Story By Bam Gregorio
author-avatar

Bam Gregorio

ABOUTquote
IF you\'re a writer, your first duty, a duty you owe to yourself and your readers, and to your writing itself, is to become wonderful. To become the best writer ...
bc
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl
Updated at Feb 13, 2024, 23:51
MASALIMUOT ang buhay ni Lucy Pearl mula pagkabata hanggang sa nagdalaga siya sa piling ng kaniyang lola't sariling nanay niya- kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong tumakas sa mga ito, ay naramdaman ni Lucy Pearl ang maging malaya. Naging mahirap man sa kaniya ang lahat, dahil wala siyang kahit na ano'ng mayroon hindi iyon naging sagabal para hindi niya piliting mabuhay mag-isa. Hanggang sa isang unibersidad kung saan niya pilit na inaabot ang lahat ng pangarap niya nakilala niya si Michael Archangel Santiago ang tagapagmana kong pinapasukan niyang university. Hindi niya akalain na magugulo ang mundo niya dahil sa pagdating nito sa buhay nya. Ano ang magiging papel ng isang Michael Archangel Santiago sa buhay ni Lucy Pearl? Kaninong mundo ang magugulo sa mapaglarong tadhana na sumusubok sa kanilang dalawa?
like
bc
THE BETRAYAL
Updated at Nov 13, 2023, 02:54
COPYRIGHT 2016 REPOSTED 2019 SYNOPSIS LUMAKING parang tunay na magkapatid ang turingan nang magkaibigang Carol at Mildred. Sabay na nagkaisip,nag-aral,nangarap. Walang lihim na tinatago sa isa't isa maging sa buhay pag'ibig. Ang pagkakaibigang 'di matatawaran nang kahit ano pa man. Maliban sa isang hiling nang isang magulang. Mildred, sacrifice her love for Lawrence para sa kasagutan ng isang hiling nang isang inang 'di na magtatagal para sa kaibigan niyang si Carol. Si Carol, tinanggap ng maluwag sa dibdib ang sinakripisyong pag-ibig ng kaibigan. Si Mildred pinaubaya si Lawrence para sa nag-iisang pamilyang natira sa kanya. Si Lawrence walang alam sa naging kasunduan ng dalawa. Hanggang kailan kayang magsakripisyo ng isang taong minamahal ka? Hanggang kailan mo tatanggapin ang isang bagay alam mong mahihirapan siya? Hanggang kailan maitatago ang isang lihim na kasunduan sa isang taong naguguluhan sa takbo ng nakaraan habang may isang kasalukuyan? Paano kong ang matalik na kaibigan ang sisira sa pamilyang pinaka-iniingatan? --
like
bc
THE SHATTERED MISTRESS
Updated at Nov 10, 2023, 01:51
MAPAIT ang kapalarang mayroon si Margareth, pakiramdam niya pinagkaitan siya ng lahat mula sa kaniyang kabataan, hanggang sa kaniyang mga sariling magulang ay maagang nawala sa kaniya.Hindi rin siya naging mapalad sa trabahong mayroon siya, dahil kung ano ang pinasok niyang mundo ay malaking kaakibat ang panghuhusga sa kanya ng lipunan. Tinanggap ni Margareth ito ng buong-buo dahil sa isang taong natira para sa kaniya ang kapatid niyang si Nathaniel, sa paglipas ng panahon sa mundong mayroon siya nakilala niya si Jonas Del Mundo, ang mayamang lalaking una pa lang alam niyang pagmamay-ari na ng iba dahil may asawa ito. Hanggang kailan mabubuhay si Margareth sa sitwasyong kahit siya ay ayaw niyang tanggapin? Hanggang kailan mananatili sa tabi niya si Jonas sa kabila nang pagmamahal nito sa asawang kasama nito? Magiging masaya pa ba si Margareth? O, habangbuhay na lang tatanggapin na siya ay pangalawa sa lalaking nakakasama niya.
like
bc
The Scandal
Updated at Nov 8, 2023, 17:40
KASAL na lang ang kulang sa relasyong Yvonne at Leonardo. Pero paano kung sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib ay may isang lihim na mabubunyag.Mapapatawad ba ni Yvonne si Leonardo at ang babaeng kasangkapan nito sa panloloko? O, mananatili ito sa piling niya't gagawing miserable ang buhay nito?
like
bc
The Abandoned Wife
Updated at Nov 8, 2023, 17:37
LIMANG taong nagsama si Melody at Benjie sa isang bubong, kailanman hindi sila nabigyan ng isang supling para maging simbolo ng kanilang wagas na pagmamahalan. Naging mahirap ang buhay para sa kanilang dalawa kaya nagpasya si Benjie na mula Cebu pumunta ng Manila para maghanap ng magandang trabaho iniwan ang pangakong babalik ito sa piling niya para sa mas magandang simula ng kanilang buhay mag-asawa. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa umabot ang limang taon walang Benjie ang bumalik sa buhay ni Melody, d'on siya naglakas ng loob para hanapin ang lalaki sa malawak na siyudad. Mahirap man para sa kaniya ang naging buhay wala siyang magawa. Naisakatuparan ni Melody na mahanap si Benjie. Pero ang hindi niya inaasahan at hindi niya kailanman naisip na may ibang babae sa buhay nito; isang mayaman, edukada at wala siyang sinabi balik-baliktarin niya man ang mundo. Ipaglalaban ba ni Melody si Benjie? O tatanggapin sa sariling inabandona na siya ni Benjie na mas kilala na sa tawag na Benjamin Gonzaga sa bagong mundong ginagalawan nito kasama si Prianka ang kaniyang amo.
like
bc
Haciendera : Olivia Buenconsijo ( The Step-daughter)
Updated at Oct 14, 2023, 01:26
ANAK sa labas ang turing kay Olivia nang pamilyang kinalakhan niya. Ayon pa sa mga ito isa siyang bunga ng pagkakasala kahit na sarili niyang ama hindi siya kayang ipagtanggol nito sa madrasta at mga kapatid niya sa ama. Isang kakampi ang natagpuan ni Olivia sa katauhan ni Antonio Cruz Peralta ang isang pulis na laging nakakahuli sa kaniya sa ginawang pagrerebelde sa sariling ama. Ang hindi alam ni Olivia ay may lihim sa kaniya si Antonio, ang magiging susi para mabuo ang kaniyang buong pagkatao.
like
bc
THE CEO's HIDDEN WIFE
Updated at Oct 10, 2023, 05:56
BLURB THE CEO's Hidden Wife. MATAGUMPAY sa negosyo si Lucas Monterde, ang kompanya ng pamilya niya siya ang namamahala. Sa murang edad matatawag ng nasa kaniya na ang lahat; magandang estado ng pamumuhay, magagarang materyal na kagamitan at pamilyang tinitingala sa bayan ng Las Esterdas sa Probinsya ng Quezon. Ngunit, hindi lahat ng napapasakamay ni Lukas dahil sa matinding pinagbabawal ng kaniyang pamilya siya'y hindi lubos na masaya. Mahigpit siyang binilinan nitong hindi siya pweding mag-asawa hangga't hindi mismo galing sa kaniyang mga magulang. Bilang mabait at masunuring anak, sinunod ito ni Lucas na walang pag-aalinlangan kahit pa siya'y may malaking sekretong tinatago sa lahat. Si Martina De Jesus— isang malapit na kaibigan ni Lucas, mula pagkabata magkasama na ang dalawa. Bagamat magkalayo ang agwat ng pamumuhay hindi 'yon naging hadlang para sa damdaming lumukob sa kanilang dalawa. Ngunit dahil sa estado ng buhay na mayroon si Lucas, nanatiling lihim ang lahat ang ugnayan ni Martina sa buhay ng lalaking minahal niya. Ngunit hanggang kailan magpapanggap si Martina kung may Brenda, Angela at Rufa ang umeksena sa buhay ng lalaking minahal niya. Hanggang kailan niya itatago sa lahat na siya'y pinakasalan ni Lucas Monterde at nanatiling— Ceo's Hidden Wife.
like
bc
CAN THIS BE LOVE? ( Candice, be love? )
Updated at Oct 2, 2023, 06:05
MASAYA na sana ang pagsasama ng mag-asawang Candice at Leandro kasama ang anak nilang si Candy. Lahat ay halos nagbago nang dumating sa buhay mag-asawa si Tiffany. Ang anim na taong pagsasama nila ay biglang naglaho. Nagpasya si Leandro na sumama kay Tiffany at iwan ang mag-ina niya. Tinanggap ni Candice ang desisyon ng asawang minahal niya sa mahabang panahon. Isang kundisyon ang siyang hiniling niya rito na manatili itong mabuting ama sa mata ng anak nila at panatilihin ang pagiging mag-asawa nila sa harap ng batang naging bunga ng isang gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Naging maayos ang lahat para sa kanila, ngunit lahat ng pagpapanggap ay may hangganan nang tuluyang pigilan ni Tiffany si Leandro. Labis ang hirap at sakit na naramdaman ni Candice, ngunit para kay Candy siya ay mananatiling malakas sa desisyong tuluyan silang iwan ni Leandro. Hangga't sa isang lihim ang siyang nabunyag sa isang taong biglang dumating sa buhay nila ni Candy. Ang kakambal ni Leandro na si Alejandro--- na hindi alam ni Candice ay may malaking bahagi ng buhay nila ni Candy. Sino nga ba si Alejandro? Ano ang kaugnayan sa mag-inang piniling talikuran ni Leandro? May bago bang pag-ibig ang siyang matatagpuan? O, sila ay matagal ng itinakda ng tadhana?
like
bc
The MISTRESS MESS
Updated at Sep 12, 2023, 05:29
Maagang kinasal si Tanya kay Mico dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis nito. Sinisi ni Mico kay Tanya ang lahat huli na para sa lalaki ang umurong sa kasal nilang dalawa. Tiniis ni Tanya ang pagbabago at pagbabalewala ni Mico, kahit na ang lahat ng paninising binato ng asawa niyakap niya. Maging ang pagdating ni Faye sa buhay nilang dalawa pikit-matang tinanggap ni Tanya, kahit pa na may sadya itong iba sa pagsasama nilang dalawa. Nagbulag-bulagan siya, nagbingi-bingihan sa lahat ng naririnig at nakikita niya. Umaasa siyang sa buhay niya babalik ang Mico na minahal niya higit pa sa kaniyang sarili, ang Mico na masaya noong silang dalawa lang--- ang kuntento sa kaniya. Hanggang kailan kaya magtiis ng isang taong nagmamahal sa isang taong bumitaw na at hindi na muling kakapit pa dahil sa iba nakahawak na. Hanggang kailan hahawak ang ilaw ng tahanan kung may isang anay na handang sumira sa tahanang matatag sana?
like
bc
All about TONIght
Updated at Aug 7, 2023, 05:01
NALAGAY sa kapahamakan ang buhay ni Toni, mula nang tumakas siya sa poder ni Don Sigmundo. Ang matandang mayaman na pinipilit siya nitong pakasalan. Dahil sa malaking pagkakautang ng magulang niya sa matandang hindi niya maatim na makasama ito habambuhay. Mula sa Bicol napadpad siya sa Ilocos--- ang inaakalang ligtas na lugar para sa kaniya ay isa palang pagkakamali. Dahil muling nalagay sa panganib ang buhay ng dalaga. Si Carlitos Magbunga, ang binatang sumagip sa buhay ni Toni. Dinala niya sa Isla na pagmamay-ari niya ang dalaga. Binigay ang kaligtasan nito sa mga lalaking nagtatangka ng masama sa buhay nito. Isang kabayaran ang siningil ni Carlitos sa dalaga. Isang gabing pagniniig nila ang hiningi niyang kapalit mula rito. Agad naman itong binigay sa kaniya ni Anthonette, walang pag-alinlangan makabayad lang sa utang na loob nitong kaligtasan. Isang gabing sandali kapalit ang ilang taong paghahanap ni Carlitos sa dalaga. Paghahanap na may matutuklasan siya sa tunay na katauhan nitong magpapahirap sa buhay niya. “Everything about TONIght. I will not forget you, Toni.”
