Isang mabait at masunurin na anak si Candy at mapagmahal na tita sa kaniyang nag-iisang pamangkin na si Mickey. Ngunit lumabas ang kaniyang pagkamaldita sa kaniyang bagong kapitbahay na kung tumitig ay halos makalaglag panty na tinagurian niyang yosi boy na si Leandro.
Magkasundo kaya silang dalawa na kung magkatagpo ay parang mga aso't pusa .
Isang maganda at mahinhin na si Gail ang maiinlove ng husto sa isang gwapong doctor na si Lance na kapatid ng kaniyang kaibigan na si Max. Sa sobrang pagkahumaling nya sa gwapong doctor ay palagi niya pa itong pinupuntahan sa ospital na pagmamay-ari nito. Nagmumukha na siyang stalker iyan ang tukso ng kaniyang mga kaibigan.
Sa kasamaang palad, di naman siya nito pinapansin lalo na sa kabila-kabila nitong babae .
Ipagpapatuloy pa kaya ni Gail ang pinapangarap niyang pag-ibig kay Lance o magmo-move on nalang siya ng tuluyan?
Honey Gonzales is a young and innocent girl. Isang masunurin at mabait sa kanyang tatlong tiyahin na puro matatandang dalaga na nagpalaki sa kanya. Pinayagan siyang magtrabaho sa maynila pagkatapos niya ng kolehiyo bilang isang guro ngayon sa kindergarten.
Masaya siyang nagtuturo sa isang private school ng mga anak nang mayayaman at kilalang tao. Isa sa kanyang paboritong estudyante ay si Misty, hatid sundo ito ng kaniyang tito na si Xavier na kaedad ni Honey. Isang gwapo pero makulit at lagi akong madalas lokohin. Lahat ng mga co-teacher ko ay kilig na kilig dito pwera sa kaniya.
Isang araw ay may lalaking sumulpot na bigla sa pintuan ng classroom at sinundo si Misty. Isang lalaki ngayon ko lang nakita dahil sa kakaiba nitong taglay na kagwapuhan at kakisigan a man named Xander Adam Mcvright. Nakakatandang kapatid ni Xavier at uncle ni Misty. Kung gaano kabait at kakulit si Xavier ay napaka opposite naman ng ugali nito si Xander, mukha kasi itong laging galit sa mundo at nakabusangot ang mukha dahil na rin sa agwat ng edad nila ng labing limang taon na tanda nito sa kaniya na kinatatakot at iniiwasan ni Honey, ngunit kay bilis tumibok ang kaniyang puso sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata.
Si Lialyn Griffer o mas kilala sa tawag na Lily ang pinakamatapang, maldita at palaaway sa magkakaibigan pero may puso din naman. Isa siyang anak mayaman pero mas pinili mamasukan bilang waitress sa isang sikat na coffee shop, dahil pangako niya sa kaniyang magulang gusto niya munang ma-enjoy ang buhay bago sumeryoso sa kompanya ng pamilya.
Ang kanyang pagiging matapang at palaban ang siyang ipagkakatagpo ng landas ng isang mayamang arogante . Si Draco Frimmenger . Ang manyak na lalaki panay kindat sa kanya, lumipad tuloy ang kamao niya sa gwapong mukha nito.
Ang tanging hiling lamang ni Reeca Abenejo ay makapagtrabaho muli matapos nang siya ay matagal ng maaksidente. Sa tulong ng bestfriend niya na siyang kumupkop at nag-alaga sa kaniya na si Farah at nobyo nitong si Jackson ay pumasok siya bilang kasambahay sa isang pinaka makapangyarihan at mayaman na si Nickolai Vrikzor Straugher, ang nakakatakot na Mafia at nakakatindig balahibo na pagkatao nito.
Ang inaakala niyang pagiging kasambahay ay nauwi bilang taga-alaga sa dalawa nitong anak na si Zor at Neeca . Anu ang kaniyang magiging buhay sa pagtakbo ng bawat araw na unti unting natutunan niya mahalin ang mga bata na para bang tunay na mga anak. Ang di niya inaasahan ay mas lalong magpapatibok ng kaniyang puso ay ang Ama ng dalawang bata. Pilit niyang itatago ang paghanga na nadarama sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata.
Paano kung ang akala niyang lahat ay normal lang yun pala ay puro kasinungalingan. Isang pagsabog sa kaniyang katauhan ang biglang gigimbal na bahagi sa kaniyang nakaraan.
Isang linggo bago grumaduate sa college si Cassandra ay niyaya siya ng kaniyang kaibigan na mag-bar. Kahit ayaw niya ay napilitan siya dahil iyon na rin ang huling pagsasaya nila bago sila magkahiwa-hiwalay.
Dahil sa kaniyang kalasingan ay pumasok siya sa isang pribadong kwarto para magbanyo ngunit napagkamalan siyang babaeng bayaran ng isang lalaking gwapo at may matalim na mga mata.
