOCTOR'S SECRET AFFAIR.
BLURBSa bayan ng San Isidro Nueva Ecija, nanunungkulan si Mayor Rayven Torres isang lalaki na may mabuting puso at kilala sa pagiging isang matapat at marunong mag malasakit sa kanyang nasasakupan. Sa edad na trenta ay hindi niya pa natatagpuan ang babaeng magpapatibik ng kanyang puso. Ngunit may isang pangyayari na hindi niya inaasahan, isang trahedya na magpapabago ng kanyang buhay. Isang araw nabalitaan ni Mayor Rayven ang isang kagimbal gimabal na pangyayari tungkol sa kanyang kaibigan. Naaksidente ang buong pamilya nila kaya Agad niya itong dinalaw sa Ospital na pinagdalahan sa kanila para tignan kung ano ang kondisyon ng mag anak. Sa huling sandali ng buhay ng mag asawang Mercurio ay inihabilin nila ang kanilang anak na si Mharimar kay Mayor Rayven para siya ang maging tagapangalaga nito.Mharimar "Marie" Mercurio isang masayahing dalaga at may pagka-pilya. Nag iisang anak ng kanyang mga magulang. May angking ganda na hindi magpapahuli kagaya ng mga artista at mgamodelo na napapanood natin sa telebisyon. Sa edad na disisyete ay maagang naulila sa kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente. Dahil wala na siyang kamag anak na pwedeng mag alaga sa kanya ay iniwan siya sa pangangalaga ng isang Mayor na kaibigan ng kanyang ama. Tutol man siya sa ginawa nga kanyang ama ay wala na siyang nagawa dahil iyon ang huling hiling ng yumao niyang magulang.Naging malapit si Mayor Rayven sa dalaga at hindi niya namamalayan ang unti unting pagbabago ng puso niya. Mula sa pagiging Guardian ay unti unting nahuhulog ang loob ng binata sa kanyang alagang si Marie. Ang mga simpleng ngiti ng dalaga sa kanya, ang pagiging pasaway nito at mapang asar at ang pagiging malambing nito pagka minsan sa kanya ay nag dulot ng kakaibang damdamin sa puso ng binatang Mayor.Isang pag-ibig na hindi niya inaasahan, isang pag ibig na nagsimula sa pagiging guardian at nauwi sa isang tunay na pagmamahal. Ngunit alam ni Mayor Rayven ang malaking agwat ng kanilang edad at ang responsibilidad niya sa dalaga. Paano niya sasabihin ang kanyang nararamdaman? Paano niya haharapin ang komplikasyon ng kanyang pagmamahal sa dalaga? Isang mahirap na desisyon ang kanyang haharapin, isang desisyon na pwedeng magpabago ng takbo ng buhay nilang dalawa ni Marie. Kakayanin kaya ni Mayor na ipaglaban ang damdamin niya sa kabila ng mapanghusgang mundong ginagalawan niya. Alamin natin kung ano ang kahihinatnat ng pag iibigan nila Mayor Rayven Torres at Mharimar Mercurio sa kwentong "MAYOR RAYVEN'S HIDDEN DESIRE"
Blurb
Isang dalagang sabik sa pagmamahal at atensyon nang kanyang magulang kaya ginagawa niya ang lahat para mapansin siya nang mga ito. Ngunit sa kabila nang mga pag susumikap niya na maging mabuting anak hindi pa sapat sa mga ito para tapunan siya kahit konting oras na siyang nais ng dalaga. Mas mahalaga sa mga magulang niya ang yaman at estado nila sa lipunan, isang bagay na hindi gusto ni Tina Dela Cruz galing sa mayaman at kilalang pamilya pero sa kabila nang pagkakaroon nang gintong kutsara sa kanyang bibig ay nagkukubli ang isang malungkot na mundo na pilit niyang tinakatasan.Biglang nag iba ang lahat kay Tina nang makilala niya ang isang binata na tumulong sa kanya nang minsang masnatch ang kanyang bag sa divisoria. Si Harold Morgan namulat sa hirap nang buhay, salat sa lahat nang bagay ngunit maprinsipyong tao, para sa kanya ang lahat nang bagay ay pinaghihirapan. Malaki ang galit sa mga mayayaman dahil sa pinagdaanan nang kanyang pamilya mula sa mga taong akala mo Diyos ang tingin sa sarili,. Na naging dahilan para maranasan nila ang labis na kahirapan. Binansagang badboy nang tondo pero may pusong mapagmahala at may respeto sa kapwa lalo na sa mga kababaihan. Dahil sa kagustuhan ni Tina na makilala nang husto ang binata ay nagawa niyang magpanggap na mahirap, umupa siya nang apartment na malapit sa tinitirahan nila Harold. Sa una'y naging mabuti silang magkaibigan hanggang sa unti unti nang nahuhulog ang loob ni Tina sa binata.Paano kung pagtagpuin ang landas ng isang dalaga na sabik sa pagmamahal at isang binatang basagulero pero mapagmahal? Ano ang gagawin nang binata kung malaman niyang galing sa mayamang pamilya si Tina? Makakaya kayang makapasok ni Harold sa mundong ginagalawan ni Tina kahit langit at lupa ang pagitan nila? Abangan kung hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang relasyon na pilit na sinisira nang mga taong nakapligid sa kanila. Sabay sabay nating sumaybayan ang masalimuot na kwentong pag ibig nila Tina Dela Cruz at Harold Morgan sa kwentong "My Badboy Lover"
