Story By JayBee
author-avatar

JayBee

ABOUTquote
Writing is like a portal to another world—a place where I can escape the chaotic reality, while watching anime is my ultimate stress reliever and my go-to escape from boredom! LIST OF MY STORIES: HEARTTHROB SERIES [COMPLETED] Loving You, Secretly When Bad Turns Good Hard to Forget [FREE] Finally, I Met You My Best Bestfriend and Enemy Loving The Ex-Convict Billionaire Loving My Sisters Billionaire Fiancé [2ND GEN.] When The Billionaire Fell In Love With The Fairy [FREE] ZAXTON\'S BROTHERS SERIES ²nd GEN. [COMPLETED] The Mafia Boss\' Ownership Dealing With The Dangerous Devil Mafia Saint\'s Obsession MAFIA\'S CLAN SERIES Accidentally Kiss the Mafia Boss [COMPLETED] Marrying The Mafia Billionaire [COMPLETED] Wild Encounter With The Mafia Boss [COMPLETED] Deadly Affair With My Bodyguard [COMPLETED]] Tears for the Cold Mafia Boss [COMPLETED] UPCOMING STORIES.. DEVIL\'S ROMANCE SERIES Chased By A Devil Billionaire [ON-GOING] Punished By A Devil Boss [NEXT] Owned By A Devil Stalker Captured By A Devil Abductor Controlled By A Devil Mafia
bc
Wild Encounter With The Mafia Boss
Updated at Nov 24, 2025, 04:41
WARNING! SPG/R-18 Mature Content. Some chapters may not suitable for young readers. Read at your own risk! Chazzy Sevilla has it all — beauty, brains, and a thriving lifestyle. By the age of twenty-five, she has already achieved success in life. Pero sa kabila ng kanyang almost perfect na buhay, nagawa siyang lokohin ng kanyang fiancé. Dahil sa sama ng loob ni Chazzy, tinangay siya ng kanyang emosyon—nagawa niyang isuko ang kanyang pagka-birhen sa isang estranghero na hinarang lang niya sa gitna ng malakas na ulan at madilim na daan. After a thrilling and wild encounter with a stranger whose face she never saw because she was blindfolded, she keeps dreaming about the passionate moment they shared together. Gusto na sanang kalimutan ni Chazzy ang nangyari, pero paano kung may isang lalaki na pareho ng boses ng estranghero na nakasalo niya ng isang gabi, ang nag-alok sa kanya ng isang bagay na pabor sa kanya ngunit may kapalit? Thomas Vinscenzo Vittori is a charismatic business magnate who has the power to manipulate the people around him. Magagamit kaya niya ang kanyang karisma at pagiging manipulador na tao sa isang mailap na babae na ayaw nang magtiwala muli sa lalaki? Hanggang kailan kayang tanggihan ni Chazzy ang katulad ni Thomas na handang gawin ang lahat upang makuha lamang ang atensyon ng dalaga?
like
bc
Loving the Ex-Convict Billionaire (SPG)
Updated at Jan 14, 2023, 01:45
WARNING❗SPG/R-18 Mature Content❗ Some chapters may not suitable for young readers. Read at your own risk❗ Gregg Benedicto was imprisoned for the offence he committed. A year later, he was released because his father paid a large sum just to set him free. Pangalawang araw pa lamang niya sa labas ng bilangguan ay nabangga ang kotse na minamaneho niya. When he woke up, he could no longer walk. Kailangan pa niyang kumuha ng therapist para muli siyang makalakad ngunit wala namang tumatagal sa ugali niya. Hanggang sa nakahanap siya ng katapat sa katauhan ni Alexandria. Alexandria Gomez will be Gregg\'s Personal Therapist. Una pa lang ay hindi na niya gustong tanggapin ang trabahong binigay sa kanya ng head niya. Una, dahil malayo at kailangan pa niyang mag-stay sa bahay ng papasukan niya at makakalabas lamang siya kapag day-off. Pangalawa, hindi niya gustong makasama sa ilang buwan ang tulad ni Gregg Benedicto na masama ang ugali ayon na rin sa nasagap niyang balita na walang tumatagal na therapist rito. Pangatlo, isa itong ex-convict. What if one day, she woke up and fell in love with an ex-convict? Magpapatuloy ba siya kung ang pinili niyang mahalin ay maraming kaaway? Paano kung dumating sa punto na pati buhay niya ay nalagay sa panganib dahil sa mga taong may lihim na galit sa binata? Will she stay beside him or will she leave to take Gregg\'s dark fate into the hands of his enemies?
