Story By Luna King/sola_cola
author-avatar

Luna King/sola_cola

ABOUTquote
I write good fluff. :>
bc
My Super Shy Boyfriend
Updated at Jun 19, 2019, 01:00
My boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.
like
bc
Blow Me A Kiss, Baby
Updated at Jun 19, 2019, 00:54
"I just love it when you look at me thinking that I don't notice." Rai's was the country's hottest rock band, and Bee was one of their thousands of fangirls... until they kicked her most favorite member out of the band. Nagluksa si Bee nang tanggalin ang paborito niyang si Ryford sa banda nang walang paliwanag. But a mere six months later, everyone had moved on from Ryford's sudden disappearance and welcomed Radcliffe-Rai's new front man-with open arms. Except for Bee. Hinding-hindi niya matatanggap ang Radcliffe na iyon bilang kapalit ni Ryford. At lalo lang nadagdagan ang galit niya kay Radcliffe nang sa unang pagkakataon na panoorin niya itong mag-perform ay tinamaan pa siya ng binato nitong bottled water sa fans. Dahil sa nangyari, parati na lang sumusulpot ang lalaki kung nasaan siya at niyayaya siyang makipag-date para daw makabawi sa kanya. She was prepared to give Radcliffe a piece of her mind- hanggang sa sabihin nitong dadalhin siya sa pinakapaborito niyang fast-food chain. Paano siya makakatanggi kung nangako siya sa sarili na makikipag-date lang sa lalaking unang magyayaya sa kanya sa fast-food chain na 'yon?
like
bc
After The Heroine Vanished
Updated at Jul 18, 2023, 08:38
Who is the real heroine? The Transmigrator who changed the story of her favorite romance fantasy novel by marrying the hero for her survival, or the Original(OG) Female Lead who thinks the Transmigrator--- a grown woman possessing the body of a child--- is creepy for marrying the underaged Male Lead? Who is YOUR heroine? The Transmigrator who swears to divorce the Hero once she saves up enough money to run away, or the OG Female Lead who believes the Transmigrator won't be able to escape from the obsessive Male Lead?
like
bc
Dumb Ways To Love
Updated at Jun 12, 2020, 10:16
For Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazmania na ang trabaho lang sana ay gawing pelikula ang love story ni Odie at ng pumanaw nitong fiancé na si Pluto. Naging hit kasi ang video ng kasal ng dalawa kung saan namatay si Pluto bago pa man din makapag-"I do." Nagkasundo sila ni Odie na papayag ito na gawing pelikula ang buhay, at ido-document naman niya ang "journey" nito habang kinukuwento at binabalikan ang love story nito at ni Pluto. Hanggang sa aksidenteng nakuha niya ang listahan ni Odie ng mga paraan ng pagpapakamatay na magmumukhang aksidente, dahil pinaplano pala nitong sundan sa kabilang buhaysi Pluto. Hindi naman gano'n kasama si Tazmania para magbulag-bulagan, kaya ginawa niya ang lahat para pigilan si Odie sa masamang balak sa sarili. But while doing his self-appointed duty of stopping her from killing herself, Tazmania found himself slowly falling in love with Odie... ... even if he knew she would never love any other man after Pluto.
like
bc
Bad Blood
Updated at Jun 12, 2020, 10:15
Nangako si Lilac sa sarili na ipaghihiganti ang kamatayan ng kakambal na si Marigold at ng pinagbubuntis nitong sanggol- kahit pa isang makapangyarihan at purong bampira ang kakalabanin niya. Salamat sa mga salamangkerang nagpalaki sa kanya, marunong siyang gumamit ng salamangka na tatapos sa mga bampira. Lalong lumakas ang loob niya nang makilala si Tyrus na isang Bloodkeeper- o nilalang na kalahating bampira-kalahating mortal- na leader ng squad na huma-hunting din sa hinahanap niyang 'Nobleblood.' Sa pagtutulungan nila, nalaman nilang meron din siyang abilidad na gaya kay Marigold at nangangahulugan 'yon na siya na ang susunod na target ng masamang bampira. Nangako si Tyrus na poprotektahan siya nito pero magagawa ba nito 'yon kung 1.) nanghihina ito at nababaliw sa amoy ng dugo niya, at 2.) may 'split personality' ito. (Masungit at parati siya nitong binabara kapag 'busog' ito. Pero kapag gutom naman, nagiging flirt at malambing sa kanya ang lalaki.) She wasn't going to lie- she was totally attracted to the Bloodkeeper and it was very distracting!