like
bc
Kahit Sa Isang Saglit
Updated at Jul 30, 2023, 03:54
KASAL ang gustong kabayaran ni Domingo sa pagkakasala ng pamilya ni Serene sa kaniya. Pinagplanuhan niya ang lahat hanggang sa mapasakamay niya ang babaeng nakasama niya halos sa paglaki. Naging sunud-sunuran si Serene, hindi lang dahil sa kagustuhan ni Domingo kun 'di dahil na rin sa damdaming lumukob sa kaniya mula noong mga bata pa sila.Magkakaroon ba ng kasagutan ang nararamdaman ni Serene sa matalik na kaibigan? O, mananatili ang galit ni Domingo sa babaeng nagiging kabayaran sa mga taong may atraso sa kaniya.
like
bc
The Wild Bait
Updated at Jul 12, 2023, 22:59
Marami ng nabingwit na isda si Daryl. Pero isa lang ang hindi niya mahuli — ang babaeng nakilala nya sa barko. Ipinangako nya sa sarili na ito lang ang pag-aalayan ng kanyang apelyido. Subalit sinubok ng langit ang pangako niya ng magkasakit ang kanyang kapatid. Katulad ni Daryl, sinusubukan din si Monica ng pagkakataon. Ang madrastra nya ay natalo sa sugal at ginawang kolateral ang bahay na ipinamana sa kanya ng yumaong ama. Ang tanging paraan lang para matubos ang bahay ay ang sundin ang kondisyon na inilagay ng lola nya sa testamento — ang mag-asawa at manatiling kasal sa loob ng tatlong buwan. Nahanap nila sa Blush Dating Services ang tugon sa kanilang problema. Kaya ba nilang panindigan ang nakasulat sa kontrata kung ang mga puso nila ay nakalaan na noon pa man sa isa't isa?
like
bc
Kristina - The Good Mistress
Updated at Jun 1, 2023, 18:39
HINDI SIYA SA SWERTE SA BUHAY— IN SHORT PUNO NG KAMALASAN ANG BUHAY NIYA iyon ang paniniwala ni Kristina mula nang bata pa siya. Lumaki siyang ulila mula nang iwan siya sa isang sementeryo nang musmos pa lamang siya, sa sulok ng lugar na iyon namuhay siyang mag-isa hanggang sa nagsumikap siya't nagkaroon ng swerte mula nang maging isa siyang manunulat sa isang publications company kahit na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Ngunit sadyang malupit ang kapalaran para kay Kristina— parang hindi siya binibigyan ng pagkakataon para sumaya. Nakikilala niya si Connor Marasigan, ang isang estrangherong inaakala niyang makakatagpo siya ng pagmamahal at pag-aalaga dito mula nang bata siya. At ang inaakalang iyon ay isang malaking pagkakamali sa buhay niya mula nang malaman niyang may sariling pamilya si Connor. Ang pangungulila ba sa pagmamahal ang magiging dahilan ni Kristina kung bakit hahayaan ang sariling manatili sa piling ni Connor o pipiliin niyang mamuhay mag-isa para walang may masaktang pamilya? KAILAN MO PWEDING SABIHING TAMA ANG MALI?
like
bc
Tha Mafia Kings Princess
Updated at Mar 29, 2023, 02:41
THE MAFIA KINGS PRINCESS~~~~PAGHIHIGANTI ang habol ni Agustin sa pamilya Carnival at walang kahit na sino ang pweding makakapagpigil sa kaniya sa matagal niya ng binabalak sa pamilya. Malaki ang pagkakasala ng mga ito sa buhay nila— ang naging dahilan kung bakit lahat ng pamilyang mayroon siya ay nawala. Magmula n'on wala na siyang binalak at pinagplanuhan pa kun 'di ang mapabagsak ang mortal na kaaway nila.Hindi lang ensayo sa pag-gamit at paghawak ng armas ang ginawa ni Agustin, kabilang na rin sa paghahanda niya ay kung paano mapalapit at mapaikot sa mga kamay niya ang prinsesa ng pamilya Carnival. Ang nag-iisang alas niya para magupo sa putikan ang buong pamilya nito.••
like
bc
JUSTICE FOR RICH
Updated at Mar 23, 2023, 18:34
"Okay ka lang ba rito? I'm sorry, if I'm trying to ask you that, kahit na nakikita ko naman na hindi ka komportable sa lugar na 'to," nag-aalangang wika ni Caleb sa kaibigang si Jaztice. Ngiti ang naging tugon ni Justice sa kaibigan nyang si Caleb sa tanong nito kung ayos lang ba siya sa lugar na pinagdalhan nito sa kaniya. Wala na rin naman siyang pagpipilian pa— hindi na rin naman siya masaya sa lugar ng tiyahin niyang si Belen. "Kung may kailangan ka, magsabi ka lang ha. Kumpleto naman ang pagkain sa ref maging sa maliit na pantry namin. I want you to be comfortable here, Jaz. Hope na you will." "Don't bother yourself, Caleb. I'm fine. Medyo may mga iniisip lang din ako. Pero huwag kang mag-aalala, kaunting adjustment lang 'to." "I want to give everything the thing that you needed, Jaz. Hope one day, I'll see you fine again. Hindi madali ang proseso pero umaasa ako na magiging okay ka ulit." Paano ba ang maging okay ulit? Iyan ang paulit-ulit na narinig ni Justice na bulong ng isip niya. Kung siya lang ang tatanungin mukhang mahihirapan na siya, ni hindi na nga siya sigurado kung makakabangon pa ba siya mula sa madilim na pagkakalugmok niya sa mga nagdaang pagsubok sa buhay niya. Hinahawakan niya na lang din talaga ng madalas ang laging bilin sa kaniya ng lola niya n'on bago ito namatay— na hanggang humihinga siya hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Lalaban siya sa abot ng kaniyang makakaya at sa kaibuturan ng puso niya nand'on ang pangakong makakaganti rin siya sa lahat ng nanhamak sa kaniyang pagkatao— kabilang na ang pamilya Falcon.
like
bc
MATCH MAID IN HEAVEN
Updated at Feb 28, 2023, 18:41
BLURB    ° HALOS sabay nang lumaki si Heaven at Lenard ang pinagkaiba nga lang bata pa lamang si Lenard artista na ito sa isa sa pinakamalaking estasyon ng bansa.  Samantalang si Heaven isang ordinaryong babae lamang sa maliit na Isla ng Iloilo sa Higantes Island na parehong isla kong saan sila pinanganak na dalawa. Ngunit dala ng tadhana na mayroon si Lenard siya ay sa Manila na nanirahan at si Heaven naiwan sa Isla. Ngunit isang pag-asa ang siyang nakita ni Heaven nang mangailangan ang pamilya ni Lenard ng isang kasambahay sa malaking bahay ng mga ito sa Manila. Hindi nagdalawang-isip si Heaven na tanggapin ang trabaho. Ito na kaya ang kasagutan ng pag-ibig niya para sa kababata? O, ito na nga ba ang siyang magpaparamdam sa kaniyang hindi sila nababagay sa isa't isa dahil ang agwat nila ay langit at lupa?
like
bc
LEONORA ESCONDE ( THE PERFECT WIFE )
Updated at Feb 15, 2023, 05:29
Mabait na anak, magalang na tao, mabuting kaibigan at ulirang maybahay ni Ramon Esconde si Leonora Esconde. Sa madaling salita siya ay halos perpekto sa lahat ng nakakakilala sa kaniya. Sino nga ba naman ang hindi hahanga kay Leonora? Mayaman ito, matalino, maganda at may maasahang asawang si Ramon. Ngunit sadyang hindi pala lahat binibigay sa isang tao, dahil sa isang kakulangan ni Leonora. May kulang sa kaniya hindi siya buo at hindi niya kayang ibigay ito kay Ramon kahit na ano pa ang gawin niya. Paano na lang kung hanapin ni Ramon ang bagay na hindi maibigay ni Leonora. Matatanggap niya kaya ang katotohanang siya ay may kulang at sa iba'y nahanap ni Ramon? Paano na ang perpektong Leonora sa mata ng iba kung siya ay ipagpapalit kay Megan ang kaniyang kapatid sa ina.
like
bc
PARAISO SERIES 2 : THUNDER PARAISO
Updated at Oct 31, 2022, 01:29
Si Thunder  Paraiso ang pangalawa sa pitong magkakapatid. Nakaatang sa balikat niya ang malaking responsibilidad bilang natirang apo at isang tagapagmana ng "Villa Paradise" ang isa sa pinakamasikat na isla sa Cebu. Thunder, live of his own rule. Walang sino man ang pweding kumalaban sa kaniya, maliban kay Don Ignacio Paraiso ang kanilang lolo. Until he meet Gail Santivez ang babaeng nagpakilala sa kaniya ng ibang mundo. Ang babaeng handa niya ibigay lahat mula sa pangalan hanggang sa karangalan. Ang nagturo sa kaniya paano magmahal at nagparamdam kung paano mahalin. Ang babaeng may ibang plano sa pamilya niya at kailanman hindi niya mapapatawad.
like
bc
BASTA'T KASAMA KITA (Tutti di Ensieme)
Updated at Sep 15, 2022, 13:26
Si Champagne at Vino, dalawang taong nahahati sa naging kapalaran ng mga magulang. Mula nang hindi naging maayos ang pagsasama ng mga ito sa isa’t isa. Iniwan si Vino ng papa niya para sumama sa ina ni Champagne at mas tinuring na anak ang dalaga. Sa mata ng lahat at sa gusto ng pamilya. Ituturing nila ang isa’t isa bilang tunay na magkapatid. Pero paano kung puso mismo ang humahadlang, dahil bata pa lang si Vino at Champagne may pag-ibig ng nararamdaman, na gustong ipaglaban. May panghabambuhay bang pag-ibig sa dalawang pinaglalaruan ng tadhana ng mga magulang? Ipaglalaban ba nila ang pag-ibig sa isa’t isa o mananatili nalang sunud-sunuran?
like
bc
UGLY DUCK TURNS TO A LOVELY SWAN
Updated at Sep 10, 2022, 09:41
BLURB DALAGITA pa lamang si Sophia Bautista nang hangaan niya at matutunang mahalin si Red Mallari ang bestfriend ng kaniyang Kuya Brian. Kahit hindi man sila magkakilala personal nito ay hindi iyon naging hadlang para matutunan niya itong pahalagahan. Pinangarap ni Sophia na mas makilala si Red, hanggang sa isang kasunduan ang kaniyang tinanggap mula sa kaniyang kapatid sa ina, gawin niya raw ang lahat para mapalapit kay Red para mapatawad ito sa isang pagkakamaling nagawa niya sa lalaking labis niyang hinahangaan. Hilumin niya raw ang puso ni Red at tulungang ibalik ang sigla at saya sa buhay nitong nasira ng dalawang taong may malaking parte sa buhay ng binatilyo. Hindi nag-atubili si Sophia gawin ang pabor para kay Red. Ginawa nya ang lahat na mapalapit dito, kahit na ang magmukha siyang tangang maghabol dito ay hindi niya ininda. Ibabalik niya ang dating Red Mallari na nakilala niya, gagawin niya ang lahat matagpuan lang sa puso nito ang pagpapatawad para sa Kuya Brian niya. Pero paano kung sa mga panahong nagkaroon na siya ng puwang dito may malaman si Red tungkol sa kaniyang pagkatao? Paano kung makarating sa lalaking minahal niya ang kasunduang mayroon sila ni Brian kasama ang babaeng naging dahilan ng pagiging miserable nito? "Hanggang kailan ba dapat ipaglalaban ang pag-ibig kung harap-harapan kang hindi binibigyang halaga?"