like
bc
My Bestfriend and Enemy
Updated at Sep 30, 2022, 01:33
A bestfriend and also an enemy. Iyan ang turing ni Jaydee sa kaibigan na si Lucas. Aso't pusa man ang turingan ng dalawa, sa oras ng kagipitan at problema, ang isa't-isa lang ang takbuhan. What if one day, bestfriends turns into a husband and wife because of Lucas grandmother's wish. Magiging katulad pa rin kaya ng dati ang samahan nilang dalawa? Paano kung ang pagpapakasal nilang dalawa ay magdudulot pala ng panganib at magdadala sa kanila sa kapahamakan? Naging maayos na sana ang lahat ngunit muli silang susubukin ng tadhana dahil sa isang malaking trahedya. Limang taon na nagluksa at nangulila dahil sa pag-aakalang patay na ang minamahal. Paano kung madiskubre mo na ang inaakala mong patay na ay buhay pala ngunit hindi ka na niya maalala? Pipiliin mo ba na manatili sa tabi niya kahit ang kapalit nito ay ang pagkadurog ng puso mo dahil may iba ng nagpapasaya sa kanya o handa mong gawin ang lahat para lang maalala ng puso niya na minsan sa buhay niya ay may isang katulad mo ang minahal niya?
like
bc
Punished by a Devil Boss
Updated at Dec 16, 2025, 01:05
DEVIL'S ROMANCE SERIES2: PUNISHED BY A DEVIL BOSS [ALLENDRANO CAIVANO]“Take my punishment, mio tesoro — before you even notice, you’ll be on your knees, begging and craving it.”Huling taon ni Stephanie Jane sa kolehiyo, kaya’t doble ang kanyang pagsisikap sa pag-aaral. Nang binigyan sila ng kanilang profesor ng indibidwal na proyekto—ang makapanayam ang isa sa mga may posisyon sa isang kumpanya, tinutukan niya ito ng mabuti.Nagpresenta si Amadeo Caivano, ang matanda na tumulong sa kanya na magpa-interview. Ngunit nang dumating ang araw ng panayam, hindi si Amadeo ang humarap sa kanya kundi ang guwapong apo nitong si Allendrano Caivano.His strong presence makes her uneasy. His cold stare is so intense that it’s hard to handle. Kung gaano kabait ang lolo niya, kabaliktaran naman nito ang ugali niya.Hinusgahan siya ng aroganteng binata ng walang batayan. Tinawag siyang mababang uri ng babae at sinabing pera lamang ang habol niya sa lolo nito, kaya siya lumalapit sa matanda. Ipinaglaban niya ang kanyang dignidad na paulit-ulit nitong tinapakan, ngunit lalo lang itong nagpatindi ng tensyon sa pagitan nila ng binata.Dumating sa punto na inalok siya nito ng dalawampung milyong piso — kapalit ay ang lumayo siya sa lolo nito. At ang natuklasan nito ay lalo pang nagpatunay sa hinala nito sa kanya.That’s how his punishment began — filled with pain and desire. How can she escape this punishment when, as time goes by, she unknowingly starts craving it?
like
bc
Chased by a Devil Billionaire
Updated at Dec 2, 2025, 00:31
WARNING! BOLDER. WILDER. DARKER.This story contains explicit content and is not suitable for young readers. Reader discretion is advised.DEVIL'S ROMANCE SERIES1: CHASED BY A DEVIL BILLIONAIRE [TRAVIS VITTORI]“Playing hide-and-seek, my sweet thief? Let's see how long you can run before I catch you.”Eide has a talent for getting what she wants, even if it means breaking the law. Sumapi siya sa isang grupo na ang target ay nakawan ang mga mayayaman, na mapanlamang sa maliliit na tao. Ngunit hindi niya lubos akalain na magugulo ang mundo niya dahil isa sa mga naging biktima niya ay hindi tumigil na hanapin siya. Travis Vittori—the handsome billionaire whose gaze is colder than ice. But it's a mask that hides his true self, a secret he desperately conceals. Nang mawala ang pinakamahalagang bagay na iningatan niya ng matagal, hindi siya tumigil sa paghahanap sa taong kumuha nito.Paano tatakasan ni Eide ang katulad ni Travis na handang magbayad ng malaking halaga para lang ibalik ang mahalagang bagay na kinuha niya? How can she escape if she is being chased by a devil billionaire?