like
bc
SUPERNOVA
Updated at Jun 12, 2020, 10:13
I am Sunny Esguerra, 18 and depressed. He is Levi Mitchell Hope, a living doll. And yes, in love kami sa isa't isa. Ang kailangan na lang naming gawin ay makahanap ng paraan para makabalik siya sa pagiging tao. Para sa forever namin. NOTE: The book is already published under Reb Fiction. :)
like
bc
To Find You, My Love
Updated at Jun 12, 2020, 10:12
He just wants to be with her. But she has dreams--- which doesn't include a future with him. . .
like
bc
Heroine, At Last! (I Want This Love To Happen)
Updated at Jun 12, 2020, 10:09
"Dahan-dahan ka lang sa pagpili ng taong mamahalin mo, baka kasi malagpasan mo 'ko." [PUBLISHED 2013] Snoopy was up to no good. To be exact, nasa kasagsagan siya sa pagkakalat ng masamang tsismis tungkol sa best friend niya para masira ang image nito sa lalaking pareho nilang gusto. Garfield happened to be at the wrong place and the wrong time. Ito ang pobreng naipit sa evil plans niya at ito rin ang witness sa lahat ng "krimen" niya. Tinakot niya ito para manahimik ito. Pero sa kasamaang-palad, muling nagkrus ang mga landas nila ni Garfield sa mismong bahay ng kanyang ina. It turned out that her mom and his mom were best friends. Right then and there, nagawa siyang i-blackmail ng walanghiya para mapasunod siya sa kagustuhan nito! "Well, ano kaya ang magiging reaksiyon ng mommy mo kapag nalaman niya na ang anak niya ay pinuno pala ng kulto ng mga brat sa Emerald University?" banta ni Garfield. Tinakpan ni Snoopy ng kamay niya ang bibig ni Garfield. "Don't tell Mom anything. Pumapayag na 'kong maging babysitter mo!" Yes, he needed a babysitter! It turned out that this jerk was a big-and lazy-spoiled brat!
like
bc
A Robot May Blush
Updated at Jun 12, 2020, 10:07
HELLO Band Series 2: All Peanut wanted was to hurt her mother by hurting Jamia--- her mom's stepdaughter. Para magawa 'yon, kailangan niyang gamitin si Bread, ang lalaking gustong-gusto ng "stepsister" niya. Sobrang cliche ng plano niya pero hindi madaling i-execute. Pa'no ba naman kasi, sobrang emotionless ng Bread na 'to--- parang robot!
like
bc
A Playboy May Cry
Updated at Jun 12, 2020, 10:06
HELLO Band Series 1: Antenna fell in love with Shark the moment she saw him cry. Naniniwala kasi siyang iba magmahal ang mga lalaking iniiyakan ang mga babae. Pero genuine tears nga kaya ang nakita niya o inuuto lang siya ng playboy na 'to?
like
bc
Stuck In The Friendzone
Updated at Jun 12, 2020, 10:06
"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kilalang kriminal. Everyone saw him as a monster, except for Resen, his best friend. Resen was a good person. Dahil sa dalaga, naramdaman uli ni Snicker na tao siya. Naging mabuti ang pagtrato nito sa kanya at hindi siya iniwan sa kabila ng kanyang nakaraan. He was in love with her. Pero maraming dahilan kung bakit hindi sila puwede. Una, mayroon na itong boyfriend-si Winston, ang kabaligtaran niya sa lahat ng aspeto. Mayaman ang karibal niya, matino, at respetado ang mga magulang. Alam ni Snicker na sina Resen at Winston ang nararapat sa isa't isa. Kaya nang maghiwalay ang dalawa, gumawa siya ng paraan para magkabalikan ang mga ito. Pero habang ginagawa niya iyon, lalo silang naging malapit ni Resen sa isa't isa. He fell more in love with his best friend. Pero hindi siya puwedeng umeksena dahil noon, siya pa mismo ang tumanggi kay Resen...