like
bc
Kay Tagal Kitang Hinintay
Updated at Aug 30, 2022, 11:28
INAKALANG namatay ang asawa ni Carmela, tatlong buwan matapos nilang ikasal sa huwes. Isang Seaman sa barko ang asawa nang makilala niya. Sa kasamaang palad lumubog ang barko na sinasakyan nito sa bahagi ng Negros. Hindi nakita ang bangkay ni Alex kaya naniwala si Carmela na buhay ang asawa. Si Ivan Arguelles ang naging daan para mabigyang linaw ang lahat ng katanungan niya tungkol kay Alex. Bagamat hindi maganda ang mga unang paghaharap nila naging magkaibigan naman sila ng lalaki. Si Ivan Arguelles ay isang pulis na may misyon sa probinsya nina Carmela. Ito ang nagbigay daan nila para makilala ang isa't isa. Maraming katanungan sa isip ni Ivan dahil sa pagiging magka-apelido nila ng asawa ni Carmela at ang iisang probinsiya ang kinalakhan nilang dalawa, kabilang na ang pagiging ulila sa sariling pamilya. Ginawa ni Ivan ang lahat para matulungan si Carmela hanapin ang asawa nito sa kabila ng kaniyang misyon na hanapin si Camila Santos. Gusto n'yang masagot ang maraming katanungan na mayroon sila ni Carmela. Paano kung sa misyon ni Ivan matatagpuan ni Carmela si Alex? Paano kung ang hinahanap ni Ivan ay kasama ng hinahanap ni Carmela? Paano kung may mas malalim na ugnayan ang dalawa? Sino sa kanilang apat ang magsasabing... "Kay tagal kitang hinintay.."
like
bc
Lay Me Down (Dawn)
Updated at Aug 25, 2022, 22:53
DAWN ESPAÑOLA ang kapatid na gagawin ang lahat para sa lola't bunsong kapatid niya— kasehodang magbenta ng laman ay papasukin niya. Wika nga niya, "Trabaho lang walang personalan." RYAN MAGTANGGOL— isang magiting na pulis na nakatakdang magpakasal sa sampung taon niyang kasintahan— hindi akalaing mabibihag ang puso sa isang babaeng minsan niyang nakasama dahil sa isang misyon sa kaniyang sinumpaang trabaho. Wika nga niya, "Kapag ang palay na ang lalapit, huwag ka ng magpatumpik-tumpik."
like
bc
Sa Bawat Sandali Ay Ikaw
Updated at Jun 6, 2022, 11:51
SINAKRIPISYO ni Inno Cruz ang pagmamahal niya kay Bianca sa pag-aakalang hindi na siya kailanman gagaling pa sa kaniyang malubhang karamdaman. Iniwan niya ang dalaga na walang paalam, pinabayaan niya itong mag-isip kung ano ang nangyari sa kanilang ilang taong pagsasama. Naglaho siyang parang bula at kahit sino'y walang nakakaalam kung ano nga ba ang nangyari sa kaniya. Sa kabilang banda, pinili ni Bianca na kalimutan si Inno. Nagpasya siyang maglibot-libot at kung saan-saan siya nakakarating sa sa kaniyang paghahanap ng kasagutan sa lahat ng katanungang iniwan sa kaniya ni Inno. Natagpuan ni Bianca si Gray Buenavides ang isang lalaking sarili'y hinahanap din dahil sa isang kabiguan na mayroon siya sa kaniyang nakaraan na hindi niya maintindihan. Paano kung kapwa magtagpo ang dalawang taong sa isip ay maraming katanungan? Magkakaroon kaya ng kasagutan kung sa huli ay may lalabas na katotohanan?
like
bc
YOU MAID ME COMPLETE (ALICIA)
Updated at Jun 1, 2022, 10:13
AKALA ni Alicia makakalaya na siya mula sa kinagisnang pamilya niya. Nagtago kasi siya sa Mindoro doon pinili niyang mamasukan upang makaiwas sa totoong buhay na mayroon siya. Kahit walang alam sa trabahong niyakap niya wala siyang pakialam. Ang mahalaga lang naman sa kaniya ay ang makatakas at magkaroon ng bagong buhay. Hindi biro ang kapalarang mayroon siya sa mga magulang niya, wala siyang kalayaan sa mga ito mula kabataan niya. Naging mabigat man para kay Alicia ang lahat wala siyang magawa, kailangan niyang panindigan ang desisyon. Hindi siya babalik sa kanila kahit na ano pa ang mangyari. Sa nasabing bayan sa Mindoro doon niya nakilala si Clinton Marasigan ang salbaheng anak ng amo niya. Hindi sila magkasundo sa unang pagkikita maging sa gitna at nasisigurado niyang hanggang sa kanilang magiging huling pahina. Huli na nang matuklasan ni Alicia sa puso niya na unti-unti na siyang binubuo nito. Ang kakulangang naranasan niya unti-unting tinatahi ng binata. Pero paano na lamang kung sa dulo ng kwento babalik ang totoong mahal ng lalaki? May mapapala kaya si Alicia kahit na madalas sabihin ni Clinton ang mga salitang. "You made me complete."
like
bc
Breaking her softly
Updated at May 31, 2022, 02:51
BREAKING HER SOFTLY Once a cheater always a cheater. 'Yan ang pinatunayan ni Wade kay Celine sa paulit-ulit nitong panloloko sa asawa, na paulit ulit ring pinagbibigyan ng asawang nagmamahal sa lalaking akala niya magbabago pa. Ngunit ang lahat ng hirap ay may sukdulan nang magising si Celine na wala nang kahit na anong pagmamahal pa kay Wade. The old fashioned wife turns to be goddess ng siya ay maging isang isang sikat na artista sa isang sikat na telebisyon. Ang dating ulirang asawa ay naging isang batong wala ng kahit na sinuman makakapaglambot dito kahit na ang asawa niyang sa t'wina'y pinangako na kaniyang mamahalin sa hirap o ginhawa man. Bumalik si Celine kay Wade, hindi upang dugtungan ang siyang pag-iibigan, kundi bilang tuldukan ang nagdaang pagmamahalan. Bitbit niya ang papel na tuluyang magwawakas sa kanilang sumpaan because Wade, breaking her softly.
like
bc
To Hold and Behold
Updated at May 2, 2022, 10:34
°°° NAG-IISANG anak ni Ka Rudy si Amy De Jesus— kilala ang amang niya sa pagiging manggagamot sa kanilang baryo. Halos ito na ang pinupuntahan ng lahat kapag may karamdaman sa katawan ang mga tao maging ang karatig-pook nila. Ngunit para sa iba isang Doctor Kwak-kwak lamang si Ka Rudy, guni-guni lamang ng lahat at kwentong barbero ang ginagawang pag gagamot nito. Ito naman ay hindi sinang-ayunan ni Amy bilang anak ng amang niya gagawin niya ang lahat maipagtanggol lang ito at maprotektahan ang taong nagpalaki sa kaniyang mag-isa. Sa kabilang banda may isang Franklin Navarro ang napadpad sa lugar ng Isla Gumana— layunin niyang makilala si Ka Rudy dahil sa naniniwala siyang peke ang tinaguriang manggagamot at hindi ito dapat magtagal sa bayan nila. Doctor ang mga magulang niya, kaya may iba rin itong dulot sa totoong propesyon na mayroon ang nanay at tatay niya. Doon nag-krus ang landas nila ni Amy ang dalagang anak ng tinuguriang ambularyo ng Isla— sa una nilang pagkikita hindi maganda ang kinalabasan, sinundan ng pangalawa, pangatlo, pang-apat, panglima at marami pang pagkakataon. Hindi sila kailanman nagkaroon ng pagkakataong magkasundo. Hanggang sa malagay sa panganib ang buhay ni Amy. Sino nga ba ang makakapagpagaling sa dalaga? Ang tatay niyang sinasamba o ang magulang ng lalaking estrangherong nanggugulo sa buhay niya?
like
bc
Her Secret Admirer
Updated at Apr 23, 2022, 08:27
NO BOYFRIEND SINCE BIRTH si Amber De Jesus— lumaki siya sa pangangalaga ng ilang madre sa kumbento. Hanggang siya ay pinayagan ng mga itong mamuhay ng normal sa labas ng tahanang kinalakhan niya. Sa isang malaking probinsiya ng Negros simpleng namuhay si Amber. Hindi niya priyoridad ang pag-ibig, para sa kaniya sagabal lamang 'yon lalo na sa layunin niyang makilala ang tunay na pamilyang nag-iwan sa kaniya sa harap ng simbahan. Sa probinsiya nakilala ni Amber ang magpipinsan na sina Noah, Sean at Ralph Olivares— apo ang mga ito ng matandang personal niyang inaalagaan. Maayos naman ang naging buhay ni Amber sa mansyon ng pamilya— hanggang sa isang araw may isang sunod-sunod na sulat at bulaklak siyang natatanggap sa hindi kilalang lalaki nagparamdam ng pagmamahal kay Amber sa unang pagkakataon ng kaniyang buhay. Isa nga ba ito sa tatlong Olivares? Ang magpipinsan na nakatakdang magpakasal sa kaniya-kaniyang kasintahan.
like
bc
THE SHATTERED WIFE
Updated at Mar 29, 2022, 09:50
KABIGUAN sa pag-ibig ang naging daan para makilala ni Marie si Xavier Markus Lardizabal—ang binatang dayo sa lugar niya. Niloko ito ng nobya nitong, pinangarap pakasalan ng lalaki noon pa man. Kirsten is Xavier long-time-girlfriend. Ngunit dahil sa pagtataksil nito sa kay Xavier. Handa ang lalaking kalimutan ang lahat. Sa Isla napadpad si Xavier bilang Markus at d'on ay naging malapit ang loob nila ni Marie sa isa't isa. Hindi lamang pagiging tour guide ang naging papel niya sa binatang dayo sa lugar nila, naging malapit niya rin itong kaibigan sa Isla. Isa si Marie sa naging dahilan kung bakit pansamantala niyang nakalimutan si Kirsten. Pagkakaibigan na hindi niya akalaing—may itataya siyang damdamin. May nangyari sa kanila ni Markus. Buong puso at kaluluwa niyang binigay ang pinakainingatan niyang puri at pagmamahal dito wala siyang tinira para sa sarili niya. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila. Ang inakalang HAPPY ENDING ni Marie—ay hindi nangyari; saklaw ang buong pamilya ni Markus sa kaniya, hindi lang dahil wala silang relasyon ng lalaki kundi dahil mahirap lang ang buhay nila sa Isla. Ngunit, pinaglaban ni Marie ang pagmamahal niya sa lalaki, nanatili siya sa bahay ng mga ito kahit na harap-harapan siya kung ituring ay trapo. Ganoon din si Markus sa kaniya. Tiniis ni Marie ang lahat ang pag-aalipusta ng magulang nito ganoon din ang pag gamit ni Markus sa katawan niya, manatili lang buo ang kaniyang pamilya. Dahil sa puso niya umaasa siyang matatagpuan ni Markus ang pagmamahal nito para sa kanila. Hanggang kailan kakayanin ni Marie ang lahat? Paano kung sa dulo ng kwento may isang lihim na malalantad? Mapapatawad niya ba si Markus sa lahat ng pagkakasala o, mananaig ba ang habambuhay pagmamahal na kaniyang pinangako para sa kaniyang pamilya?