like
bc
Tears for the Cold Mafia Boss
Updated at Oct 18, 2025, 21:05
MAFIA'S CLAN SERIES 5 [TEARS FOR THE COLD MAFIA BOSS] Kolehiyo si Thea nang makilala niya si Clarkson Sevilla, ang nakatatandang kapatid ng kaibigan niya, na kaagad din niyang hinangaan. Halos gawin niyang tirahan ang bahay ng kaibigan niya para lang masilayan ang kapatid nito. Habang tumatagal, lumalalim ang nararamdaman ni Thea para kay Clarkson, lalo na nang maging malapit siya sa binata. Ngunit parang gumuho ang mundo ng dalaga nang pinakilala mismo sa harap niya ang kasintahan nito. Parang dinurog ang puso niya sa kanyang nalaman, at walang ibang nakakaalam ng sakit na nararamdaman niya kundi ang kapatid nito. Lumipas ang maraming taon, hindi nagbago ang nararamdaman ni Thea para kay Clarkson. Ngunit darating talaga sa punto na ang lahat ay may hangganan. Dumating ang araw na napagod na ang puso niyang masaktan. Pero kung kailan nasa proseso na siya ng paglimot, na ilang beses na rin niyang sinubukan, saka naman siya binibigyan ng atensyon ng binata? Until she discovered who Clarkson truly was. Will she completely distance herself if she uncovers the chilling truth—that the man she loved, the man she cried for countless times, is not the ordinary man she thought he was?
like
bc
The Mafia Boss' Ownership
Updated at Jul 5, 2025, 14:24
MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Some chapter may NOT SUITABLE for YOUNG readers. 2nd Generation (Accidentally kiss the Mafia Boss) TRES EL CASA\'S MAFIA SERIES: ZAXTON'S BROTHERS (RALPHIE SHAWN ZAXTON) ENTRY_MY DANGEROUS LOVERS CONTEST Masaya at payapa ang pamumuhay ni Taniella ngunit bigla itong nagbago ng mabaril ang magulang niya dahilan para bawian ang mga ito ng buhay dahil sa engkwentro sa kanilang lugar ng mga hindi kilalang tao. Nang makarating sa kanya ang impormasyon na ang grupo na sangkot sa barilan sa kanilang lugar ay madalas sa isang high class club, sa inosente niyang isipan, baon ang lakas ng loob ay matapang niyang pinasok ang club para alamin kung sino ang nakabaril sa kanyang magulang para paghigantihan. Naging waitress siya sa club. Ngunit lingid sa kaalaman niya na ang bawat bagong salta sa loob ay pinagpupustahan ng mga high profile customers. At dumating na nga sa puntong mayroong isang tao ang bumili sa kanya sa malaking halaga na hindi kayang tumbasan ng iba. Ralphie Shawn Zaxton o mas kilala sa tawag na Boss Rock– because his heart is hard as rock, cold as ice. The man who wasted a lot of money just to buy Taniella. Sa kabila ng gwapo niyang mukha, makikita ang kakaibang aura na nagpapatindig sa balahibo ni Taniella. Paano kung sa paghahanap ni Taniella sa totoong pumatay sa magulang niya ay hindi sinasadyang matuklasan niya ang tunay na pagkatao ni Ralphie Zaxton? What fate awaits her if the man who bought her belongs to an underground world that everyone fears? Is there a chance she\\\'ll soften his stony heart and melt the ice that\\\'s covering it? How can she refuse him all he wants if he repeatedly tells her that she belongs to him… that she was the mafia boss\\\'s ownership?
like
bc
Deadly Affair With My Bodyguard
Updated at Jun 23, 2025, 18:39
[MAFIA'S CLAN SERIES 4] Reece Thearessia Zaxton is a spoiled brat and a stubborn young lady. However, when she realizes that she or the people close to her are being mistreated, she fights back. Ang pamilya niya ay miyembro ng isang mafia organization. Dahil nakabuntot ang panganib sa katulad niyang anak ng pinakamataas sa organisasyon, binigyan siya ng magbabantay sa bawat kilos niya, na lagi naman niyang tinatakasan. But her world was thrown into chaos when a captivating man named Serge Kezsler Antonuitti, who had a commanding presence, was assigned as her bodyguard. Napapasunod siya nito, isang bagay na hindi kayang gawin sa kanya ng dati niyang mga bodyguard. As days passed, despite Reece and Serge's endless arguments, Reece slowly began to develop feelings for her bodyguard without even realizing it. A forbidden romance will blossom between her and her bodyguard, a romance that shouldn't happen because of their work relationship. Ngunit sa pagsulpot ng hindi inaasahang tao sa kanilang buhay, isang lihim ang mabubunyag, at isang nakaraan ang muling mauungkat. Handa bang kalimutan ni Reece ang lahat alang-alang sa pagmamahal niya kay Serge, o mangingibabaw ang poot dulot ng nakaraan na winasak ng isang malaking pagkakamali?
