Story By AKHEEZSHA
author-avatar

AKHEEZSHA

ABOUTquote
1. Love Between Lies 2. Isang Mapusok na Gabi sa Piling mo 3. Surprising Sentiments 4. Sa Gulong ng Kahapon [ BaOG Collaboration ] 5. My Doctor, My Greatest Mistake 6. My Billionaire Boss is my husband too? - SOON Hilarious Flower Organization [ AGENTS SERIES ] 1. Sa iyo Itinutok pero sa akin Ipinutok - ( Black Rose ) 2. The Bitter Taste Of Heartbreak - ( Carnation ) 3. Love in the Shadows of Danger - ( Lotus ) SOON 👉 I BELONG TO HIM
bc
DIWATANG WALANG DANGAL (SSPG)
Updated at Dec 4, 2025, 16:11
Paano kung ang dangal na buong buhay mong iningatan… ay siya ring bagay na sinira nila at ngayon, babawiin mo pabalik, kasama ang dugo, hiya, at pangalan nila?Si Mutya, ang dating dalagang kay-linis, ngayo’y babaeng natutong sumayaw sa dilim. Ang katawan niyang minsang ninakawan ng dangal ay naging sandata pang-akit, pangbitag, pangganti. Sa entabladong maliwanag pero kaluluwang madilim, itinuring niya ang sarili bilang lason na nakabalot sa lambing. Ang bawat haplos niya ay plano ang bawat ngiti niya ay patib0ng. At hindi nila alam, ang babaeng inaangkin nilang laruan ay ang multong babawi sa lahat.Si Sev, ang lalaking minsang nagkamaling hawakan ang isang bagay na hindi sa kanya ang dangal ni Mutya ay nahulog sa apoy na hindi niya naintindihan. Nabighani siya kay Mutya, hindi alam na siya ang apoy… at siya rin ang unang sinunog nito.Pero paano kung sa pagganti ni Mutya, may isa pang bagay ang nawala? Hindi lang dangal kundi puso. At paano kung ang lalaking dapat niyang patayin… ay siya ring tanging nakakapagpabuhay muli sa kanya?Sa mundong ang dangal ay inaagaw, nilalapastangan, at minsan… binabalikan nang may halong halay at paghihiganti sino ang unang bibigay?Ang biktima?O ang demonyong minahal niya?
like
bc
My Billionaire Doctor is My Stalker Too? [2nd Generation]
Updated at Dec 3, 2025, 23:42
Isang matagumpay na surgeon at CEO si Dr. Lucas Eryx Belfort sanay na makuha ang lahat ng gusto niya, maging sa larangan ng medisina o negosyo. Ngunit nang makilala niya si Quiah, ang anak ng pasyente ng kakambal niya, biglang nag-iba ang takbo ng kanyang mundo.Para kay Quiah, si Lucas ay isa lamang lalaking nababalot ng kayamanan at kapangyarihan mga bagay na labis niyang iniiwasan. Kaya’t kahit pa damhin niya ang kakaibang tibok ng puso sa tuwing magtatagpo sila, pinili niyang lumayo.Ngunit hindi sanay si Lucas sa pagtanggi. Sa halip na sumuko, lihim niya itong sinusundan, binabantayan, at mino-monitor hindi para kontrolin, kundi dahil ayaw niyang pakawalan ang babaeng minsan lamang dumating sa kanyang buhay.Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang paghahabol? At hanggang kailan makakatakas si Quiah sa isang lalaking kaya niyang saktan makawala lamang.May pag-asa kaya na matutunan niyang mahalin si Lucas sakabila ng pangungulit at pagseselos nito na walang dahilan?Abangan....
like
bc
My Billionaire Boss is My Husband Too?