like
bc
My Fiance is a Cyborg
Updated at Jun 12, 2020, 10:04
Pero naging mahirap ang pagtatago sa sekreto niya nang mapilitan siyang lumipat sa university na pinapasukan ni Seth. From there, things started to change fast. The supposedly insensitive robot started to show her his human side. Naging mabait ito sa kanya, maalaga at kahit nagsusungit, ramdam niya ang pag-aalala nito. She finally allowed Seth back into her life, and even inside her heart. Pero kung kailan akala niya ay maayos na ang lahat, saka naman parang nag-"malfunction" si Seth. The cyborg was suddenly back, breaking her heart once again.
like
bc
Luna Ville Series 1: Lovely Magic Fountain
Updated at Jun 12, 2020, 10:02
"I can stop dreaming now, because finally, the reality where you're here beside me, that I can hold you like this, is better than any dream." Desperada si Umi na makahanap ng prinsipe na tulad ng mga nababasa niya sa fairy-tale books. Pero sa kakamadali niyang magka-love life, muntik na siyang mapahamak. Doon naman umentra si Alaude-ang mortal enemy niya na naging first heartache niya. Dahil sa malaking kasalan ang nagawa nito sa kanya, nag-a la "fairy godmother" niya ito sa paghahanap niya sa kanyang Prince Charming. Kasama niya ito sa lahat ng kilig at pagkabigong naranasan niya sa mga palpak na lalaking dumaan sa buhay niya. Kaya nang dumating si Zagg, nag-alinlangan na sila. Hanggang sa mag-suggest ang mga kaibigan nila na gumawa sila ng "signs" na magsasabi kung si Zagg na nga ba ang lalaking nakalaan para sa kanya. Sumagot naman ang tadhana-nangyari ang lahat ng signs! Pero kung kalian naman natagpuan na niya ang kanyang prinsipe, saka naman niya hinanap-hanap si Alaude. Kaya ba niyang kalabanin ang tadhana na nagsasabing si Zagg ang nakalaan para sa kanya para ipaglaban si Alaude na bigla na lang lumayo sa kanya?
like
bc
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat
Updated at Jun 12, 2020, 10:01
"I want to hear you call my name." Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumayag si Moana na magpanggap bilang "Monina" at sumugod siya sa Luna Ville kung saan nakatira ang fiance ng kakambal niya--si Sley Enriquez. Iisa lang naman ang misyon niya: ang guluhin ang buhay ng binata upang umurong ito sa engagement "nila." Ginawa niya ang lahat para inisin ito mula sa pagiging pasaway hanggang sa pangugulo sa bahay nito. But Sley turned out to be the nicest guy she had met in her whole life! Not to mention the most gorgeous man she had laid her eyes on, too. Pasensiyoso ito at maalaga pa. Isang ngiti lang nito, kinikilig na siya. Hanggan sa dumating ang hindi niya inaasahan -- kabaligtaran ng plano niya ang nangyari. Instead of hating her, Sley actually fell in love with her. Paano na ang misyon niyang paurungin ang binata sa kasal nito at ng kakambal niya kung bigla-bigla ay mahal na rin niya ito?