like
bc
Accidentally Kiss The Mafia Boss (Tagalog) R/18 SPG
Updated at Jan 16, 2025, 15:18
WARNING❗SPG/R-18 Mature Content❗ Some chapters may not suitable for young readers. Read at your own risk❗ Hangga't may oportunidad, sunggab agad. Iyan ang motto in life ni Lindsy simula ng iwan siya ng magulang niya sa pangangalaga ng kanyang lola. Kaya ng may in-offer na trabaho sa kanya ay kaagad niyang sinunggaban.  But she made a mistake by grabbing the chance because it turned out to be the worst thing that had ever happened to her. She accidentally kissed the VIP guest of the party.  Sa sobrang sama ng loob niya dahil napunta ang unang halik niya sa tao na hindi niya mahal ay buong gabi na masama ang tingin niya sa lalaki. Ngunit sinalo na yata niya ang lahat ng kamalasan ng gabi na iyon dahil may dumukot sa kanya. Nang magising siya ay tumambad sa harap niya ang mga kababaihan sa isang silid.  Para hindi siya mapakinabangan ng tila mga sindikato ay nagpanggap siyang bulag.  Ngunit sadya yatang mapaglaro ang tadhana dahil nang hiniwalay siya sa mga kasama niya ay muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking nahalikan niya ng hindi sinasadya.  Makilala kaya siya nito? Mapanindigan kaya niya ang pagiging  bulag sa harap nito o hahayaan na lamang niya ang sarili na matupok ng sariling init ng katawan sa harap ng lalaking halos araw-araw na lang niya nakikita ang hubad na katawan?
like
bc
Marrying the Mafia Billionaire
Updated at Jan 16, 2025, 15:16
WARNING❗SPG/R-18 Mature Content❗ Some chapters may not suitable for young readers. Read at your own risk❗ Pumayag si Sunset nang inalok siya ng isang taon na kontrata para magpakasal sa lalaking hindi pa niya nakikita. Ang kapalit nito ay para maipagamot ang kanyang ina na may malubhang karamdaman. Ngunit kahit nakatakda na siyang ikasal, hindi inaasahan ni Sunset na mahuhulog ang loob niya sa kanyang kaklase kahit may ideya na siya kung sino ito. Alam niyang mali na mahulog ang loob niya sa iba dahil ikakasal na siya, pero paano siya iiwas kung nilalapit nito ang sarili sa kanya at sa tuwing magkadikit ang kanilang mga balat ay nabubuhay ang kakaibang init sa buong niyang katawan? Is she ready to put her feelings aside for the sake of her mother's life and marry a stranger, even though she has never seen him?
like
bc
Saint's Obsession
Updated at Nov 18, 2024, 16:37
WARNING!! SPG/R-18! Mature Content! SOME CHAPTERS MAY NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK! Rhanndale Saint Zaxton is the youngest of the three Zaxton siblings. Unlike his brother's good image, he was famous for being a womanizer. With his striking looks and charismatic personality, no woman has ever refused him. Until Tamielina came, a 15-year-old maldita young lady. Hindi paghanga ang sinalubong nito sa kanya, kundi pinakitaan kaagad siya ng pagiging maldita nito. Naging guardian siya ni Tamie at ng bunso nitong kapatid. Ngunit sa araw-araw na paghaharap nilang dalawa ay palaging nauuwi sa pagtatalo. Rhann is being patient but Tamie always annoys him. Until one day, he just realized that he was obsessed with her, na kahit ang makipag-usap sa ibang lalaki ay mahigpit niyang ipinagbawal. Hanggang kailan siya magtitimpi, kung habang nakikipaglaro siya ng apoy sa iba ay biglang susulpot ang inosenteng mukha ng babaeng naging dahilan, para maging magulo ang dati ay tahimik na mundo niya?
