205.865K
VISITORS
28.352K

ABOUT ME

Magbasa ayon sà gusto ng isipan huwag sa mabigat ang kalooban. Dahil ako ay nagsusulat lang ayon sa aking kinahihiligan. Libreng mang-bash pero katamtaman lang. ___Ravenababe “Choose me or lose me. I’m not a backup plan and definitely not a second choice.”

ABOUT ME

Magbasa ayon sà gusto ng isipan huwag sa mabigat ang kalooban. Dahil ako ay nagsusulat lang ayon sa aking kinahihiligan. Libreng mang-bash pero katamtaman lang. ___Ravenababe “Choose me or lose me. I’m not a backup plan and definitely not a second choice.”
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Ravenababe

Mr. Anderson: The Rich Farmer (Holand Series 8)

Mr. Anderson: The Rich Farmer (Holand Series 8)

35.535K Reads

SPG- Ikakasal na sana si Shany sa anak ng kaibigan ng kaniyang mga magulang nang maisipan niyang magbakasyon muna mag-isa bago siya ikasal. Sa buong buhay niya pakiramdam niya ngayon lang siya nakalaya nang payagan siyang magbakasyon mag-isa ng mga magulang niya. Subalit isang trahedya ang naganap sa kaniya. Na-crash ang helicopter na sinasakyan niya at masuiwerte siya na nakatalon siya at buhay pa na bumagksak sa lupa. Natagpuan siya ni Lorenzo sa kakahuyan at dinala sa bahay nito. Nang maimulat ni Shany ang kaniyang mga mata hindi siya makapaniwala na ang lalake na nakapulot sa kaniya ay ang lalaking matagal niya ng crush at laging nasa panaginip niya. Nagpanggap siyang walang maalala upang manatili siya sa piling ng binata at matakasan ang kasal na inaalok ng mga magulang niya sa kaniya. Pinili niya na manatili sa piling ng lalakeng gusto niya, subalit nalaman niya na may iba ng tinitibok ang puso ng binata. Inalok siya ng kasal ni Lorenzo upang panagutan ang nangyari sa kanilang dalawa. Pumayag siya na magpaksal sa binata kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang pagmamahal niyang iyon kay Lorenzo. Sa pitong buwan na paninirahan ni Shany sa piling ni Lorenzo, iniwan niya ito nang malaman niya na nakipagbalikan ito sa dating ex-girlfriend nito. Umalis siya upang baguhin ang yugto ng kaniyang buhay, ngunit sa muli nilang pagkikita ano ang mangyayari kung sila pala ang itinadhana ng mga magulang nila na ikasal sa isa't isa? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagtatagpo?

Updated at

Read
Stand By Your Man Series #1: Hanggang Kailan Kita Iibig

Stand By Your Man Series #1: Hanggang Kailan Kita Iibig

1.024K Reads

Hanggang kailan mo ipaglalaban ang lalaking minamahal mo? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit alam mo na hindi naman talaga ikaw ang mahal niya kundi ang Ate mo. Buong akala ni Almira papanig sa kaniya ang kapalaran. Nagawa niyang siraan ang relasyon ng Ate Elena niya at sa nobyo nitong si Samuel. Akala niya mamahalin siya ni Samuel nang nagbunga ang nangyari sa kanila. Ikinasal nga siya sa binata subalit pagtitiis at pagdurusa naman ang naranasan niya sa piling ni Samuel. Hanggang kailan siya sa tabi ni Samuel? Hanggang kailan siya aasa na mamahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa Ate niya? Hanggang kailan niya iibigin si Samuel, kung wala naman itong pag-ibig sa kaniya?

Updated at

Read
My Husband's Greatest Love (Las Palmas Series #1)-SPG

My Husband's Greatest Love (Las Palmas Series #1)-SPG

2.093K Reads

Isang pagkakamali ang nagawa ni Olivia Eunice na isinuko ang sarili sa isang tao na hindi naman niya kilala. Nagbunga ang nangyari sa kanila ni Alexander. Ikinasal sila para hindi maging bastardo ang anak nilang dalawa at ayaw ng pamilya Moran na madungisan ang iniingat-ingatan nilang pangalan, kaya pilit nila na ipakasal si Alexander kay Olivia. Subalit paano kung kailan na kasal si Alexander, saka naman niya malaman na buntis din pala ang kaniyang nobya? Ano ang gagawin ni Alexander at sino ang pipiliin niya? Ang asawa niya na ngayon niya lang nakilala? O ang kasintahan na noon pa lang ay child hood sweetheart niya na at pinagakuang papakasalan kapag lumaki na sila? Paano kung malaman ni Alexander ang isang kasinungaling sa kaniyang kasintahan na kaniyang childhood sweetheart? Abangan ang buhay ni Alexander Moran at Olivia Eunice sa My Husband Greatest Love (Las Palmas Series 1”)