like
bc
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick
Updated at Jun 12, 2020, 09:59
"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino siya ay ang mga taong kumupkop sa kanya-ang kambal na sina Melou at Stein. Pero wala rin palang alam ang magkapatid tungkol sa kanya maliban sa kanyang pangalan. Sa kabila ng mga katanungan niya tungkol sa pagkatao niya, may kumompleto pa rin sa kanya. At si Stein iyon. She was so comfortable with him she found herself falling in love with him. Minahal din siya ng binata sa kabila ng ikli ng panahong nagkakilala sila. He even proposed marriage to her during the legendary Luna Queen's Night in their village. Ang akala niya, magiging masaya na sila. Pero kung kailan naman maayos na ang lahat, saka naman bumalik ang isang lalaki mula sa nakaraan niya. Kasabay ng pagbabalik nito sa kanyang buhay ay ang pagbabalik din sa kanya ng mga alaala niya. Now she had to choose which string she had to cut: the string that connected her to her past, or the string that connected her to Stein.
like
bc
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse
Updated at Jun 12, 2020, 09:57
"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni Crey kahit akitin pa niya ang binata. "I 'll make him fall for me," deklara ni Pearl dala ng galit. But because of her work as a bodyguard, kilos-lalaki siya. Kaya hiningi niya ang tulong ng pinakamalanding lalaking nakilala niya-ang amo niyang si Primo-para mas maging feminine. Pagkatapos ng matinding pagtatalo ay pumayag din si Primo na maging beauty coach niya. Subalit sa halip na pagandahin ay nilalandi lang siya ng kanyang amo. Hindi akalain ni Pearl na hindi pala siya immune sa mga kindat ni Primo, for she found herself falling in love with him. But a playboy like Primo would and could never stay faithful to one woman. Isang araw, natuklasan ni Pearl ang sumpa ng pamilya ni Primo, na naisip niyang maaaring dahilan kung bakit takot itong magmahal. Pero itinanggi iyon ng binata at binitiwan ang mga sumusunod na salitang dumurog sa kanyang pag-asa: "Hindi ako tatablan ng sumpa dahil wala naman akong balak na magkaroon ng pamilya."
like
bc
Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis
Updated at Jun 12, 2020, 09:54
He always thought the words "I love you" were very special. Ngayon lang niya naisip na hindi pala totoo 'yon. Dahil nagiging espesyal lang 'yon kapag nagmula ang mga salitang 'yon sa taong gusto mong mahalin ka. Kung puwede lang mamili ng mamahalin, siguradong sa umpisa pa lang ay inekisan na ni Genna sa listahan ang pangalan ng best friend niyang si Melvin. Paano, pangalawa si Melvin sa pinakamalanding lalaking nakilala niya. Okay lang sana kung pati siya ay nilalandi nito. Pero hindi. Kahit nga noong nakita siya ni Melvin na nasa kalagitnaan ng pagbibihis ay wala pa ring reaksiyon ang impakto. Tanggap na ni Genna na hindi siya kayang tingnan ni Melvin bilang babae na puwede nitong mahalin at seryosuhin. Pero mula nang bumalik ang isang multo sa kanyang nakaraan, lalong naging malapit sa kanya si Melvin. He even promised to protect her under the blue moon, with fireflies around them, which only made her fall for him harder. Kasabay ng pagkakatuklas nila sa misteryosong bulaklak ng Artemis nang gabing iyon ay ang pagkakaroon niya ng maluwag na kalooban sa pagtanggap na tamang lalaki ang kanyang minahal. Ngunit pagkatapos magtapat ni Genna ng pag-ibig kay Melvin ay bigla itong naglaho. Umakyat sa bundok ang walanghiya para takasan siya!
like
bc
Temptress from Another World
Updated at Mar 19, 2020, 09:39
When Nao said she wanted a sugar daddy, she was thinking of a rich older man who’s willing to sponsor a young and beautiful girl like her. She wasn’t totally asking to be transported into another world to be a “monster” duke’s “temptress.” And for her to survive, the only way is to be impregnated by the scary duke?!
like
bc
Sugar Daddy Duke Lucius
Updated at Aug 2, 2019, 05:32
All Nao wants is a sugar daddy to finance a broke college girl like her. She didn't ask to meet a hot but grumpy duke that somehow transported her to another world! Not that she's complaining. For starters, Duke Lucius gives off the big dick energy. She can have fun with him... right?