like
bc
Dealing with the Dangerous Devil Mafia
Updated at Jan 28, 2024, 08:40
WARNING!! SPG/R-18! Mature Content! SOME CHAPTERS MAY NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK! Reddelion Stone Zaxton, a ruthless and extremely powerful mafia boss in his clan's organization. He is a dangerous threat to his enemies and a devil in his own hell. Among Zaxton's brothers, he is the one who has no interest in women. He avoids them at all costs and ignores them without care. Para sa kanya, sakit lamang sa ulo ang mga babae. Ayaw niya ng responsibilidad, kaya iniwasan niyang ma-attached sa kahit na sinong babae. Not until one day, when he came across an innocent woman who suddenly came into his world and managed to pique his interest. He doesn't like women, but he was able to make a deal with her that she couldn't refuse. Zianna Ayamora is a smart and dazzling secret agent, known as a living angel. But despite her innocent face, she hides a dangerous side of herself where she fears nothing. Para mapadali ang mission na alamin kung sino nga ba ang Zaxton's brothers ay pumayag siya sa deal ni Redd. Until secrets are revealed. Revenge! Betrayal! Sacrifices! How can love unite two people who live in different worlds? Ano ang dapat mangibabaw, ang kanilang tungkulin o sinisigaw ng kanilang mga puso?
like
bc
Loving My Sister's Billionaire Fiancé
Updated at Oct 13, 2023, 00:57
BENEDICTO TWINS SIBLINGS SERIES #1 2nd Generation (Loving The Ex-convict Billionaire) THADDEUS ALEXANDRO BENEDICTO (Lexa and Gregg eldest twin son) "My heart beat for the first time. It\'s my first time to fall in love but why with my sister\'s fiancé?" Buong buhay ni Nikay ay tinuon niya sa pag-aaral. Hindi siya nag-entertain ng manliligaw kahit may ilan na nagpapakita ng interes. Ngunit hindi niya inaasahan na titibok ang puso niya kay Thaddeus Alexandro Benedicto, ang bilyonaryong fiancé ng kapatid niya. Si Nikay ang naging tour guide ni Thaddeus ng magbakasyon ito sa lugar nila at para dumalo na rin sa ikalabing-walong kaarawan niya. Sa mga araw na kasama niya si Thaddeus ay hindi niya namamalayan na unti-unti na pala nahuhulog ang kanyang loob sa binata kahit lagi siya nitong kinokontra at pinupuna.  Masaya si Nikay para sa Ate Nikki niya pero hindi ang puso niyang unti-unting dinudurog habang nakikitang kinakasal ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso habang inaawit ang awiting siya mismo ang pumili para sa dalawa. Para makalimot ay pinili niyang sunggaban ang offer ng malapit na kamag-anak na pag-aralin siya sa ibang bansa. Ngunit sadyang pinaglalapit sila ni Thaddeus dahil nakiusap ang kanyang ina na pansamantalang alagaan ang pamangkin niya. Pumayag si Nikay dahil ang buong akala niya ay wala na siyang nararamdaman para kay Thaddeus dahil pitong taon na ang nakalipas. Ngunit nagkamali siya dahil muling bumalik ang nararamdaman niya para rito nang makaharap niya itong muli. Paano kung sa pagbabalik niya ay hindi sinasadyang nadiskubre niya ang isang lihim? Lihim na alam niyang magiging sanhi ng pagkasira ng pamilyang binuo ng lalaking minsan niyang minahal? Pipiliin ba niyang makialam o hahayaan niyang ito ang maka-diskubre? Sa mundo kung saan puso ang sangkot, sino ang mas matimbang, ang kadugo na hindi mo kayang ipahamak o ang lalaking mahal mo na ayaw mong masaktan?
like
bc
THE CERTIFIED PLAYBOY Finally, I met You
Updated at Feb 28, 2022, 15:03
Si Syke Perkins ang tinaguriang Playboy sa grupo. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mga babae. Para sa kan'ya, return and exchange lang ang mga ito.  Ngunit tila makakahanap siya ng katapat sa katauhan ni George. Ang babaeng walang inaatrasan kahit lalake pa ang kaharap. Kung manamit ang babaeng ito ay animo'y daig pa ang lalake. Sa madaling salita ay tomboy sa mata ni Syke. Mababago ba ng dalaga ang certified playboy na si Syke o ang boyish na si George ang babaguhin ng binata? May pag-asa bang may mamuong damdamin sa pagitan nilang dalawa kung sa bawat pagkikita nila ay puro sila bangayan? Paano kung nakatakda na palang ikasal si Syke sa babaeng ipinagkasundo lamang sa kan'ya ng magulang niya? May happy ending ba na naghihintay o pangugunahan sila ng takot na magdadala sa kanila sa kalungkutan? Dahil isang lihim ang mabubunyag na labis na nagpadurog ng kanilang mga puso. Isang katotohanan na hindi kayang baguhin ng kapalaran.  Susugal ba ang mga puso nila kung alam naman nila na pareho silang masasaktan o tatanggapin na lamang ang kapalaran na hindi sila ang itinakda para sa isa't-isa?