Updated at Sep 29, 2025, 20:39
Matapos ang isang malagim na aksidente, nagising si Hazel Gergelyn San Diego na walang alaala—walang pangalan, walang pamilya, at walang pagkakakilanlan. Sa tulong ng isang mag-asawang taga-probinsiya, nagsimula siyang muli gamit ang bagong pagkatao at isang tahimik na buhay. Ngunit sa kabila ng katahimikan, may bumabagabag sa kanyang puso—isang damdaming hindi niya maunawaan, isang puwang na hindi niya matukoy.Nagdesisyon siyang lumuwas ng Maynila upang hanapin ang kanyang nakaraan, at sa kanyang bagong trabaho bilang sekretarya sa isang prestihiyosong kumpanya, nakilala niya si Xander Errol Belfort—ang kilalang Boss X—isang lalaking misteryoso, malamig, ngunit may mga titig na tila bumabaon sa kanyang kaluluwa.Habang unti-unting nabubuksan ang mga pintuan ng kanyang nakaraan, natuklasan niya ang isang masalimuot na katotohanan—isang koneksyong hindi niya inaasahan, isang pagmamahalang maaaring naging dahilan ng kanyang pagkakalimot.Sino nga ba si Boss X sa kanyang buhay? Kaaway, alaala… o minahal?Isang kwento ng pagkawala, pagtuklas, at pagpili sa pagitan ng muling pagmamahal o muling pagkalimot.
like
bc
I BELONG TO HIM
Updated at Sep 1, 2025, 17:58
Ibinenta siya ng sarili niyang pamilya sa isang madilim na underground auction. Suot ang manipis na damit at may luha sa kanyang mata, ipinagbili si Daisy sa halagang ₱500 milyon—na para bang iyon lang ang halaga ng kanyang buhay.At ang bumili? Si Castro—isang kilalang mafia boss na walang puso, walang awa, at walang pakialam sa sinuman.Hindi siya binili upang mahalin. Ginamit siya. Sinaktan. Inalipusta.At nang bumalik ang babaeng mahal ni Castro—si Quisha—parang basura siyang itinapon.Hanggang sa dumating si Zhien, isang tahimik at misteryosong lalaki na palaging nakatingin sa kanya mula sa malayo. Pero paano kung ang lalaking minsang sumira sa kanya—ang lalaking ginamit siya nang walang puso at awa—ay bumalik upang muling angkinin siya?O pipiliin niya ang lalaking nagpakita sa kanya ng tunay na pagmamahal at halaga?Kaya pa ba ng puso niyang tanggapin ang lahat?O huli na ang lahat para sa pag-ibig na matagal nang nagtatago sa anino?
like
bc
My Billionaire Ceo Doctor and her Shadow Life [ 2nd Gen ]
Updated at Nov 19, 2025, 16:10
Lliane Jane Belfort isang mahusay na doktor sa larangan ng panggagamot sa puso. Sa bawat tibok ng kanyang mga pasyente, dala niya ang pangakong iligtas ang buhay. Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti at tagumpay, may lihim siyang pinipiling itago isang aninong bumabalot sa kanyang nakaraan, puno ng sakit, poot, at karahasang ayaw na niyang balikan.Ngunit paano kung muli silang magtagpo ng lalaking minsang naging bahagi ng kanyang buhay?Ang lalaking minsan niyang minahal... at siyang dahilan ng kanyang pagkawasak?Muli kayang magtatagpo ang dalawang pusong parehong sugatan ng nakaraan?At kung sakali mang magtagpo, kaya pa bang gamutin ni Lliane ang puso ng taong minamahal niya kung ito rin ang pusong minsang winasak siya?