like
bc
Something Scandalous (R18/SPG)
Updated at Jun 19, 2019, 01:11
May ultimate goal si Berrie bago grumaduate: get her hot former college instructor, Nathan, inside her moist and needing center. Hindi naman nabigo si Berrie. Pagkatapos ng isang taong pang-aakit sa lalaki, nakamit na niya ang pleasure na gustong makuha mula rito. Nathan kissed, licked, tasted and owned her body the way she liked it. But Berrie wanted more! Ayaw na niyang maging fuck buddy lang nito. She wanted to make love with Nathan, not to just have sex with him. Pero nalaman niya ang dahilan kung bakit hindi siya magawang tingnan ng lalaki sa mga mata kapag may nangyayari sa kanila. "I thought having eye contact is too intimate for two people who are only having sex to give each other's needs. Honestly, I prefer it that way." Kailangan bang aminin ni Berrie na nasaktan siya?
like
bc
Something Hot (R18/SPG)
Updated at Jun 19, 2019, 01:10
What Vanessa wants, Vanessa gets. Pero mukhang iba ang sitwasyon sa oh-so-hot-and-gorgeous niyang kapitbahay na si Fern Fletcher. Isa itong kilalang chef pero mukhang mas masarap pa ang lalaki kesa sa mga niluluto nito. Too bad, she got the hots for him. Hindi lang yata iilang beses niyang na-imagine ang binata na pinapaligaya siya. And not the kind of smiling-with-twinkling-eyes happiness, but the moaning-and-screaming-his-name kind of happiness. Gosh, nagiging pervert na siya dahil dito! At mukhang umaayon kay Vanessa ang pagkakataon. Magaling lang palang umarte si Fern. Nalaman niya na kung gaano kablangko ang mukha nito tuwing magkaharap sila, ganoon din pala katindi ang pagnanasa ng lalaki para sa kanya. Hanggang sa namalayan na lang ni Vanessa na meron na silang "no-strings-attached-I-just-want-your-body relationship." At may "exclusive rule" sila sa isa't isa: No falling in love. You fall in love, you lose.
like
bc
Something Messy (R18/SPG)
Updated at Jun 19, 2019, 01:07
Ang relasyon ni Erica kay Josh ay bumabagsak sa pinaka-cliche na category- friends with benefits. Okay, make that best friends with benefits. They are "in lust" with each other for the whole duration of their three-year-old history. Sa totoo lang, may dahilan naman kung bakit pinagbigyan ni Erica ang sarili na bumigay sa mga pang-aakit ng lalaki. Bukod sa hindi na niya mapigil ang matinding pagnanasa para sa "best friend," gusto niya ring matikman ito bago tuluyang umalis ng bansa. And yes, what she and Josh have is something really messy. Pero mas lalo sigurong magiging "makalat" ang lahat kapag nalaman ni Josh na ang dahilan ng kanyang pag-alis ay ang pagsama niya sa "on-and-off-again" ex-boyfriend na si Jeff sa New York.
like
bc
Royal Secret/Engagement
Updated at Jun 19, 2019, 01:05
Prince Roarke of Elestia has a royal mission to bring back his twin sister to the kingdom. But Princess Cassiopea won't leave the Philippines because of one boy. So, siya na ang nag-decide na personal sunduin ang kakambal. At sa napakainit na bansang 'yon, nakilala rin niya ang hotheaded (pero magandang) "scammer" na si Cassy. Man, that pretty girl is a brute. Eh kasi naman, ang unang Filipino word na tinuro nito sa kanya? "G*go!" And then later on, he finds out that Cassy is actually his twin sister's friend. Really?