like
bc
HEARTTHROB SERIES3:THE HAPPY GO LUCKY Hard to Forget
Updated at Feb 23, 2022, 07:43
Drixx Hanford was one of the Campus Heartthrob. Drixx was fun and friendly. He was also a happy go lucky guy. Gimik dito gimik doon. Until he met Mierve. Isang mala-wonder woman na babae na kahit nag-aaral ay nagagawa pang magtrabaho sa umaga at sa gabi. Marami siyang natutunan sa dalaga. Hanggang sa naging magkaibigan silang dalawa. Ngunit natapos ang pagkakaibigan nila ng nagsimula itong umiwas sa kan'ya. Marami siyang gustong itanong pero hindi na niya nagawa dahil hindi na niya nakita ang dalaga. Nalaman na lamang niya na lumipat na ito ng School. Kung saan School iyon ay hindi niya alam. Hanggang sa muli silang nagkita sa Mall na pag-aari ng pamilya niya. Nagtatrabaho ito doon bilang isang sales lady. Labis ang tuwa ang naramdaman niya ng makita niyang muli ang dalaga. Ngunit kung paano ito umiwas sa kan'ya noon ay mas dumoble pa ngayong nagkita na silang muli. Paano kung isang araw ay malaman niya na ang dalaga ang naging dahilan kung bakit nalagay sa peligro ang buhay niya at nawala ng maaga ang nakababata niyang kapatid? Paulit-ulit itong humingi ng tawad sa kan'ya. Isang desisyon ang kan'yang ginawa para kahit sa ganoon paraan ay mapagbayaran nito ang kasalanang ginawa. "Be my sex slave." Isang kataga na sobrang nagpahirap sa dalaga, ang ipagkanulo kay Drixx Hanford ang kan'yang pagkababae. Iyon lang ang tanging paraan para maibsan ang galit nito sa kan'ya. May pag-asa ba na magpatawad ang puso na puno ng galit o paulit-ulit lang ang pagpaparusa kahit pa sa taong Mahal mo? Paano kung ang iyong inaakala ay isa palang malaking kasinungalingan? Paano ka hihingi ng tawad sa taong pinagdusahan ng matagal ang kasalanang hindi naman pala niya ginawa?
like
bc
THE COLD&SERIOUS Loving you, Secretly
Updated at Jan 24, 2022, 23:41
UNDER EDITING PROCESS... Haru Stevan was a campus heartthrob during his school days. Katulad ng mga kaibigan niya ay hindi matanggihan ng sinumang babae ang taglay niyang karisma. Lahat nang nadadaanan ng grupo nila ay napapalingon upang masilayan ang mukha ng bawat isa sa kanila, except for one girl. Luisee Strella is an ordinary and simple young lady. Nabigyan siya ng oportunidad na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila sa tulong ng isang scholarship. Maayos naman ang naging takbo ng buhay niya sa mga nakalipas na araw. Ngunit nagulat na lamang siya ng isang araw ay pinatawag siya ng isang nagngangalang Haru Stevan. May pabor itong hiningi sa kanya na hindi niya maaaring tanggihan. Hindi niya inaasahan na magugulo ang tahimik niyang buhay ng sundin niya ang gusto nito. Halos araw-araw siya nakakatanggap ng pagbabanta mula sa mga babae na nagkakagusto rito. Hanggang sa dumating sa punto na nasaktan na siya. Kaya isang mahirap na desisyon ang kanyang ginawa. Kahit pa nakasalalay doon ang pag aaral niya at ang namumuong pagtatangi para sa binata. Pagkalipas ng sampung taon ay muli nagtagpo ang kanilang landas. Ngunit Nakatakda na siyang ikasal kay Earl Quisedas, ang lalaking pinagkakautangan ng pamilya niya. Ang inakala niyang damdamin na namuo noon ay muli na namang umusbong. Makakatakas pa kaya siya sa relasyon na alam niyang pati pamilya niya ay madadamay o kailangan niyang tanggapin na matatali na siya sa lalaking kahit naging mabuti sa kanya ay hindi niya magawang mahalin? Magkakaroon pa kaya siya ng pagkakataon na sabihin sa binata ang nararamdaman kung sa bawat pagkikita nila ay puno ng panunumbat ang mata nito o magiging lihim na lang ang damdamin niya para rito?