like
bc
DESIRE'S desire
Updated at Mar 20, 2022, 09:40
BUONG buhay ni Desire pakiramdam niya pinaglaruan siya ng lahat. Mula nang iwan siya ng mga magulang niyang hindi niya nakilala sa tabi ng isang simbahan, para sa kaniya wala ng halaga ang buhay niya. Lumaki siya sa lansangan—kung anu ano nalang ang kaniyang ginawa mabuhay lang. Mas naging masalimuot pa ang lahat sa kaniya nang magmahal sa isang lalaking pamilyado na. Pinaasa lang siya nito, dahil hindi man lang nito kayang mahalin maging ang piliin. Labis na sakit ang naramdaman ni Desire. Nagpakalayo-layo siya't pinangako sa sariling babalikan at hahanapin ang lahat ng taong nanakit sa damdamin niya. Kabilang na ang mga magulang niyang para sa kaniya pinabayaan siya. Naging isang sikat na wedding planner sa Pilipinas si Desire. Doon niya nakilala si Henry Mondragon ang lalaking nakatakda ng magpakasal sa matagal na nitong kasintahan—sa matalik niyang kaibigang na si Clarissa. Iyon ang hindi hahayaan ni Desire, dahil sa damdamin niyang lumukob para sa lalaki. Gagawin niya ang lahat hindi lang matuloy ang pag-iisang dibdib ng dalawa at sa kaniya mauuwi si Henry—siya ang dapat manalo. Wala siyang pakialam kung masaktan man si Clarissa—because DESIRE's desire for Henry is beyond her control.
like
bc
Our First Night ( Knight Santiago )
Updated at Mar 11, 2022, 03:54
ISANG hindi makakalimutang gabi ang nangyari sa buhay ni Knight Santiago— nang makilala niya ang isang dalagang nakilala niya sa pangalang Mila. Tinulungan niya ito mula sa ilang lalaking nagtangka sa buhay nito, pero ang pagtulong na binigay niya rito ay ito pala ang naging dahilan para sa isang gabing nahirapan siyang limutin. Ang una at huling gabing nagtagpo ang landas nila ng dalaga, dahil nawala na lamang ito na parang bula dala ang limandaang piso niyang natitirang pera niya ng mga sandaling 'yon. Inisip niyang modus ito ng dalaga at kalaunan hinayaan niya rin at hindi na hinanap pa. Ang hindi niya lang magawang kalimutan ang nangyari sa kanila ni Mila— lalo na ang naging bakas ng kalinisan ng dalaga. Magtatagpo pa kaya ang landas nilang dalawa? O, hahayaan na lang ni Knight ang sandaling pinagkaloob sa kaniya ni Mila ang malinis na puri nitong para lang sa isang asawa?
like
bc
HIS NERDY GIRL FRIEND
Updated at Mar 8, 2022, 11:57
Siya si Erika Marcos, babaeng hindi ligawin dahil sa taas ng standards niya sa lalake. Halos lahat ng gusto niya, sa imahinasyon lang niya nabubuo at isa na dun si Jacob Mondragon. Si Jacob Mondragon, takot magmahal takot masaktan mula ng mamatay ang kasintahan sa tabi niya. He promise herself na hanggang sa kabilang buhay nya mamahalin ang kasintahan Paano niya malalabanan ang nakaraan sa kasalukuyan—kung may isang Erika na bumuhay sa akala nyang mundong wala ng kulay. His Nerdy Girlfriend.
like
bc
HIS MODESTO
Updated at Mar 8, 2022, 11:35
ANAK sa isang pagkakasala si Zandra Bonifacio. Isang simpleng kasambahay ang ina nito. Pero gayunpaman lumaki siya sa isang prominenteng pamilya. Anak ng isang senador ang tunay niyang ama. Bata pa lamang siya nang pilit siya nitong kuhanin sa tunay niyang ina. Dahilan nito para sa magandang buhay na kayang-kaya ibigay sa kaniya. Labag man sa loob ng ina niya wala itong nagawa, makapangyarihan ang ama ni Zandra. Naging sunod-sunuran siya sa lahat ng naisin nito. Robot ang tingin ni Zandra sa sarili; wala siyang kakayahan saklawan lahat ng kagustuhan ng mag-amang nagpalaki sa kaniya. Hangga't sa may isang Gerome Navarro ang dumating sa buhay niya driver\bodyguard ang naging papel nito sa kaniya. Ang hindi alam ni Zandra may iba pang sadya ang binata sa kaniya bukod sa trabahong mayroon ito sa buhay ng dalaga. Dahil bukod sa pagiging kilala na siya nito mula pagkabata may isa pa itong misyon sa dalaga. Ano ang kayang ibigay ni Gerome sa isang Zandra Bonifacio?
like
bc
The Bachelor's Serendipity
Updated at Mar 8, 2022, 11:18
BATA pa lamang si Kristine pangarap niya ang maging isang magaling na chef. Magaling siyang magluto; kahit simpleng putahe lang kaya niyang maging masarap ito. Simple lang ang buhay ni Kristine lumaki lamang siya sa isang baryo na punong-puno ng mga taong nagmamahal sa kaniya. Si Gino Sebastian isang CEO at magaling na chef sa iba't ibang restaurant na pagmamay-ari nito sa kalakhang Manila. Layunin niya ang tumulong sa mga taong may malaking pangarap na abutin ang lahat nang naabot niya. Isa na si Kristine Fernandez dito ang simpleng dalagang nangangarap na maabot ang kung ano ang mayroon siya. Tinulungan niya ito. Wala siyang sinayang na sandali para sa pangarap na hangad nito. Tinupad niya ang nais ni Kristine lalo na ang makilala ito sa larangang minimithi nito. Ang hindi niya alam na may iba pa palang gusto ang dalaga at walang iba kundi siya. Makakaya niya bang tuparin ang pangarap ng babae sa kabila ng pagiging engage niya sa long time girlfriend niyang si Coleen? Paano niya maiiwasan si Kristine kung tuluyang nahulog ang loob niya rito. Gaya ng mga niluluto niya kumpleto rekados na ito.
like
bc
Seduction of a Brat Heiress
Updated at Feb 15, 2022, 10:05
SI Avery ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay nila ng nobyo niya. Nagkaroon sila ng matinding pag-aaway sa gitna ng pagmamaneho nito na naging dahilan kung bakit nabangga ang kotseng minamaneho ni Mikael. Hindi akalain ni Avery na malalagay sa panganib ang buhay nilang dalawa. Labis niyang sinisisi ang sarili lalo pa n'ong na-comatose ang lalaki. Datapwat hindi ito pinabayaan ni Avery, hindi pa rin nawala sa sarili niya ang labis na pagsisisi—hindi niya kayang mawala sa kaniya si Mikael ito ang naging buhay niya sa mahabang panahon na may relasyon silang dalawa. Sa bawat araw na lumipas sa buhay niya pinagdadasal niya na sana bumalik na ang kamalayan nito at sa sarili pinapangako niyang ibibigay ang buong pagmamahal dito, wala na siyang ititira pa. Dininig ng langit ang panalangin ni Avery nang magising si Mikael, ngunit 'yon na lamang ang pighating naramdaman niya nang hindi man lang siya naalala. Ang mas masakit para sa kaniya ay wala itong ibang naalala kundi ang babaeng una nitong minahal na naging dahilan kung bakit nanganib ang buhay nilang dalawa. Ano ang kayang ibigay ni Avery sa larangan ng pag-ibig? Isasakripisyo niya ba si Mikael o gagawin ang lahat ng makakaya niya para siya'y maalala at mahalin nitong muli?
like
bc
Seducing Mr. Heartbreaker
Updated at Feb 6, 2022, 09:36
SCHEDULE OF UPDATE : TUESDAY- THURSDAY-SATURDAY KILALANG galit sa mundo si Atasha Silvestre—malaking impact dito ang mga karanasan niya sa mga nagdaang pag-ibig. Ilang lalaki na rin ang halos dumurog sa puso niya, kabilang na dito si Jaseem Francisco ang huling lalaking sinumpa niya sa sariling maghihiganti siya, dahil sa hindi magandang pinaramdam nito sa kaniya noong may relasyon pa silang dalawa—bigla na lamang itong naglaho na parang bula. Kahit saan niya man hanapin hindi niya magawang makita. Nang magpasyang lumuwas ng Manila si Atasha mula Bacolod—muli niyang sinubukang hanapin si Jaseem. Umaasa siyang magkikita pa silang muli, hindi para dugtungan ang naudlot na pagmamahalan kundi para managot ito sa pag-iwan nito sa kaniya ng luhaan. Ganoon na lamang ang pagkamuhing naramdaman niya nang muli itong matagpuan. Hindi pa rin pala nagbabago ang pagkakakilala niya rito, tinaguriang—Mr. Heartbreaker pa rin pala ito. Sa pagkakataong 'yon hindi papayag si Atasha na hindi ito mabigyan ng leksyon. Gagawin niya ang lahat may matutunan lang ito sa pangalawang pagkakataong paghaharap nilang dalawa—pinapangako niyang wala na itong maiwang luhaan pa. She is Atasha Silvestre—and she will seducing Mr. Heartbreaker.
like
bc
THE Bachelor's Serendipity
Updated at Feb 6, 2022, 04:06
MATAGUMPAY sa negosyo si Warren Buenavista—trabaho ang mahalaga sa kaniya at wala ng iba pa. Mas nais siyang patunayan sa buhay niya lalo na sa kaniyang sariling mga magulang na walang bilib sa kaniyang kakayahan, kaya mula noong nagbibinata pa lamang siya lahat ng makakaya ginawa niya hanggang sa maabot ang kaniyang mga pangarap. Hindi naman nabigo si Warren nang sa murang edad nagkaroon agad siya ng kompanyang matatawag niyang kaniya ang malaking plantasyon ng tubuhan sa Negros ay napasakamay niya. Dahil na rin ito sa pagsisikap at tiyaga ni Warren—ngunit sa kabila ng pangarap niyang naabot ay ang tuluyang pagtanggap niya sa kaniyang kapalaran sa usaping pag-ibig. Hindi nagawang magmahal ni Warren, para sa kaniya abala lamang ang mga babae sa nais niyang abutin. Hindi naniniwala si Warren sa tadhana, wala siyang pinaniniwalaang kahit na ano. Para sa kaniya ang babae isa lamang panggulo—laro lamang. Ngunit paano kung sa isang gabi may panyong may nakapangalang Natalia ang nagpagulo sa kaniyang mundo? Hahanapin niya ba ang nagmamay-ari nito o hahayaan na lamang ang isang gabing nagkamali sila pareho?
like
bc
Forget about Yesterday
Updated at Jan 26, 2022, 22:15
IKAKASAL na sana si Angelies sa kaniyang tatlong taong katipan na si Juancho nang makatanggap siya ng isang masamang balitang nawawala raw ito, ang akala niya maayos na sa kanila ang lahat. Ginawa niya ang lahat para hanapin ang nobyo. Hindi niya hahayaang mawala na lamang itong parang bula at masira ang pangako nila sa isa't isa—ngunit bigo siya. Labis ang sakit at pagkamuhi niyang naramdaman nang tuluyan na itong hindi makita—wala siyang dahilan kung bakit bigla na lamang itong naglaho mula sa kaniya. Halos gumuho ang mundo ni Angelies sa mga nangyari, wala siyang makitang dahilan kung bakit siya nagawang iwan ni Juancho. Buo pa rin ang loob niyang hanapin ito—hindi siya basta-basta susuko. Kahit saan pa siya magpunta. Matatanggap bang kalimutan ni Angelies ang nakaraan kung sakaling bumalik ito? Makakaya niya bang kalimutan ang sakit ng kahapon kung sa muling pagkakataon balikan siya ni Juancho? Ngunit paano kung makita niya ulit si Juancho sa hindi nakakatatwang sitwasyon—nangangako ito ng panghabambuhay na pagmamahal kay Camille, ang babaeng tinuring niyang mortal na kaaway.