like
bc
Miss Ugly Duckling Chases Mr. Bangko
Updated at Jun 19, 2019, 00:57
"'Sabi mo, I deserve someone better. Sino ba 'yong 'someone better' na 'yon? Kamag-anak ba siya ni 'someone like you'? Well, pakisabi kay 'someone better' na hindi ko siya kailangan dahil meron na akong 'someone like you.'" Funny-walain si Kisa kaya nang may nagsabi sa kanya ng "follow your dreams," sinundan naman niya si Stone.
like
bc
My One And Only Elyen Girl
Updated at Jun 19, 2019, 00:56
Khaki was forced to go on a blind date with a woman named Luka. She's pretty, fine. But she's a total weirdo for saying she'd rather marry Ichigo Kurusaki than me! What the hell... who is Ichigo Kurusaki anyway?!
like
bc
My Favorite Girl
Updated at Jun 19, 2019, 00:53
Nag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkatuluyan sina Kraige at Cleo. And yes, proud at masaya siya na naging successful ang plano nila. Pero ang masama, na-love at first sight siya kay CeeCee--- ang ex-fiancee ni Kraige na iniwan nito dahil sa udyok niya. Nakita niya kung ga'no ka-devastated si CeeCee pero nakita rin niya kung ga'no ito katatag at kabait sa kabila ng heartbreak na pinagdadaanan nito... dahil sa kanya. He fell madly in love with CeeCee. Pero pa'no niya aaminin dito na siya ang dahilan kung bakit ito iniwan ni Kraige? He doesn't want to lose CeeCee, dammit.
like
bc
He May Fall For Her
Updated at Jun 19, 2019, 00:46
HELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unacceptable.
like
bc
A Rocker May Get Tongue-tied
Updated at Jun 19, 2019, 00:42
HELLO Band Series 3: Riley has been chasing Crayon for years now. Pero hindi siya nakikita ng babaeng krayola na 'yon dahil ibang lalaki ang parati nitong tinitingnan. So this time, nag-decide siyang maging malaking distraction para makalimutan na ni Crayon ang unrequited love nito, whether she likes it or not.
like
bc
Crazy Little Liar Called Kookie
Updated at Jun 19, 2019, 00:40
"When you turn thirty next month and you feel like you already want to get married, don't hesitate to propose to me. I'll say 'yes' in a heartbeat." For Oreo, it didn't matter if Kookie was a liar, until she told him she loved him after he caught her sleeping with another man. Matagal nang gusto ni Oreo si Kookie, pero alam niyang mahihirapan siyang makuha ang dalaga. She was wild, she was infamous for her boy toy collection, and she had a "sex video." Pero nang araw na makita niya si Kookie sa grocery store kung saan pareho silang kumakain ng parehong brand ng lollipop, alam niyang magagawa niya itong tanggapin kahit pa napanood ng mga kaibigan niya ang sex video ng dalaga. So he asked her to marry him. But of course, Kookie turned down his proposal, and even told him she only wanted to sleep with him. Tinanggap niya ang alok hindi para pagsamantalahan ang dalaga, kundi para gamitin ang pagkakataon na maligawan ito. Oreo thought he was succeeding in making her fall in love with him when she agreed to be his girlfriend, until she left him... ...and when Kookie returned, she lied again and told him she didn't remember him.
like
bc
My Favorite Bully
Updated at Jun 19, 2019, 00:36
Colin is in love with Tyra, always has been and always will be. Simula pa lang no'ng matabang teenager pa siya hanggang ngayong hunk na siya, ito pa rin ang babaeng gusto niyang makasama. Pero aloof sa kanya si Tyra kahit alam naman niyang gusto rin siya nito. Ayon kasi dito, may "sumpa" raw ito at lahat ng lalaking napapalapit dito ay napapahamak. And she was right. Biglang nalagay sa panganib ang buhay niya na para bang may gustong pumatay sa kanya. Kung sino man ang mastermind niyon, sorry na lang pero wala siyang balak isuko si Tyra. Kahit pa literal niyang ikamatay ang pagiging malapit sa babae. He would die without her anyway since she is the love of his life.