like
bc
Putahe Ni Jo Ann (SSPG)
Updated at Nov 12, 2025, 06:23
Mainit, Malasa, at Mapang-akit.Isang tikim pa lang ng Putahe ni, Jo Ann nilasap agad ni Mr. U ang sarap na matagal na niyang hinahanap. Hindi lang ito ulam… kundi tukso sa bawat subo. Araw-araw na lang siyang bumabalik, hindi lang para kumain… kundi para malasahan muli ang babaeng sa tingin niya’y dapat lang niyang angkinin.Pero hindi lang si Mr. U ang natakam.Si Kaen hayok at tuso gustong tikman ang hindi para sa kanya. Si Wyn mapanira at palaban gusto ring lunurin si Jo Ann sa inggit at intriga.Pero si Jo Ann? Tahimik lang. Pero ang putahe niya? Maingay sa bawat hapunan.Paano kung ang PUTAHE ni Jo Ann ay gusto nang tikman ng LAHAT?Papayag kaya si Mr. U?O ipagluluto niya ba ang lahat ng nasa menu… maliban sa puso ni Jo Ann?Alin sa kanila ang mabubusog, at sino ang masusuka sa inggit?
like
bc
SA GULONG NG KAHAPON [ BAOG COLLABORATION # 6 ]
Updated at Aug 1, 2025, 09:24
Sa isang malamyos na musika kasabay nang pag-giling at pag-indak sa, sa saliw ng musika na binibigyang kulay nang ibat ibang ilaw. Siya si Mozzimo Trois Vocilli isang Macho Dancer sa isang sikat na mamahaling bar. Bente kwatro anyos, may magandang pangangatawan, matangkad, kayumanggi at may mapupulang labi na masarap hagkan. Isang pares na mata na nangungusap na kapag tumitig sayo ay parang hinihigop ang buo mong pagkatao. May perpektong hugis at matangos na ilong. Isa sa katangian na taglay ay mapagmahal at ma-alaga at higit sa lahat malawak ang kanyang pang-unawa sa pamilya lahat kayang isakripisyo para sa taong minahal. Isang dalaga na nakagapos sa pamilya, sunudsunuran at walang lakas nang loob ipaglaban ang sarili. Jean Pauline Manuel bente tres anyos maganda, at may taglay na karisma na hindi mo matatanggihan. Mabait na anak at masunurin kahit na minsan ay nasasakal na. Hangang saan sila dadalhin nang kanilang kapalaran? Hanggang saan kayang ipaglaban ang isat-isa? Matagpuan kaya nila ang ligaya na inaasam kong patuloy silang binabalikan nang nakaraan? Sa gulong ng kahapon maari kayang magkabaliktad ang kanilang kapalaran abangan ang kapanapanabik na kwento ni Mozzimo at Jean na sinubok nang panahon... SABI NGA NILA ANG BUHAY AY PARANG GULONG NA PATULOY UMIIKOT MINSAN NASA ILALIM AT KONG MINSAN AY NASA IBABAW..
like
bc
My Doctor, My Greatest Mistake
Updated at Jul 31, 2025, 09:25
BLURB:Akala ni Amara Cataleya Bianchi na sapat na ang pagmamahal para ipaglaban ang isang relasyon. Buong puso siyang nagparaya, nagtiis, at naghintay sa lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya si Nayll Yuseffe Villafuerte. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, dala-dala niya ang isang lihim na maaaring magbago ng lahat: ang buhay ng anak nilang hindi nalalaman ng ama. Sa paglipas ng mga taon, habang natutunan ni Cataleya ang muling pagtayo, si Nayll naman ay nilamon ng pagsisisi at pangungulila. Sa hindi inaasahang pagkikita sa Maynila, magkrus muli ang kanilang mga landas. Ngunit sapat pa ba ang mga sugat ng nakaraan para bigyang daan ang ikalawang pagkakataon? O mananatili na lamang silang alaala ng isang pagmamahalan na muntik nang mabaon sa limot? Sa dulo, matutuklasan nilang ang tunay na pagmamahal ay hindi sinusukat sa tamis ng simula kundi sa tapang na manatili, kahit ilang ulit pang masaktan.