Nagising na lamang siyang hubo't hubad at masakit ang katawan katabi ang lalaking nakilala niyang may matatalim na mga mata na mahimbing ang pagkakatulog. Hindi niya ito kilala at ang tanging pangalan niya lang ang alam dito. Si Marcus.
Matapos ang apat na taon , isang nurse na si Cassey at nagtatrabaho sa isang sikat na private hospital na pagmamay-ari ng kapatid ng kaniyang kaibigan.
Pero bigla siyang inirekomenda ng kaniyang boss bilang private nurse sa isang kaibigan nitong lumpo . Di na siya nag dalawang isip tanggihan ito dahil sa laki ng alok na kaniyang sasahurin . Para makatulong sa kaniyang magulang, kaniyang kapatid na nag-aaral at lalo na sa sa kaniyang tatlong taon na anak na si Mickey.
Nang makilala niya kung sino ang aalagan niyang lumpo ay halos gusto na niyang kumaripas ng takbo . Dahil ang kaniyang aalagan ay hindi naman talaga lumpo, kundi isang gwapo at may matatalim na mga mata , walang iba kundi si Marcus.
Anu ang gagawin ni Cassey para di siya maapektuhan sa presensiya nito, lalo na at nagkaroon ng bunga ang isang gabing pagkakamali, walang iba kundi ang anak niyang si Mickey.
*SPG alert!*
Si Akeera Sandoval ay isang writer , halos wala na rin panahon para sa lovelife. Lagi din siyang tinutukso ng mga kaibigan/kasama niya sa bahay na taong multo, tulog sa umaga at gising sa gabi. Wala rin naman siyang magagawa dahil sa gabi lang gumagana ang utak niya para magsulat.
Pero isang araw malakas na kalabog ang narinig nya mula sa kung saan kaya napalabas siya ng bahay at ganun nalang ang gulat nya nang mayroon pala silang bagong kapitbahay .. Pero di lang ito basta kapitbahay .. Super Hunk Yummylicious na gwapong lalaki kasi ang nakita niya habang may buhat na malaking kahon. Halos ikatulo ng laway nya pumuputok na muscle nito na para bang kay sarap lumambitin.
Nawala ang pagpapantasya nya rito ng bigla itong humarap sa kanya at bigla ngumisi , ibang klase itong tumingin at nakangisi para siyang manyakis, kaya napabalikwas at nagtatakbo siya pabalik sa loob ng bahay.
Akeera Sandoval ❤️ Aristotle Schagger
Halos magimbal ang buong pagkatao ni Harmony Lim dahil sa pagsapit ng kaniyang labing-walong kaarawan ay bigla siyang kinasal nang sapilitan sa hindi niya kilalang tao. Hindi man lang niya alam ang pangalan nito maski ang mukha nito ay wala dahil nakasuot lamang ito ng maskara habang ginaganap ang seremonya ng kasal. Bigla din itong naglaho matapos ang kanilang kasal ng walang pasabi. Kasabay ng kasal na iyon ay pagbabago sa kaniyang buhay, ang dating isang kahig isang tuka. Ngayon ay nakatira na sa malapalasyong tirahan.
Very Soon.....
Dahil sa kaniyang trabaho ay nanganib ang buhay ni Max. Nagising na lamang siya isang araw na nasa Isla. Ang gwapong lalaki na tumulong at nagligtas sa kaniya ay isang pamilyar na tao di niya matukoy kung saan niya nakita. Si Knight Brickerman. Sa pananatili niya sa islang ito ay mahuhulog ang kaniyang loob sa taong nagligtas sa kaniya. At ano pa ang kaniyang matutuklasan sa pagdaan ng mga araw kung si Knight ay kasama pala niya una palang.
Sa edad na bente tres ay madalas pa rin mapagalitan si Samantha ng kaniyang magulang dahil sa kung anu-anong mga bagay. Ang tingin pa rin sa kaniya ay bata dahil sa kapalpakan sa buhay.
Isang dayo na nagbabakasyon sa lugar nila ang naging daan para ipagbilin siya rito. Si Adam Lord Miller. Isang gwapong nilalang ngunit napakayabang sa paningin niya lalo na halos lahat ng kadalagahan sa lugar nila ay nagpapapansin sa binata . Pero hindi siya dahil nabubwisit siya rito.
Magkasundo kaya sila at mahuhulog ang loob sa bawat isa o maasar nalang siya dito habang buhay...
Sa muling pagbabalik sa probinsya ng Quezon Province ay taas noo na si Sophia Thompson . Hindi na siya tulad ng dati na niloko at pinaglaruan sa murang edad, dahil isang palaban at magandang Sophia na ang mag babalik. Ngunit hanggang kailan ang pagiging matigas ng kaniyang puso kung muli ay ginugulo siya ng taong siyang dahilan ng kaniyang paglisan. Si Mayor Ezekiel Larkin, ang kaniyang unang minahal at unang nanakit sa kaniyang puso. Maibabalik pa ba ang dating pagmamahal o mas lalo lamang titindi ang kaniyang galit sa taong ito na walang ginawa kundi ay buntutin siya kung saan man siya magpunta.
Very Soon....