Updated at

Read
Mr. Thompson: The Cruel Billionaire and His Slave{Holand 7)

Mr. Thompson: The Cruel Billionaire and His Slave{Holand 7)

124.218K Reads

SPG Patnubay ng bukas na kaisipan ay kailangan. Read at your own risk. Kung hindi kaya ang mga eksina ay manahimik at matulog na lang. Plagiarism is a crime Pagkakamali ang tingin ni Ruby Rose sa pagmamahal na nararamdaman niya para kay Enrico. Kailan man ay hindi nababagay ang isang alipin sa isang katulad ni Enrico na mayaman at kayang bilhin pati ang buhay niya. Ang buhay niya na puno ng mga pangarap para sa kanilang mag-ama ay biglang naglaho. Ang pag-iibigan nila ni Enrico, biglang mapapalitan ng galit at sama ng loob dahil sa kalupitan ng binata. Paano mapatawad ni Ruby Rose si Enrico, kung matuklasan niya ang lalaking minahal ay siyang naging dahilan ng pagkawalay nilang mag-ama? At ito rin ang dahilan na muntik na silang mapahamak mag-ama pati ng mga sanggol na nasa sinapupunan niya. Paano harapin ni Enrico ang babaeng lubos na minahal kung anak pala ito ng tao na muntik niya na ipapatay? May pag-asa pa kaya na lumigaya sila o wawakasan na ang lahat sa kanilang dalawa?

Updated at

Read
Mrs. Johnson: The Secret Billionaires Wife  (Holand Series 10)-SPG

Mrs. Johnson: The Secret Billionaires Wife (Holand Series 10)-SPG

4.892K Reads

Part 2 of Mr. Johnson: The Secret Billionaire in Maharlika. -SPG Ano man katatag ang pagsasama at pagmamahalan ng mag-asawa kung may salot na sisira sa inyong dalawa, mawawasak ang itinayo ninyong pamilya. Buong akala ni Crystal, lubusan na siyang maging masaya nang alukin siya ni Reynold ng kasal. Sa apat na taon nila bilang mag-asawa masaya naman silang nagsasama. Subalit kahit ano pa katatag ang pagmamahal nila kung may salot na sisira sa pagsasama nila at maging marupok ang isa, masisira at masisisira ang pamilya na itinatag nila. Paano ni Crystal kakayanin ang lahat ng pagsubok sa buhay niya? Masakit bilang ina ang mawalay sa mga anak. Subalit mas masakit kung araw-araw na lang dinudurog ang puso niya dahil sa asawang lubos niyang minahal subalit inakala niyang pinagtaksilan siya.

Updated at

Read
Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1)Holand series 2 - SPG

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1)Holand series 2 - SPG

660.224K Reads

SPG Ang kasal ay isang sagrado na para lang sa mga taong nagmamahalan pero paano kung ikinasal ka na lang sa taong kinaiinisan mo at pareho ninyo hindi mahal ang isa't- isa? lalayo ka ba o patuloy na makisama sa kanya? Gayong ang puso mo ay natuto nang ibigin siya. Sa unang pagkakataon ay umibig si Gabriel kay Allysa Henderson. Ito ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.Subalit nagbago ang lahat ng malaman niya na anak ito nang taong kinamumuhian niya, ang ama ni Allysa na si Mr. Herman Henderson. Pinakasalan niya ang dalaga para makahiganti sa ama nito. Ang buong akala niya ay inagaw ng ama nito ang kumpanyang pinaghirapan ng ama niya. At naging sanhi ng pagkamatay ng ama niya. Natutunan siyang mahalin ni Allysa subalit pinipigilan ni Gabriel ang nararamdaman para sa asawa. Pero paano na lang kung dumating ang araw na kung kaylan niya na ito handang mahalin ay saka naman nawala si Allysa sa kanyang piling? Gagawin kaya niya ang lahat para muling makapiling ang babae o hahayaan niya na lang itong mawala sa kanya?