like
bc
The Bitter Taste Of Heartbreak [ Hilarious Flower Organization- Agent Series 2 - CARNATION ]
Updated at Jul 25, 2025, 17:03
Ang kwentong ito ay tungkol sa Isang babae na umibig sa kanyang nakakatandang kapatid. Kahit bawal ay unti unti nilang hindi napigilan ang damdamin nila para sa isat-isa. Hanggang isang Gabi lasing si Gideon ang Kuya ni Arziel parehas silang nakalimot na magkapatid sila. Ipinadama nila ang pagmamahal nila sa isat-isa ng walang alinlangan. Hangang sa tuloy tuloy ang sekretong namamagitan sakanila. Dahil hindi kinaya ni Gideon ang lahat lagi siya inuusig ng kanyang konsensya napilitan siyang gumamit ng ibang babae at saktan ang damdamin ni Arziel. Dahil para sakanya mali ang relasyon na binuo nila dahil kapwa lang Sila masasaktan sa huli.. Dahil sa sakit na ginawa ni Gideon kay Arziel napilitan pumasok si Arziel sa organization para maging matatag at matapang, kalimutan ang nararamdaman para sa taong minal niya pero puro sakit ng damdamin lang ang nakuha niya.. Sakanyang pagbabalik isang bagong Arziel na ang makakaharap ni Gideon. Isang matapang, seryoso at malamig na babae na si Arziel wala na ang dating kislap ng mga mata tuwing tinititigan niya, ang babaeng may malambing na ngiti ay napalitan ng isang babaeng wala ng pakiramdam.
like
bc
SURPRISING SENTIMENTS
Updated at Jun 10, 2025, 17:14
Mharimar "Marie Dela Riva isang babae na may busilak na puso pilit pinapakitang matapang pero may napakaraming sugat dala ng nakaraan na pinagdaan. Siya ay nakaranas nang pagmamaltrato sa kanyang Tiyahin, pinagtangkaang gahasain sa edad na disi-sais ng kinakasama ng Tiyahin. Nagkaroon ng nobyo pero niloko dahil isa daw siyang tanga at walang pinag-aralan. Kaya't nang lumaki siya ay madaming takot at pangamba sa puso niya dahil takot siyang magtiwala at magmahal muli. ANG PANGARAP LANG NAMAN NI MARIE AY MAKAHANAP NG TUNAY NA PAGMAMAHAL AT PAGTANGGAP. ANG MAKAKAPAGBIGAY SAKANYA NG ISANG SEGURIDAD. Helios Drake Mallari isang lalaking may masayahin at mapagmahal ngunit pag nagalit ay matindi. Siya ay palaging dinadaan sa biro Ang lahat, kahit na ang mga seryosong usapan. Pero sa likod ng kanyang mga biro natatago ang wagas na pagmamahal na iaalay niya kay Marie. Si Drake na dinadaan sa biro ang lahat para pagtakpan ang tunay na damdamin sa taong mga mahal niya. Ano ang mangyayari sa buhay pag-ibig ni Marie at Drake? Madaan paba sa biro ang lahat kong ang puso ni Drake ay hindi na mapigilan? Handa din bang magtiwala si Marie kong hangang ngayon takot padin siyang magmahal? Dalawang pusong pinagtagpo parehas nais makamit ang pagmamahal at pang-unawa mapaglabanan kaya nila Ang damdamin nila na kusang kumakawala tuwing magkasama sila? ABANGAN ANG KWENTO NA PILIT TINATAGO ANG DAMDAMIN PERO LUMALABAS NANG KUSA. ISANG INOSENTE AT ISANG MAPAGBIRO MAY CHEMISTRY KAYANG MABUO???