BLURB
Sa gitna ng kahirapan sa Pasay naninirahan si Jilla Nosgel Jadia 22 yrs old, isang dalagang may magandang kalooban at busilak na puso ngunit salat sa kahirapan. Araw araw ay lumalaban siya sa hamon ng buhay iba't ibang sideline ang pinapasok niya para lang kumita nang pera pandagdag sa pang araw-araw nilang gastos sa bahay. Isang araw sumama siya sa kanyang kaibigan na mag extra sa mansion ng mga Garcia dahil nagbakasyon ang isa nilang kasambahay. Nakita ni Nosgel ang larawan ng isang binata na nakasabit sa dingding. Nalaman niya na nag iisang anak ito ng mag asawang Garcia at sa America naninirahan para pamahalaan ang kanilang negosyo. Sa unang tingin niya pa lang sa larawan ay hindi niya na maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.Hindi sinasadyang nakilala niya si Lorenzo "Enzo" Garcia 32 yrs old ang nag iisang anak at taga pagmana ng mga Garia. Agad na umibig ang dalaga sa binata at araw araw ay nangangarap siya na sana ay mapansin siya nito. Batid niya na ang mga kagaya ni Enzo ay madaming nagkakadarapang babae mapansin niya lamang niya, na ang pag ibig para sa kagaya niyang gwapo at mayaman ay isang parang laro lamang. Ngunit para kay Nosgel ang pag ibig niya sa lalaki ay tunay at wagas, at umaasa siya na balang araw ay mapapaibig niya din ito.Kaya nang minsan mag celebrate ito ng birthday sa knyang condo at ngailangan ng mag seserve para sa mga bisita ay agad na sumama si Nosgel. Pero isang pangyayari ang naganap ng malasing ang binata at mapagkamalan siyang kasintahan nito. May nangyari sa kanila na siyang dahilan kung bakit nagalit ng husto sa kanya ang binata.Matanggap kaya siya ni Enzo sa kabila ng lahat ng nangyari? Matutunana kaya siya nitong mahalin, gayong may ibang babaeng tinitibok ang puso ng binta? Hanggang kailan kaya makakayanan ni Nosgel ang sakit na dulot ng pagmamahal niya kay Enzo? Ano ang handa sniyang gawin para lang ipaglaban ang lalaking pinakamamahal niya? Subaybayan ang kwento ng pag ibig nila Nosgel at Enzo sa kwentong magpapakilig at magpapagalit sa ating lahat sa kwentong TANIKALA NG PAG-IBIG.
BLURB
Sa gitna ng isang maingay na lungsod, sa isang magulong barangay sa Tondo nakatira ang mag asawang sila Ronald Funetebella at Samantha Mikaela Reyes. Nangungupahan sila sa isang apartment na hindi gaanong kalakihan. Para kay Samantha ay perpekto na ang pag sasama nila ni Ronald dahil ito ay mapagmahal, maalaga at responsableng asawa. Magkasintahan pa lamang sila ay alam niya nang magiging mabuting padre de pamilya si Ronald. Pero nag bago ang lahat nang magkaroon ito nang magandang trabaho sa isang kumpanya. Dahil sa sinasabi niyang pakikisama ay natuto siyang magkaroon ng bisyo sa una ay lagi silang nagpupunta sa bar para mag inom. Madaling araw na kung umuwi at laging lasing, natuto din siyang manigarilyo hang sa hindi niya namamalayan ay unti unti nang nagbago ang kanyang asawa.Hindi ito ang buhay na pinangarap niya noong magpakasal sila. Ang dating Ronald na palaging nagpaparamdam sa kanya na espesyal siya, ang Ronald na halos sambahin na siya dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya ay biglang nag laho. Sa isang iglap ang dating pagmamahal sa puso ni Samantha ay napalitan ng pag hihinagpis at poot. Noong una kapag may hindi nagugustuhan sa kanya si Ronald ay puro masasakit na salita lamang ang natatanggap niya. Hanggang sa naging sampal sa bawat pagkakamali niya. At isang araw dumating si Ronald ng madaling araw at lasing na lasing at nanlilisik ang mga mata ay bigla na lang siyang sinaktan nito sampal, suntok at sipa ang inabot niya sa kamay ng kanyang mapang abusong asawa. Ang bawat araw ay naging kalbaryo sa buhay ni Samantha? Hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng pagmamahal niya para kay Ronald? Hanggang kailan niya kayang tiisin ang pang aabusong ginagawa sa kanya ng kanyang asawa? May magandang bukas pa kayang naghihintay para kay Samantha? Makawala pa kaya siya sa tanikalang nag uugnay sa kanila ng kanyang asawa? Abangan ang masalimot na buhay pag ibig ni Samantha Mikaela Reyes sa buhay ng kanyang mapanakit na asawang si Ronald Fuentebella. Makatagpo pa kaya siya ng panibagong pag ibig? May dumating pa kayang lalaking na mag bibigay sa kanya ng halaga at handang mahalin siya ng hindi siya sasaktan?