like
bc
Marry My Best Friend
Updated at Jun 19, 2019, 00:33
"We're an imperfect match. But who cares? We love each other anyway." If your best friend got you pregnant, would you accept his marriage proposal?
like
bc
Seasons' Love And Friendship
Updated at Jun 19, 2019, 00:26
Stressed si Summer dahil ang ex-boyfriend niyang si Spring, boyfriend na ng female best friend niyang si Autumn. At ang male best friend naman niyang si Winter na nag-iisang constant sa buhay niya, nag-confess na in love daw sa kanya. Seasons change indeed----so does their friendship.
like
bc
I Married The Wrong Guy
Updated at Jun 19, 2019, 00:22
Yoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong guy!
like
bc
A Fabricated Romance: The Girl In The Journal
Updated at Jun 19, 2019, 00:20
"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then." Napilitan si Kring-Kring na gumawa ng pekeng love story sa kanyang blog at pinalabas na boyfriend niya ang guwapong schoolmate na si Paul Christian. Naging viral ang ginawa niyang kuwento. Pero dahil din sa kuwentong inimbento niya ay naghiwalay sina Paul Christian at ang girlfriend nito kaya nagalit sa kanya ang ultimate crush niya. Nang muling magpakita si Paul Christian kay Kring-Kring pagkaraan ng limang taon ay napag-alaman niyang nagkaroon ito ng amnesia at hinahanap ang ex-girlfriend nito. Nalaman din niyang umupa si Paul Christian ng private investigator at siya ang lumabas na "ex-girlfriend" ng binata sa imbestigasyon. Iyon din ang panahon na problemado si Kring-Kring kung saan kukuha ng pambayad para mabawi ang titulo ng bahay nila. Nakipag-deal si Paul Christian sa kanya. Simple lang ang deal na napag-usapan nila: pakakasalan niya si Paul Christian para makuha ng binata ang mana nito. Bilang ganti ay babayaran ni Paul Christian ang halaga ng titulo ng bahay ni Kring-Kring na isinanla ng kanyang kapatid. Pero hindi inasahan ni Kring-Kring na ilang linggo pa lang ang lumilipas ay bumabalik na ang dati niyang nararamdaman para kay Paul Christian. Naging sweet, mapag-alaga, at ipinaramdam ng binata sa kanya na mahal siya nito. Maganda ang naging samahan nila dahil pinaniwala ni Kring-Kring si Paul Christian na may "nakaraan" sila. Naging masaya si Kring-Kring sa kinalabasan ng ginawa niyang kuwentong-pag-ibig nila ni Paul Christian. Hanggang sa bumalik ang babaeng naaalala ng binata na minahal nito: si Veronika, ang babaeng naaalala at totoong ex-girlfriend ni Paul Christian.
like
bc
#NSFW: He Can Tell
Updated at Jun 19, 2019, 00:18
She needs sex to literally live but the hot specimen of manhood that she chose is... allergic to sex?! .
like
bc
Night Sky
Updated at Jun 19, 2019, 00:13
Ano'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapunta siya sa future. Pero may mas masama pa pala kesa sa nasira niyang love life. At meron lang siyang ten days para baguhin ang unacceptable future na 'yon.
like
bc
Miss Lie Detector
Updated at Jun 19, 2019, 00:10
I can tell when people are lying. Gaya ng isang lie detector machine, nakakaramdam ako ng munting boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko sa tuwing nagsisinungaling sa'kin ang taong kausap ko. At kapag hinawakan ko naman ang kamay ng taong nagsisinungaling sa'kin, nababasa ko ang isipan niya sa sa loob ng sampung segundo. I can't trust anyone in this world. Not even my own family. Para hindi na uli ako maloko o ma-traidor, gaya ng nangyari noong hindi pa ko nagtitiwala sa abilidad ko. Natagalan, oo. Pero nasanay din naman ako sa kakaiba kong mundo... ... hanggang sa nakilala ko siya. Ang nag-iisang tao na hindi ko maramdaman kung nagsisinungaling ba o hindi. Just who is this guy?
like