like
bc
THE BACHELOR's secret wife
Updated at Jan 16, 2022, 09:37
MATAGAL ng pangarap ni Farrah Lastimoso ang makilala sa larangan na tinatahak niya. Ang maging isang batikang tattoo artist, kong kaya lahat ay ginagawa niya maabot lang ito. Kahit pa na tutol sa kaniya si Paulo Rodriguez, ang bilyonaryo niyang nobyo. Pinapangako ni Farrah sa sariling maaabot niya ang nais niya, makikilala siya sa buong bansa bilang isa sa pinakamagaling sa pag-ta-tattoo. Hindi ininda ng dalaga, ang pagkakadisgusto ng pamilya ni Paulo. Wala raw siyang mararating, wala raw siyang kinabukasan. Ang mahalaga sa kaniya si Paulo at ang talento niya, kahit marami pang hahadlang sa paligid niya. Pinili siyang pakasalan ni Paulo, kahit na hadlang ang mga magulang nito. Tinago nila ang pagsasama sa lahat at pinagpatuloy ni Farrah ang nais ng puso niya. Patutunayan niya sa pamilya ni Paulo na karapat-dapat siya dito, na matatanggap din siya ng mga ito, hindi ang nais ng mga ito para sa nobyo. Lihim silang nagsama ng asawa. Buong puso't kaluluwang pumayag si Farrah sa set-up nilang dalawa, hangggang sa matanggap siya ng pamilya. Hanggang kailan tatanggapin ni Farrah ang lihim na pagsasama nila nila ni Paulo? Hanggang kailan niya ipaglalaban ang nais ng puso niya? Hanggang kailan siya magbubulag-bulagan na bukod sa kaniya, may isang Marissa na inuuwian ang asawa. Sino nga ba sa kanila ang "The bachelor's secret wife?'
like
bc
His Secret Wife
Updated at Jan 14, 2022, 11:52
Siya si Katrina Ortega, may simpleng pamumuhay, masayahin sa kabila ng kinalakhang kahirapan. Sa kabila ng lahat may isang Lexter Samaniego siyang kasama ang kanyang pitong-taong katipan na kalaunan kaniyang pinakasalan. Hanggang sa isang pagsubok ang dumating sa buhay nilang dalawa. Ang karahasang nangyari ay nagdulot sa kanya ng matinding trauma dala ng takot, hirap at matinding pagsubok. Hindi siya nakapagsalita--- ngunit kailanman hindi siya iniwanan ni Lester. Sinamahan siya nito at tinulungan hanggang sa muling makabangon at makapagsalita. Ngunit lahat ay may hangganan, dahil isang araw natagpuan ni Katrina ang sarili sa simbahan kung saan may pares ng mga nagmamahalan na ikinakasal 'yon nalang ang pagkabigla ng dalaga ng makilala ang lalaking kinakasal. Napatayo siya ng magtanong ang pari kung sino ang tumututol sa kasalang nagaganap. "I-itigil a-ang k-kasal!" pautal-utal na sigaw ni Katrina ang kauna-unahang pagkakataon nang magsalita siyang muli. Ang araw ng kasal ng kanyang asawang si Lexter.
like
bc
PARAISO SERIES VI : CLOUD PARAISO
Updated at Jan 6, 2022, 07:55
AKALA ni Cloud mula nang iwan niya ang pagiging Paraiso at ang pagiging lehitimong apo ni Don Ignacio mas magiging maganda ang buhay niya sa desisyong lumayo. Nagkamali pala ang binata, dahil nang siya ay umalis at namuhay mag-isa hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Maraming pagsubok ang nakaatang sa balikat nitong siya lamang ang humarap, kabilang na ang ilang kabiguang naranasan sa mga babaeng kaniyang minahal at inakalang panghabambuhay. Labis na nasaktan si Cloud sa lahat ng nangyari sa kaniya, dahil ang hangad niya lang naman ay ang mabuo ang kaniyang pagkatao't mahalin na hindi niya naramdaman sa sarili niyang pamilya Sa sarili pinangako ni Cloud na hahanapin ang pag-ibig na sasamahan siya sa hirap at ginhawa, lungkot man at saya. Si Katrina Santos--- hinarap ang lahat ng pagsubok mag-isa, para sa nag-iisang pamilyang natira sa kaniya ang kaniyang kapatid sa ina. Lahat ng trabaho nagawang pasukin ni Katrina, kahit na ang pagiging isang babaeng mababa ang lipad. Buong higpit na niyakap ni Katrina ang kapalarang 'yon--- gusto niyang mabuhay, ganoon din ang kapatid na nakasandal sa kaniya. Kaya sa sarili pinangako ni Katrina na sa kaniya walang puwang ang pag-ibig, sa isip at puso niya tinatak niyang hinding-hindi siya magmamahal kailanman. Paano kung ang mundo ni Cloud at Katrina'y magtagpo---may pag-ibig bang mabubuo sa dalawang may iba't ibang paniniwala at pangako sa sarili? Sino ang mananalo, ang taong hindi naghahanap ng pagmamahal o ang taong sabik mahalin?
like
bc
AFTERLIFE OF RODRIGO
Updated at Dec 31, 2021, 13:42
RISE TO ASHES MAIKSI lang ang naging buhay ni Rodrigo Vicente sa mundo. Namatay siya sa hindi inaasahang pagkakataon na wala man lang may nakaalam kahit isa man sa mga mahal niya sa buhay, lalo na ang asawa niyang si Minerva. Nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa isang bangin. Walang kahit na sino ang nakakita sa kaniya, kaya walang kahit sino man ang nagawang magligtas dito. Ngunit isang pagkakataon ang binigay kay Rodrigo ng isang tinatawag na Sundo. Binigyan siya nito ng pangalawang buhay dahil sa isang misyon kailangan niyang pagtagumpayan. Ito ang hanapin ang babaeng hindi pa oras para mawala sa mundo. May misyon pa ito at hindi pa panahon para bawiin ang hiram na buhay. Isandaang-araw lamang ang binigay kay Rodrigo para sa misyon niya, para tuluyang makalayang makatawid sa buhay na walang hanggan. Paano kung sa misyon ni Rodrigo mabuhay siya bilang si Randal? Magagawa niya bang maging matagumpay kung wala man lang siyang naalala sa nakaraan? Sino nga ba ang babaeng magiging daan ng kaniyang malayang pagtawid sa tinatawag na paraiso?
like
bc
The Seductive Virgin
Updated at Oct 17, 2021, 13:10
Maganda, matalino, sopistikada, mayaman, matapang ganoon kung ilarawan si Biatrez Rivera ng mga kakilala at mga kaibigan niya. Nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Ibang-iba siya sa kapatid niyang si Maddy; mahina ang loob nito, madalas itong maiwan ng mga lalaking minahal nito, lagi na lamang itong umiiyak dahil sa labis na kabiguan sa pag-ibig. Sinumpa ni Biatrez sa sariling hinding-hindi siya magiging katulad ng kapatid niya kahit kailan, pero kasabay n'on ang sumpang maghihigante siya sa mga lalaking nanakit sa puso nito lalong-lalo na si Pierho Sandoval. Ito lang naman ang nag-iisang lalaking dumurog sa puso ng pinakamamahal niyang kapatid, matapos nitong iwang luhaan si Maddy--- hindi na ito nagpakitang muli sa kapatid niya. Kaya n'ong nagkaroon siya ng pagkakataon na makaharap si Pierho isang dare ng mga kaibigan niya ang tinanggap niya isang gabing hindi makalilimutang pagniniig ang siyang sinakripisyo ni Biatrez. Sinumpa niya sa sariling pagkatapos ng gabing iyon, hinding-hindi siya kakalimutan ni Pierho na ito ang maghahabol sa kaniya gaya ng ginawa ng kapatid niya rito. Sa ganoong paraan maipaghihigante niya na si Maddy. Pero paano kung pagkatapos ng gabing iyon puso niya ang nakataya? Paano kung sa halip na si Pierho ang mahirapang kalimutan siya, siya ang nahirapang kalimutan ito.
like
bc
Bachelor's Obsession : TREVOR SANTILLAN
Updated at Sep 4, 2021, 13:04
MULA Baguio lumuwas ng Manila si Roxanne--- hindi lang para maghanap ng trabaho o tulungan ang mga natitirang tao sa buhay niya. Gusto niya rin hanapin ang lalaking nanakit sa damdamin ni Summer na tinuring niyang kapatid. Lalaki raw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng depression ang dalaga sa muling pagbabalik nito sa lugar nila. Sinumpa ni Roxanne sa sariling gagawin niya ang lahat mahanap niya lang ang naging dahilan ng paghihirap ng kinilala niyang pamilya. Sa Manila nakilala niya si Trevor Santillan, ang CEO ng kompanyang ng pinag-aplayan niya ng trabaho. Hindi man maayos ang unang paghaharap nilang dalawa, tuluyan pa rin siyang makapasok sa kompanya nito bilang sekretarya ng supladong amo--- antipatiko ang binata para kay Roxanne, dahil wala na itong ginawa kundi inisin siya at sirain ang araw niya. Ngunit lahat gagawin niya para kay Summer at sa nanang niya babawiin niya ang lahat ng sakripisyo ng mga ito sa kaniya. Magtitiis siya hanggang kaya niya, kakayanin niya ang lahat ng ginagawa ng salbahe niyang amo para sa kaniya. Ngunit isang katotohanan ang nalaman niya tungkol kay Trevor na may kaugnayan kay Summer. Matatanggap niya ba ang natuklasan kung mas nakikilala niya na si Trevor sa mga panahong nagiging kasama niya ito. Itutuloy niya pa ba ang plano niya kung hindi niya na namamalayan na napapamahal na sa kaniya ang lalaki? Paano kung hindi na s’ya sigurado kaya pa niyang ituloy ang plano n’yang paghihiganti rito?
like
bc
The unlucky husband [ Diego Ledesma ]
Updated at Aug 13, 2021, 11:17
The Unlucky Husband || Diego Ledesma || Bam Gregorio FOR FREE ❤️ AKALA ni Diego maswerte na siya sa asawa niyang si Janella. Halos nasa babae na kasi ang lahat; yaman, ganda at may maayos na kinalakhang pamilya wala na siyang hahanapin pa. Maayos ang pagsasama nila sa una at walang nagiging problema. Ang lahat pala ay hindi binibigay sa isang pagsasama bilang mag-asawa nang pinasok ni Jamilla ang pulitika. Walang nagawa si Diego kundi ang maging sunud-sunuran sa makapangyarihang asawa. Hanggang kailan magtitiis si Diego sa piling ni Janella? Hanggang kailan siya magtitiis sa isang babaeng alipin ng salapi't kapangyarihan? Magbabago pa ba ang isang Janella na minahal niya o habambuhay na lang ito magbubulag bulagan sa pangako nilang habambuhay na magsasama sa hirap man o ginhawa.