Updated at

Read
The Vengeance of the Mafia Lord

The Vengeance of the Mafia Lord

35.464K Reads

SPG-Ngipin sa ngipin, mata sa mata, laman sa laman, walang titigil hangga't walang masasaktan at masasawi sa kanila. Ubusan ng lahi hangga't walang matitira sa bawat isa. Gano'n ang pamilya Escobar at pamilya Diez. Parehong mayaman na galing sa illegal na gawain. Mula sa kanilang ninono ay walang nagpapatalo sa dalawang pamilya. Palaging magkasangga sa lahat ng oras. Kapag kabilang ka sa dalawang pamilya kailangan humanda ka na dahil nasa kabilang hukay na ang isa mong paa. Paano kung ang inaakala ni Darius ay ang Diez Clan ang pumatay sa nobya niya at pinakidnap niya ang nag-iisang anak na babae ng pamilya Diez para gawin itong alipin at pahirapan ng husto? Ngunit ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na wala naman pa lang kinalaman ang pamilya Diez sa kamatayan ng nobya niya? At ano ang gagawin niya kung sa muli nilang pagkikita ng anak ng Diez na si Angela ay mayroon na itong anak at siya ang ama? Paano niya haharapin ang pamilya Diez at ang babaeng pinahirapan niya at ina ng kaniyang anak? Mapapawad kaya siya ni Angela? Abangan ang The Vengeance of the Mafia Lord. Warning: May mga salitang brutal at pangyayari na hindi angkop sa murang edad na mambabasa. Ang pangyayari, lugar, pangalan at kaganapan sa kuwentong ito ay pawang likhang isip lamang at hindi sinasadya kung may pangyayari sa totoong buhay.

Updated at

Read
Mr.Johnson: The Secret Billionaire in Maharlika (Holand Series 5) SPG

Mr.Johnson: The Secret Billionaire in Maharlika (Holand Series 5) SPG

327.684K Reads

Pag-ibig na susubukan ng langit. Huhusgahan ang pagkatao ng minamahal dahil lang sa maling narinig. Maghihiwalay na puro puot ang mararamdaman sa isa't isa. Mulling pagtatagpuin ng kapalaran upang itama ang maling iniisip. Hanggang kailan magmamatígas ang puso ng bawat isa? At hanggang kailan magtitiis, at mangungulila ang nagkamali ng inaakala? Saan hahantong ang kanilang pagmamahalan? May pag-asa pa ba na magkaayos sila, kung ang nasa puso ng isa ay puro puot at galit na lang ang nararamdaman? Paano ni Crystal muling paiibigin si Reynold? Mapapatawad pa kaya siya ni Reynold sa mga maling panghuhusga niya sa taong lubos siyang minahal noon? Subalit paano siya mapapatawad kung labis siya nitong kinakasuklaman ngayon?

Updated at

Read
Mr. Carters: The Sinful Business Tycoon-Spg (Holand Series 11)

Mr. Carters: The Sinful Business Tycoon-Spg (Holand Series 11)

1.168K Reads

Sa Mundong ito puno ng paghihirap, sasayaw ka na lang kasabay ng alon sa dagat. Aanurin ka ng nagraragasang tubig sa ilog at ihahampas sa masilamuot na hinaharap. Ang yaman, salapi at karangyaan hindi sapat na kaligayahan para sa taong naghahanap ng tunay na pagmamahal. Ganiyan ang nararamdaman ni Emerald sa kaniyang buhay. Ang tanging hangad niya lang malaman ang tunay niyang pagkatao. Paano kung sa kabila ng paghahanap niya sa tunay niyang mga magulang matutuklasan niya ang tinatagong lihim ng lalaking lubos siyang minahal? Saan hahantong ang lahat sa kanila ni Daniel Carters; Ang lalaking magbibigay daan upang makilala niya ang kaniyang pinagmulan, subalit ang lalaking ito rin ang dudurog ng kaniyang puso. Masisilayan kayang muli ni Daniel ang mga matamis na ngiti ni Emerald, kung puno ng galit ang nararamdaman ng puso ng dalaga para sa kaniya? Abangan ang kuwento ng pag-ibig ni Daniel at Emerald dito sa Holand Series. Mr. Carters: The Sinful Business Tycoon (Holand Series 11)

Updated at

Read
Mr. Harris: The Ugly Billionaire  (Holand Series 6)-SPG

Mr. Harris: The Ugly Billionaire (Holand Series 6)-SPG

3240.516K Reads

Para kay Zoey hindi basihan ang mukha para mahalin mo ang isang tao ng tapat at totoo. Sa kabila ng lahat na kasungitan ng kaniyang asawa na si Raydin Zayn Harris at sa kapangitan nito ay pinatunayan ni Zoey na handa niya itong mahalin ano man ang mukha nito. Para sa kaniya ang pag-ibig walang pinipili. Guwapo man o pangit kung titibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Sa kabila ng pag-ibig ni Zoey kay Raydin, galit naman at puot ang naramdaman ni Raydin Zayn kay Zoey dahil sa pagkawala ng kakambal niyang si Raynier. Binago niya ang kaniyang mukha upang gawing miserable ang buhay ni Zoey. Paano kung sa kabila ng kabaitan ni Zoey ay puro lang pala kasinungalingan ang sinasabi ng mga tao sa paligid niya? Mapapatawad pa kaya niya si Raydin kapag natuklasan niya ang buong katotohanan sa likod ng mukha nito?

Updated at

Read

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.