like
bc
THE BAD BOY When Bad Turns Good
Updated at Jan 24, 2022, 23:41
Ang pamilya ni Farrah ay nakaka-angat sa buhay. Kung baga namulat si Farrah na may gintong kutsara sa bibig. Pero naglaho ang lahat ng iyon na parang bula. Nabaon ang pamilya niya sa utang ng hindi niya alam kung paano nangyari. Na-depress ang ina niya, dahilan para hindi nito kayanin ang depresyon. Namaalam ang ina niya na lugmok na lugmok pa sila. Kasabay niyon ang pagkabigo niya sa unang lalaking minahal. Iniwan siya nito sa ere ng panahon na walang wala siya. Simula noon ay galit ang umiral sa kanya sa lalaking minahal. Taon ang lumipas ngunit sa hindi inaasahang pangyayari muling nagkrus ang landas nila ng lalaking ni sa hinagap ay hindi na niya makikita pang muli. Ang masaklap ay mayroon itong pinapirmahan sa kanya. Isang Marraige Contract. Dahil sa wala siyang pagpipilian ay pinirmahan niya iyon. Paano na lang kung malaman niya na isa si Zick sa dahilan ng pagkakalubog nila sa utang noon? Paano kung malaman niya na ang lahat ay naka-plano? Mapapatawad pa kaya niya ang binata na kahit anong gawin niyang pambabaliwala dito ay mas lalo naman niyang minamahal? May pag-asa ba na magpatawad ang pusong iniwan na durog o tatanggapin ang katotohanan na kahit ipagtabuyan mo ang lalaking nanakit sa iyo ay ikaw din naman ang nasasaktan?
like
bc
When the Billionaire Fell In Love with the Fairy
Updated at Nov 6, 2021, 23:59
Si Yria ay isang Fairy na walang ginawa kundi ang gumawa ng problema sa paraiso ng mga Wings Fairy. Kaya naman ay binigyan  siya ng kanilang Guardian Fairy ng isang tungkulin na hindi niya maaaring tanggihan. Ang tungkuling iyon ay gabayan at baguhin ang nagngangalang Hermes John Alejandro.  Kapag hindi niya ito ginawa ay tuluyan na siyang mapapatalsik sa Wings Fairy at mawawala ang pinaka iingatan niyang pakpak na siyang pinakamaganda sa lahat ng Fairy. Lahat naman ng Fairy sa paraiso nila ay binibigyan ng tungkulin. Ngunit kakaiba ang sa kanya dahil kailangan niyang magpanggap na isang ordinaryong tao na unang beses pa lamang niyang gagawin at hindi katulad ng mga kasama niya na nananatiling Fairy lamang. Wala siyang ideya kung sino ang lalaking pinagkatiwala sa kan'ya ng Guardian Fairy dahil basta na lamang siya pinatapon sa mundo ng mga tao na walang sinabi kung paano makikilala ang gagabayan niya.  Nang makaharap na niya si Hermes ay hiniling niya sa Guardian Fairy na kung maaari sana ay iba na lang ang ibigay sa kan'ya para gabayan.  Kung si Yria ay matigas ang ulo at walang pakialam sa iba ay mas triple pa ang ugali ni Hermes. Bukod sa masama ang ugali nito ay bulag pa ito na palagi naman na  dinadahilan ang kapansanan nito. Ngunit tila yata magugulo ang tahimik niyang puso dahil sa may kakatwa siyang nararamdaman sa bawat araw na kasama niya ang binata.   May lugar ba ang Fairy na tulad ni Yria sa mundo ni Hermes o ang tungkulin lamang ang dapat gampanan?  May pag-asa ba na ang isang Fairy at ang tao ay mamuhay na magkasama o tatanggapin na lamang ang katotohanan na walang puwang ang tulad niyang Fairy sa mundong ginagalawan ni Hermes?
like