like
bc
ANG MAKAPILING KANG MULI
Updated at Aug 4, 2021, 09:02
MATAGAL na hinintay ni Cayetana si Apollo. Nangako ito sa kaniyang babalik ito, nangarap kasi si Apollo pumunta sa iba't ibang bansa na buong pusong sinuportahan ni Cayetana. Babalikan siya ni Apollo 'yon ang pangako sa kaniya nito at pinanghahawakan niya sa bawat araw ng buhay niya. Isa, dalawa, tatlo, apat na taon walang Apollo na bumalik. Hangga't sa masanay na si Cayetana na mag-isa sa Isla kung saan siya iniwan ng lalake. Ngunit isang balita ang siyang gumimbal kay Cayetana--- wala na raw si Apollo, patay na raw ito dahil sa isang aksidente. Pinilit ni Cayetana na tanggapin ang lahat. Binuksan ang puso sa isang lalaking nangangalang Melvin. Pilit na binaon sa limot si Apollo kahit walang kasiguraduhan kung wala na nga talaga ito. Ngunit isang araw 'yon na lamang ang gulat ni Cayetana sa araw ng kasal niya. Hindi siya makapaniwalang ang isang Apollo Rodriquez ay nasa harap niya at hindi na siya kilala.
like
bc
PARAISO SERIES 1 : Kidlat Paraiso
Updated at Jul 13, 2021, 22:30
Ang panganay na apo ni Don Ignacio Villa Paraiso. Ang apong mistulang wanted na pinaghahanap ng batas sa tuluyan nitong pagtakas mula sa pagiging isang lehitimong apo ni Ignacio. He live by his own nag-aral at nagawang mapagtapos ang sarili. Naging isang matagumpay na engineer sa siyudad ng Baguio malayo mula sa kilala o, tinitingalang pamilya mula sa Cebu. He chose to live in Baguio not as Light Villa Paraiso but as Engr. Kidlat Marundon. Ang lalakeng daig pa ang kidlat makuha lang ang isang nagugustuhang babae, certified boy next door, magpapaiyak ngunit hinding hindi iiyak 'yan ang hinahawakang pangako ng binata sa sarili bilang si Light Paraiso ngunit hindi bilang si Kidlat Marundon na naging marupok sa isang babaeng nakilala niya sa Baguio. Si Trina Vasquez, ang babaeng nagkaroon ng pagkakataong makilala ng binata, ang babaeng nangako sa sariling kahit kailan hinding-hindi mahuhulog kay Kidlat. Hanggang kailan pipigilan ni Trina ang damdamin para sa binata? Hanggang kailan magagawang ipaglaban ni Kidlat ang damdamin para sa dalaga? Hanggang kailan niya maprotektahan ito laban sa mga taong may malaking parte sa buhay nito?
like
bc
A hundred DAISY to LOVE
Updated at Jul 11, 2021, 12:18
ISANG daang araw na lang ang binigay ng doktor kay Daisy dahil sa sakit niya sa puso. Tinanggap ni Daisy ang kapalaran niya, para sa kaniya wala ng dapat pang ipangamba. Sa Hacienda Filomina pinili ni Daisy manirahan, para raw malayo mula sa lahat. Doon niya nakilala si Cael ang lalaking walang ginawa kundi ang alukin siya ng pagmamahal. Lahat ng pagtanggi ginawa ni Daisy dito, pero naging mapilit ito sa kaniya. Lahat ginawa ni Cael. Huli na kaya ang lahat para sa kanilang dalawa? Ano ang mangyayari sa isang daang araw sa buhay ni Daisy? Matatanggap kaya ni Cael na mawala ito sa kaniya o, ipaglalaban na silang dalawa ay nakatadhana sa isa't isa.
like
bc
ALEXIS JAVIER ( THE KEEPER )
Updated at Jul 7, 2021, 09:20
ALAGAD ng batas si Audrey bata pa lamang siya ito na ang pangarap niya. Ginawa niya ang lahat maabot lang ito,  hindi siya kailanman sumuko. Hanggang sa narating ng dalaga ang pangarap na inaasam-asam dito niya nakilala si Alexis Javier. Ang lalaking anak ng mahigpit nilang binabantayan sa iligal na gawain ng ama nito. Isang misyon ang naka-atang sa balikat ni Audrey na may kaugnayan kay Alexis. Matatanggap kaya ng dalaga ang mabigat na tungkulin kapalit ng kaligtasan ng iba o puso ang susundin sa unti-unting pagkakahulog sa karisma ni Alexis. Batas o pag-ibig? Ano ang uunahin ni Audrey pangarap o tibok ng puso?
like
bc
One Last Memory [ FREE STORY ONLY ]
Updated at Jul 7, 2021, 07:51
ILANG taon ng napadpad si Kenneth sa isla sa Mindoro. Hindi alam kung ano ba ang siyang tunay niyang pagkatao dahil sa aksidenteng natamo niya ilang taon na ang nakaraan. Sa Mindoro natagpuan ni Kenneth ang bagong mundo, walang pagkakikilanlan hindi alam ang tunay na katauhan. Sa Isla nandoon si Cheska ang simpleng dalagang naging kasama ni Kenneth, tumayo itong kaibigan sa kaniya sa ilang taon niyang pananatili doon. Sino nga ba si Kenneth? Matatanggap kaya ni Cheska ang tunay nitong pagkatao sa pagbabalik ng ala-ala nito. UPDATE WILL BE | THURSDAY | FRIDAY | SATURDAY |
like
bc
ONE LAST CHANCE ( ALLYNA )
Updated at Jul 3, 2021, 13:04
HINDI SINASADYANG MAPATAY NI LUKE ANG BOYFRIEND NI ALLYNA DEL FIERO ISANG HINDI SINASADYANG KASALANAN NA KANYANG BINAYARAN SA KULUNGAN. HANGGANG KAILAN MAGTATAGAL ANG GALIT NG DALAGA SA BINATANG NAGKAMALING PATAYIN ANG KATIPAN? HANGGANG KAILAN MAGBABAYAD SI LUKE SA KASALANANG HINDI NIYA KAGUSTUHAN? MAY MABUBUO BANG KAPATAWARAN SA DALAWANG TAONG BIKTIMA NG GALIT AT PAGSISISI?
like
bc
ONE LUST CHANCE (ALTHEA)
Updated at Jul 3, 2021, 12:58
Si Althea Del Fiero, biktima ng nakaraan sisingilin ng kasalukuyan ang magiging kabayaran ng kasalanan ng mga magulang. Nash Villanueva ang lalakeng sisingil sa walang malay na dalaga susundin ba siya ni Althea o, magiging alipin sa alindog ng isang Del Fiero.
like
bc
WHEN THE LOVE IS GONE
Updated at Jul 3, 2021, 12:56
PANGIT, baluga, at kulot salot ang tukso ni Jm kay Arci mula pagkabata. Lumaki silang aso't pusa, walang pagkakataon na naging magkasundo. Hindi nga alam ni Arci kung bakit ganoon nalang si Jm sa kaniya. alam niya naman na pangit siya. Sino ba naman kasi ang magagandahan sa kaniya? Ang mukha niya napakaraming tigyawat, sabog ang kaniyang kilay, isama pa ang kulot na kulot niyang buhok at ang may kalakihan niyang mata. Pangit nga naman talaga siya--- ang masama lang pinagsisigawan pa ni Jm. Malaking galit ang namuhay sa puso ni Arci para sa binata. Sa murang edad pinangako niya sa sariling gaganda rin siya at matutupad ang nais ng puso niyang maging isang magaling na fashion designer. Ginawa ni Arci ang lahat; nagsikap siya, nag-aral, at nangarap. Pansamantala niyang kinalimutan ang sama ng loob na namuhay sa puso niya para kay Jm. Ilang taon pa ang lumipas ang dating; pangit, baluga, at kulot ngayon ay ibang-iba na. Mabilis siyang nakilala sa industriya ng karerang ninais niya. Sa muling sandali nag-krus ang landas nila ng binata sa hindi inaasahang pagkakataon engage na ito sa kapatid niya sa ina. Paano na ang paghihigante ni Arci? Magagawa niya bang saktan ang kapatid na nagmahal sa kaniya? Maiiwasan niya ba si Jm kung ang bawat tingin nito nagbibigay ng tuwa sa puso niya? "Pangit! Baluga! Kulot ka! Pero alam mo bang noon pa minahal na kita."
like
bc
TOUCH ME NOT : RAFFY CALDERON
Updated at Jul 3, 2021, 12:47
PINANGANAK at lumaki si Kara sa Zambales. Para sa kaniya sa lugar na 'yon ang mundo niya. Hindi niya na pinangarap pang makarating sa ibang lugar, kuntento na siya. Wala na rin naman siyang hahanapin pa buo ang pamilya niya. Isa siyang public teacher ng bayan nila. Masaya siya sa kaniyang trabaho. Hanggang sa nakilala niya si Raffy Calderon ang balikbayang sikat sa surfing. Nagbago ang pananaw ni Kara sa buhay. Pinangarap niyang maging tulad ng mga babaeng na-li-link sa sikat na lalaking dayo lang sa lugar nila. Magkaibang-magkaiba sila nito hindi lang sa antas ng pamumuhay kundi sa mundong ginagalawan. Kilalang-kilala si Raffy samantalang siya isang simpleng babae lamang. May mabubuo bang pag-iibigan sa mundong magkaiba ang kinalakhan? Paano kung ang habol ni Raffy tawag ng laman lamang?
like
bc
KAYE, TO YOUR HEART
Updated at Jul 3, 2021, 12:33
LUMAKING mag-isa si King Castro. Sinuong niya ang mundo kahit na buong buhay niya wala siyang kasama. Para sa kaniya pera lang ang mahalaga. Nagagawa niya lahat ang gusto niyo, iba't-ibang negosyo pagmamay-ari niya kabilang na ang ilang sikat na bar sa bawat sulok sa Bicol. Doon niya nakilala si Talia Kaye Santos, ang babaeng dancer sa bar na siya ang nagmamay-ari. Maganda si Talea sexy at unang tingin mo palang dito aakalain mong galing ito sa bigating pamilya. Pero nagkamali si King dahil mahirap lang ang dalaga at katulad niya mag-isa lang din ito buhay. Gusto niyang maging makapalagayan ang loob nito, ngunit sadyang mailap ito sa kaniya. Mukhang may kinatatakutang hindi niya maintindihan. Ginawa ni King ang lahat para mapalapit kay Kaye--- pero paano kung sa paglalapit nila may isa siyang lihim na matutuklasan sa pagkatao nilang dalawa? Si Kaye na kaya ang susi ng puso nyang matagal ng nag-iisa.
like
bc
THE BROKEN WIFE OF ALEXANDER BELMONTE
Updated at Jul 3, 2021, 12:25
Si Grace Salvador ang kilalang martyr na asawa ni Mayor Alexander Belmonte. Nabalitang pinakasalan lang siya ng alkalde ng siyudad para magkaroon ito ng magandang imahe sa politika. Ang mga haka-haka ay pinatutuhanan naman ni Alexander kay Grace dahil sa labis na pagbibigay nito ng sama ng loob sa kaniya; kung sino-sinong babae na lamang ang nali-link sa asawa niya. Gayunpaman pinanatili pa rin ni Alexander na mabuti siyang asawa kay Grace lalo na sa mata ng media na nakapalibot sa kanilang dalawa. Makakaya kaya ng asawa ang lahat ng ginagawa ni Alexander sa kaniya, kung may isang Rodrigo ang nag-aalok ng kalayaan niya sa piling ng asawang kulang na lang posas ginagapos na siya. Hanggang kailan magtitiis si Grace sa piling ng asawang minahal niya? Paano kung magising na lang siyang wala na palang pag-ibig na nararamdaman dito? Handa ba siyang buksan ito ulit para kay Rodrigo ang matalik na kaibigan ni Alexander?
like
bc
ONE HUNDRED DAYS DEAL WITH YOU.