BLURB
Bata pa lang si Charimel Mediado ay naging crush niya na si Elijah Martinez 3rd yr college student ito sa Holy Trinity ginawa niya ang lahat para mapansin siya nang binata at para mapalapit siya dito, sa kabila ng laki ng agwat nang edad nila ay hindi niya iyon binigyan nang pansin. Hanggang sa isang araw na nagkaroon nag Inter School Competition at ginanap ito sa University na pinapasukan ni Elijah, nagkaroon si Chari nang pagkakataon para magpapansin sa binata at nagtagumpay naman siya. Naging malapit sila sa isat isa at tuluyan nang nahulog ang loob niya sa binta. Sa edad niyang seventeen ay natagpuan niya ang sarili niyang umiibig na sa binata hanggang maging kasintahan niya ang ito akala niya ay wala nang katapusan ang sayang nararanasan niya. Ngunit nagbago ang lahat nang aksidente niyang marinig ang usapan ni Elijah at ng kaibigan nito na si Harold. Lalong tumindi ang galit niya sa binata nang malaman niyang umalis na ito patungong Amerika at doon na ipagpapatuloy ang kanyang pag aaral. Dahil sa kabiguang naransan niya sa una niyang pag ibig ay nawalan na siya nang interes na makipag relasyon pa sa ibang lalaki itinuon niya ang kanyang sarili sa pag aaral. Makalipas ang apat na taon ay nakapag tapos si Chari sa kursong Business Administration. Lumuwas siya nang MAYNILA upang makipagsapalaran at maghanap nang trabaho, natanggap siya bilang HR sa isang malaking kumpanya. Paano kung malaman niya na ang may ari pala nang kumpanyang pinapasukan niya ay ang taong kinamumuhian niya? Paano kung muling mag krus ang landas nilang dalawa? Muli pa kayang bumalik ang dati niyang pagtingin kay Elijah? Tuluyan na kaya siyang mahalin nang binata o manantiling estranghera ang tingin niya kay Chari? Abangan kung saan hahantong pag pag iibigan nang ating dalawang bida na sina CHARIMEL MEDIADO AT ELIJAH MARTINEZ sa kwentong ANG PAIT NANG KAHAPON.
Blurb
Isang simpleng dalaga lang si Chellie Sanchez laki sa hirap pero nagsisikap para matulungan ang kanyang mga kapatid sa kanilang pag aaral. Dahil galing sa isang broken family ay hindi na siya nakapagtapos ng kanyang pag aaral, ninais na lang niyang magtrabaho para makatulong sa kanyang ina na mag isa na lang na nagtataguyod sa kanilang 4 na magkakapatid. Dahil sa taglay niyang natural na ganda ay madami na ring nagtatangka na ligawan siya ngunit dahil sa kagustuhan niyang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya ay hindi niya ito binibigyan ng prayoridad. Hanggang sa mag krus ang landas nila ng isang Troy Saavedra isang gwapo, matipuno at mayamang lalaki na galing nang america. Pinadala sa pilipinas upang hanapin ang kanyang mga kapatid sa ama. Naging magkaibigan sila ni Chellie hanggang sa hindi nila pareho namamalayan ay nahuhulog na ang loob nila sa isat isa. Ngunit paano nila ipaglalaban ang kanilang pag mamahalan kung pamilya ang priority ni chellie? Hanggang saan kaya maghintay ni Troy para sa babaeng itinatangi ng kanyang puso? Paano tatanggapin ni chellie kung sa muling pagkikita nila ni Troy ay may iba na siyang mahal.? Abangan kung saan hahantong ang pag-ibig na ipinangako nila sa isa't-isa?