like
bc
SA IYO ITINUTOK PERO SA AKIN IPINUTOK
Updated at Apr 20, 2025, 16:49
Marianne Helenna Dela Riva Isang anak mayaman, maganda, sexy at higit sa lahat isang babaeng palaban, matapang at walang kinakatakutan at inuurungang misyon. Isang babaeng sabik sa kapatid at matagal nang naghahanap sa kanyang kakambal na ninakaw noong bata pa sila. Pumasok sa Isang organisasyon na lihim na tumutulong sa gobyerno para sa mga kasong hindi nareresolbahan nang nakakataas. Isa lang ang layunin niya Kong bakit sumali siya sa organisasyong iyon ay upang mahanap ang nawawala niyang kakambal. Sa Isang misyon kaya ang maging daan sa kanya para sa taong matagal nang hinahanap? Paano kong sa misyong ito ay makakatagpo din siya nang isang lalaki na magiging kapartner niya sa misyon at tutulong sa pagligtas sa kanyang nawawalang kakambal? Markus Draven Alejandro Isang NBI agent na malakas Ang appeal, gwapo, matipuno, at mayaman pero lalakeng allergic na sa mga babae.Sa isang misyon ay magtatagpo ang landas nila Marianne at Markus pero ang pagtatagpong ito ay para silang mga aso't pusa kong magbangayan at mahirap magkasundo. Abangan Ang kapanapanabik na kwento ng dalawang Agent na laging nangbabangayan sa misyon. Mauwi kaya ang bangayan ng dalawang ito sa pagmamahalan.? Ika nga nila na "the more you hate the more you love". Pag-ibig na namuo sa Isang misyon na hahadlangan nang isang nakaraan. Abangan Ang kwento ng "Sa iyo tinutok pero sa akin Ipinutok." Na hahadlangan nang isang taong magbabalik sa nakaraan. Ano kaya ang magiging epekto nito kay Marianne at Markus?
like
bc
ISANG MAPUSOK NA GABI SA PILING MO
Updated at Mar 30, 2025, 16:40
Easton Casper Felix allergy sa mga babaeng lantarang magpakita nang motibo sakanya. Ayaw niya sa mga babaeng mahaharot at kong manamit ay halos hubad na. Easton is very sweet and charming man, mga katangian na gusto nang mga babae sakanya. Ganon pa man kahit maghubad kapa sa harapan niya Isang babae lang ang nakaagaw sa atensyon niya. Whynne Belle Gomez matalik na kaibigan niya si Casper, matagal na siyang lihim na may gusto sa kanyang kababata at matalik na kaibigan. Takot siya na baka oras na malaman ni Casper ang totoong nararamdaman niya ay lumayo ito sakanya. Paano kong Isa sakanila ay umamin sa tunay na nararamdaman mabibigyan kaya Sila nang chance? Hanggang kelan kaya nila itatago ang nararamdaman na pag-ibig sa isat-isa? Hanggang kelan nila titikisan ang damdamin na kusang lumalabas na sakanila. Parehas nang damdamin, parehas tinatago at parehas natatakot may magandang kapalaran kaya ang naghihintay sakanila? Tunghayan ang buhay pag-ibig nang dalawang magkaibigan na nag-tataguan nang nararamdaman sa isat-isa. Isang Gabi sa Piling mo , ano ang dulot nito kasiyahan o kabiguan???? Abangan....
like
bc
Love Between Lies
Updated at Jan 13, 2025, 14:47
Ezra Mikaela Madrigal, 22 yrs. old. Matapang, mabait, mapagmahal at higit sa lahat matalino. Biniyayaan din siya ng angking kagandahan, may mala anghel na muka at merong nangungusap na mga mata.Ngunit isang bagay ang nais niyang mangyari sa kanyang buhay ang makilala niya ang kanyang ama na simula pagkabata ay hindi niya nakita. Lumaki siya sa piling ng kanyang Lola at ito ang nakagisnan niyang magulang. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari, namatay ang kanyang Lola at naiwan siyang mag-isa. Kayanin kaya ni Esang ang mamuhay na mag-isa at harapin ang mga dagok sa kanyang buhay. Ano ang gagawin ni Ezra, kung isang araw ay magtagpo ang landas nila ni Glenn Rodriguez? Isang guwapo, arrogante at habulin ng mga babae. Isang anak mayaman at kilala ang kanyang pamilya sa lipunan. Paano nila ipaglalaban ang kanilang pag-iibigan kung langit at lupa naman ang kanilang pagitan, at pamilya mismo ni Glenn ang tutol sa kanilang pagmamahalan. Abangan...
like