Updated at Jul 3, 2021, 12:05
PINAGTANGKAAN ni Janice wakasan ang sariling buhay nang nakita mismo ng mga mata niya ang pagtataksil sa kaniya ng sariling nobyo. Sobra-sobrang sakit ang napala niya rito. Halos buong buhay niya kasi ginugol niya sa binata at hindi niya inakalang pagtataksilan lang siya nito. Hindi niya ngayon alam kung paano makababangon sa sakit na dulot ni Randy sa kaniya. Sinumpa niya sa sariling hindi na magmamahal pa. Una at huli na si Randy, iyon ang pangako ni Janice sa sarili. Hanggang sa makilala niya si Steve Guerrero. Ang nangialam sa tangka niyang pagtalon sa tulay. Pinigilan siya nito, wawakasan din daw nito ang sariling buhay pag tinuloy niya ang nais niya. Wala sana siyang pakialam sa gusto nitong gawin--- miserable na siya. Pero hindi nakaya ng konsensiya niya dahil kasama nito ang tatlong taong gulang nitong anak. Hiwalay daw ito sa asawa. Isang kasunduan ang inalok sa kaniya ni Steve. Isang daang araw daw kasama ito at ang anak nito. Pag gusto niya pa rin daw mamatay pagkatapos ng isang daang araw wala na raw itong pakialam pa sa kaniya. Tinanggap ito ni Janice. Gusto niya rin naman subukan ang ilang bagay bago siya mawala sa mundo. Pero paano kung pagkatapos ng kasunduan nila ni Steve siya ang natalo dahil puso niya ang tinaya rito? Paano pa siya muling makakabangon kung pagkatapos ng lahat bumalik ang tunay nitong asawa? Matatanggap ba ni Janice ang masaklap na kapalaran sa muling pagkakataon o, ipaglalaban niya ang lalaki na mas minahal niya ngayon?
like
bc
LOVING YUE, TILL DAWN (LOVING YOU, UNTIL DAWN)
Updated at Jul 3, 2021, 11:17
MAHAL na mahal ni Yue ang namayapa niyang girlfriend na si Alexis. Wala siyang pinangarap makasama habambuhay kundi ito lang. Para sa kaniya ito ang kaniyang mundo at lahat ay biglang naglaho nang nawala ito sa kaniya. Binaon niya sa limot ang lahat ng pangarap nila sa isa't isa. Naging masalimuot ang buhay pag-ibig para kay Yue nang ipangakong hinding-hindi na magmamahal pa. Natakot siyang sumubok ulit. Ayaw niya na masaktan, ayaw niya ng maiwan pa. Si Dawn Araneta isang dalagang takot na takot magmahal at mahalin. Hindi dahil sa nasaktan na siya noon pa. Pakiramdam niya kasi mangyayari din sa kaniya ang nangyari sa mga magulang at mga kapatid niya pagdating sa buhay pag-ibig ng mga ito. Nabigo ang mga ito, naiwan at hindi na kailanman binalikan. Simula n'on nangako si Dawn sa sariling hinding-hindi na magmamahal pa. Hangga't sa sandali ng buhay niya may nakilala siyang isang lalaking tulad niya takot ding magmahal at mahalin si Yue Quezon. Hindi inakala ni Dawn na ang pangako sa sarili'y mapapako dahil sa isang binatang katulad niya ayaw ng sumubok pa. Ano ang mangyayari sa dalawang taong may takot na lumulukob sa puso nila? Makakaya ba nila parehong baliin ang mga pangako sa sariling hindi na magmamahal pa o, hahayaan na lang ang tadhana para sa kapalaran nilang dalawa.
like
bc
INEVITABLE ENCOUNTER
Updated at Jul 2, 2021, 09:42
LAKI sa layaw si Gwyneth Buenavista kung kaya't saan man siya pumunta walang nakakapigil sa kaniya. Halos inikot niya na ang buong Pilipinas maging ang ibang bansa. May hinahanap ang puso niya. Hindi niya man maintindihan kung ano ito. Hindi pa rin siya titigil hangga't hindi matatagpuan ang gusto niya. Sa Puerto Prinsesa sa Palawan nandoon si Angelo Monte Verde. Ang binatang nagkasya at kuntento ng manatili sa isang pribadong isla na kilala sa pangalang La Plaza Island. Pagmamay-ari ito ng pamilya ni Angelo. Buong-buhay niya doon lamang siya; ayaw niya sa magulong siyudad, ayaw niya sa maraming tao. Hanggang sa isang sandali ang nakapagpabago ng mundo ni Angelo sa pagdating ni Gwyneth sa buhay niya. Nagkaroon sila ng mga sandaling kasama ito sa Isla. Naging malapit ang loob nila sa isa't isa, bagamat walang ugnayan na namagitan sapat na ang mga hiram na sandaling kanilang pinagsasaluhan. Ngunit isang araw nawala si Gwyneth. Hindi niya akalaing isang dalaga lang ang makakasira sa pangakong hinding-hindi aalis sa lugar na iyon. Dahil sa pag-alis ni Gwyneth sinundan niya ito, hahanapin niya ang dalaga. Hindi siya makakapayag na basta na lamang ito darating sa buhay niya't mawawala na lang ng parang bula. Ibabalik niya si Gwyneth. Ngunit paano kung sa muling pagtatagpo nilang dalawa sa araw ito mismo nang kasal ng dalaga. Matatanggap ba ni Angelo ang laro ng tadhana o ipaglalaban ang dalagang minahal sa una pa lamang nilang pagkikita?
like
bc
CHASING MY DREAM ( GINO SEBASTIAN )
Updated at Jul 2, 2021, 06:38
BATA pa lamang si Kristine pangarap niya ang maging isang magaling na chef. Magaling siyang magluto; kahit simpleng putahe lang kaya niyang maging masarap ito. Simple lang ang buhay ni Kristine lumaki lamang siya sa isang baryo na punong-puno ng mga taong nagmamahal sa kaniya. Pinangako niya sa sariling oras na maabot ang pangarap niya babalikan niya para tulungan ang lahat ng mga taong sumusuporta siya. Si Gino Sebastian isang CEO at magaling na chef sa iba't ibang restaurant na pagmamay-ari nito sa kalakhang Manila. Layunin niya ang tumulong sa mga taong may malaking pangarap na abutin ang lahat nang naabot niya. Isa na si Kristine Fernandez dito ang simpleng dalagang nangangarap na maabot ang kung ano ang mayroon siya. Tinulungan niya ito. Wala siyang sinayang na sandali para sa pangarap na hangad nito. Tinupad niya ang pangarap ni Kristine lalo na ang makilala ito sa larangang pinapangarap nito. Ang hindi niya alam na may iba pa palang pangarap ang dalaga walang iba kundi siya. Makakaya niya bang tuparin ang pangarap ng babae sa kabila ng pagiging engage niya sa long time girlfriend niyang si Coleen? Paano niya maiiwasan si Kristine kung tuluyang nahulog ang loob niya rito. Gaya ng mga niluluto niya kumpleto rekados na ito.
like
bc
LOVE ME HARDER : ZANDRA BONIFACIO
Updated at Jul 2, 2021, 06:19
ANAK sa isang pagkakasala si Zandra Bonifacio. Isang simpleng kasambahay ang ina nito. Pero gayunpaman lumaki siya sa isang prominenteng pamilya. Anak ng isang senador ang ama tunay niyang ama. Bata pa lamang siya nang pilit siya nitong kuhanin sa tunay niyang ina. Dahilan nito para sa magandang buhay na kayang-kaya ibigay sa kaniya. Labag man sa loob ng ina niya wala itong nagawa, makapangyarihan ang ama ni Zandra. Naging sunod-sunuran siya sa lahat ng naisin nito. Robot ang tingin ni Zandra sa sarili; wala siyang kakayahan saklawan lahat ng kagustuhan ng mag-amang nagpalaki sa kaniya. Hangga't sa may isang Gerome Navarro ang dumating sa buhay niya driver\bodyguard ang naging papel nito sa buhay niya. Ang hindi alam ni Zandra may iba pang sadya ang binata sa kaniya bukod sa trabahong mayroon ito sa buhay ng dalaga. Dahil bukod sa pagiging kilala na siya nito mula pagkabata may isa pa itong misyon sa dalaga. Ano ang kayang ibigay ni Gerome sa isang Zandra Bonifacio?
like
bc
MINAHAL KO ANG BALIW SA MENTAL
Updated at Jun 28, 2021, 00:49
Buong-buhay ni Janna Gamboa nakaramdam siya ng pag-iisa mula ng iwan ng kinilalang ama at ina. Maging ng ginang na inalagaan niya at tinuring niyang pamilya. Pakiramdam niya iniwanan siya ng lahat. Piniling talikuran ng mga taong minahal niya. Hanggang sa nakilala nya si Adrian ang pinangalanan n'yang Angelo sa isang Mental Hospital kung saan s'ya nagtratabaho. Ito na kaya ang makakasama ni Janna, o kagaya ng mga taong naging bahagi ng buhay niya ito'y dumaan lang din sa kaniya. Si Adrian na kaya ang taong makakasama ni Janna para di na tuluyang mag-isa kahit wala ito sa sariling katinuan. Paano pag may pamilya na pala ang binatang inakala niyang nakalaan para sa kaniya? Paano kung may ibang lihim pa sa katauhan nilang dalawa? Lihim ay mabubunyag. Nararamdaman ay malalantad.
like
bc
THE BACHELOR's broken vow
Updated at Jun 25, 2021, 13:26
Anak mayaman si Gabby Enriquez halos lahat ay nasa kaniya na; ari-arian, edukasyon, at gwapong mukha. He is almost perfect wika nga nila. Maraming naiinggit sa kaniya, lalo na sa maganda niyang relasyon sa matagal niya ng kasintahang si Margarette Rivera o mas kilalang si Garry. Nasa maayos ang lahat sa kanilang dalawa, mahal nila ang isa't isa. Ang pangako ni Gabby sa dalaga ay panghabambuhay na pagsasama at lahat ay gagawin niya matupad lang ang lahat ng 'yon. Si Garry lang ang para sa kaniya iyon ang pinaniniwalaan niya. Kahit simpleng babae lamang ito handa siyang gawin ang lahat para dito. Mahal niya si Garry at ito lang ang gusto niyang iharap sa altar wala ng iba pa. Ngunit paano kung sa gitna ng kwento nilang dalawa may isang pangyayari ang siyang sisira ng pangako niya sa dalaga. Matatanggihan ba ni Gabby ang karisma ng isang Amor Felicia. Sino nga ba si Amor Felicia? Ano ang kaugnayan nito sa kanilang dalawa? Ito nga ba ang dahilan ng 'the billionare's broken vow?'
like
bc
LIFE AFTER MARRIAGE
Updated at Jun 23, 2021, 13:34
BLURB ISANG BUWAN matapos ikasal si Kristal Gonzales kay Luis Fajardo. Naging maayos naman ang lahat para sa kanilang dalawa. Wala naman halos naging problema mahal nila ang isa't isa at mas tumibay ito matapos nilang ikasal dahil na rin sa basbas ng pareho nilang pamilya. Wala na sanang hahanapin pa ang mag-asawa naging masaya ang pagsasama nila. Lahat pala iyon ay akala lang ni Kristal dahil sa buhay mag-asawa nila may malaking pagbabago. Unti-unting nag-iba ang luis na minahal niya mahigit walong taon nila bilang magkasintahan bago niya ito pinakasalan. Hindi akalaing sa pagbabagong iyon ni Luis may malaking kaugnayan ang taong naging malapit sa kaniya ang bago niyang kaibigang tinuring niyang kapatid. Si Carla Esperanza nga ba ang sisira sa matagal nilang pagsasama? Ano ang magiging buhay nilang dalawa pagkatapos ng kasal na akala niya habambuhay magbubuklod sa kanila? What will happer to thier life after marriage? Magiging matatag kaya ang tahanang sa anay na magtatangkang sumira.
like
bc
WHERE IS THE LOVE
Updated at Jun 18, 2021, 10:15
PRODUKTO ng sirang pamilya si Mara Espinoza, bata pa lamang siya namuhay na siya mag-isa. Wala kasi siyang sinamahan sa mama at papa niya, mas pinili niyang mag-solo sa buhay. Iba't-ibang trabaho pinasok ni Mara, inabala niya ang sarili niya. Para sa kaniya walang mas mahalaga kundi ang pera, ilang beses na rin kasi siyang nasaktan. Ito rin ang siyang naging dahilan kung bakit parang kinalimutan niya ang magmahal. Ayaw niyang matulad sa mga magulang niya, ayaw niyang magkaroon ng sirang pamilya. Ang pag-ibig para sa kaniya ay laro lang. Fling dito, fling doon. Doon nabuhay si Mara. Hangga't sa nakilala niya si Lloyd Francisco. Isa itong misteryusong lalaking pumalit sa posisyon ng dati niyang manager sa pinagtratrabahuhang gallery. Sa paglipas ng mga sandaling magkasama sila natuksalan niyang isang pintor si Lloyd. Hindi nga lang ito sumikat o kahit nakilala man lang sa larangang mayroon itong talento. Ayon sa mga taong nakakilala sa lalaki wala raw pagmamahal ang bawat pinipinta nito. Nagkaroon iyon ng palaisipan kay Mara, pareho lang pala sila ng lalaking hindi natagpuan ang pagmamahal sa bawat tao o bagay na mayroon silang dalawa. Magiging katuwang kaya nila ang isa't isa? O, tulad ng tadhanang kinalakhan nila, pareho nilang hahanapin ang pag-ibig? Where is the love nga ba?
like
bc
JUAN and OLLY ( One and only )
Updated at Jun 17, 2021, 00:23
PANTASYA ni Olivia Marcus o mas kilala sa Olly si Juanito Juan Ramos. Bata pa lamang sila ito na ang first love niya para sa kaniya. Pinagpipilitang one and only lang ng dalaga. Kaya lahat ginagawa niya, mapansin lang nito. Hindi siya sumusuko. Dahil hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa binata. Umaasa siyang isang araw magugustuhan din siya ng isang Juanito. Kahit na ang maghubad siya sa harap nito gagawin niya. Iyon nga lang isang dambuhala ang tawag at tingin nito sa kaniya. Dahil sa katawan niya malabo siyang magugustuhan ng isang binatang lagi na lamang bida sa mga patimpalak ng gwapong lalake sa kanilang eskwela. Lahat halos ng nagiging kapareha nito tindig at katawan ay palang ay modelo na. Hanggang kailan ipaglalaban ni Olivia ang paghuhumaling kay Yuan? Si Olly ba para kay Juan o, si Juan ba para lang kay Olly. ONE and ONLY nga ba nila ang isa't isa? --- https://m.dreame.com/novel/T598Uzvp4yKF80JYauQ3Xg==.html
like
bc
My Ghost Groom
Updated at May 18, 2021, 10:53
PINAGTANGKAAN ang buhay ni Dominic dahil sa malaking kayamanang iniwan para sa kaniya ng namayapa niyang ama. Nakaligtas si Dominic sa peligro ngunit kapalit naman nito ang pagiging comatose niya. Napag-alaman ng pamilya ng binata na makukuha lang ang kayaman kong maikasal ito bago maging bente-tres. Limang buwan mula nang siya ay maaksidente. Pero dahil sa kalagayan niya mahihirapan ang pamilyang mailipat sa pangalan nito ang iniwan ng matanda. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Jaren--- kailangan maikasal si Dominic sa isang babaeng handang tanggapin ang kalagayan nito, kapalit ng malaking halaga. Mary Jane Fuentes, laking Baguio. Simpleng dalagang tindera ng mga strawberry. Isang kapatid na gagawin ang lahat para sa bunso niyang kapatid na si Emily. Dito nagtagpo ang landas nila ni Jaren. Ang inakala niyang sagot sa kahirapan nilang magkapatid nang alukin siya nito ng isang kasunduan kapalit ng malaking halaga. MAKAKAYA bang tanggihan ni Mary Jane ang magandang kapalaran para sa kanila ni Emily? Pero makakaya niya bang tanggapin magpakasal sa lalaking para sa kaniya isa ng multo dahil sa tagal ng panahong natutulog lang ito? “Paano ako magpapakasal sa hindi ko nobyo? Kulang nalang kabaong ibuburol na ito.”
like
bc
Always A Bridesmaid, Never A Bride
Updated at May 14, 2021, 02:25
MADALAS na suki si Alexa bilang abay sa lahat ng dinadaluhan niyang kasal. At sa bawat seremonyas walang hiniling ang puso niya mundi ang maikasal sa isang lalaking matagal niyang minahal si Forth Ysmael Enriquez--- ang kamag-aral niya mula pa noong sekondarya. Ipaglalalan ba ni Alexa ang pag-ibig niya sa binata? Pero paano kung sa dulo ng pahina hindi siya magagawang mapatawad ni Forth dahil sa isang pagkakasala. Ikakasal pa kaya si Alexa o, mananatiling abay nalang sa kasal ng iba?
like
bc
SA BAWAT SANDALI AY IKAW
Updated at May 13, 2021, 13:02
Mahal na mahal ni Ara ang lola Arabella niya. Dahil ito lamang ang taong natira sa kaniya mula pagkabata. Nang maulila siya mula sa mga magulang niya nang namatay ito sa isang plain crash. Kaya pinangako niya sa sarili na lahat gusto nito ay susundin niya. Pwera lamang sa isang bagay na hiling nito ang ipakasal siya sa apo ng first love nitong hindi niya pa nakikita kahit minsan lamang sa buhay niya. Labis ang pagtangging ginawa ni Ara sa kagustuhan ng abuela. Ang masunuring apo ay biglang naging matigas ang loob dito. Sino nga ba naman kasi ang magpapakasal sa lalaking hindi niya pa naman nakikita pa? Pwera lamang sa larawang luma ng first love ng lola niya, na ayon dito kamukhang-kamukha daw nito. Pinangako ni Ara sa sarili na sa pagkakataong 'yon siya ang masusunod. Na walang pweding dumikta sa kaniya. Nakilala niya si Ador, ang matagal ng kakilala ng kaibigan niya, ang tugon ng problema niya. Dahil sa parating na sa bansa ang mapapangasawa na gusto ng lola Arabella niya. She don't have choice kundi tanggapin ang serbisyo nito sa kabila ng pagiging embalsamador nito. Pero paano kong si Ador ay may malaking kaugnayan sa matanda? Makakawala pa ba siya sa sitwasyong pinili niya? Matatanggihan niya ba ang matipunong binata kong sa bawat tingin nito'y may hagod na humihimlay sa kaniyang pagkatao?
like
bc
CABARET SERIES III : LILY ( DESTINY )
Updated at May 13, 2021, 12:58
Mag-isa kinaya ni Lily ang lahat mabuhay lang nag-iisang kapatid na natira sa kaniya. Mula nang nawalay silang dalawa sa mga magulang niya noong bata pa lamang siya. Lumaki sila sa bahay-ampunan ng bunso niyang kapatid na si Alex. Ngunit nang magkaisip ginawa niya ang lahat para lang makatakas sa takot na baka mawalay silang dalawa sa isa't isa. Lahat ng paraan ginawa ni Lily matustusan lang ang pangangailangan ng nag-iisang taong natira sa kaniya. Kasehodang pinasok niya ang pagiging isang dancer sa isang bar sa Manila. Dahil ayon sa kaniya ito nalang ang pinakamabilis na paraan para mabuhay niya ang kapatid. Taglay ang maamong mukha at magandang katawan mabilis na natanggap si Lily kasunod ang pagiging paborito siyang i-table ng ilang kalalakihang dumarayo sa bar na pinagtratrabahuhan niya. Maayos na ang buhay ni Lily nasa tama na ang lahat naisip niya may bahay na silang sinisilungan at regular na pinagkakakitaan isama pa ang nabibigay niya na ang pangangailangan ng kapatid niya. Plano niya ng tumigil sa pagsasayaw at manaka-nakang pag-te-table. Nang magkrus ang landas nila ni Theo. Ang binatang bagong punta lang sa lugar na kaniyang pinagtratrabahuhan. Mabilis na nahulog ang loob niya sa binata, mas sumidhi ang kagustuhan niyang makaalis na sa mundong ginagalawan para kay Theo at higit sa lahat para sa pagbabagong buhay na haharapin niya kasama ito.  Muling nag-asam si Lily nang muling naramdaman ang saya na matagal niya ng pinapangarap pa. Ngunit isang pangyayari ang siyang gumunaw sa lahat ng pangarap niya nang saklawan ng mga magulang ni Theo ang pag-iibigan nila. Sino nga naman ang pamilyang magkakagusto sa kaniya? Isa lamang siyang mumurahing babaeng mababa ang lipad.
like
bc
BRIDE FOR RANSOM
Updated at May 12, 2021, 14:39
SYNOPSIS : SABAY na natagpuan ang sanggol sa harap ng bahay ampunan sa lungsod ng Baguio. Na pinangalanang Mariah at Maliah ng mga madreng nakakita sa kanila sa pag-aakalang magkapatid ang dalawa. LUMAKI sa bahay-ampunan ang dalawa mula ng walang magulang ang kumuha sa mga ito. Ang pag-aakalang nilang magkapatid ay napanindigan, umaktong nakakatandang kapatid si Mariah kay Maliah. She protect her sa kabila ng pagiging mahina at sakitin nito. Nangako sa isa't-isa na kailanman hindi maghihiwalay. Ngunit ang pangakong 'yon ay kinalimutan ni Mariah mula ng pangarapin niya makalabas sa apat na sulok ng bahay-ampunan. Piniling tumakas ni Mariah kahit ang kapalit pa nito ang posibleng paghihiwalay nila ni Maliah. Dumating ang araw nang akatakas siya mula sa higpit ng pamamalakad sa loob kapalit ang pangakong babalikan niya si Maliah. Lumipas ang isang taon, dalawa, tatlo. Walang Mariah ang bumalik kay Maliah. Hanggang dumating ang araw bago ang ordinasyon nito bilang isang ganap na madre. May isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari sa buhay ni Maliah maging kay Mariah. Sino ba sa kanilang ang BRIDE FOR RANSOM ni Pierrho Melendez? ----
like
bc
ALEYAH
Updated at May 12, 2021, 14:29
Si Aleyah Del Fiero--- biktima ng nakaraan. Sisingilin ng kasalukuyan, ang magiging kabayaran ng kasalanan ng mga magulang. Nash Villanueva, Ang lalakeng sisingil sa walang malay na dalaga. Susundin ba siya ni Zabrina? O, magiging alipin sa alindog ng nag-iisang babae ng pamilyang Del Fiero. Del Fiero Series ♡
like
bc
THE FAKE HEIRESS
Updated at May 12, 2021, 14:27
Isang araw bago ang kasal ni Raquel sa lalaking pinagkasundo sa kan'ya ng mga magulang niya. Sa lalaking kahit sa anino'y hindi niya pa nakikita. Tumakas ang dalaga,pinili niyang lumayo mula sa karangyaang meron siya. Bilang nag-iisang tagapagmana ng De Silva construction company. Sa piniling desisyon ng dalaga. Pinandigan niya ito. Namuhay siyang mag-isa mula sa kayamanang mayroon ang pamilya nila. Kung ano-anong raket ang pinasok ni Raquel. Sa kan'yang pagpasyang paglayo nakilala siyang si Rockie Silva. Ang babaeng naging raketera kahit ang totoo'y lahat kaya niyang makuha. Kahit pa ang lalaking sobrang ilap sa kan'yang si Antonio Tolentino. Ang lalaking may mataas na pangarap na ayaw sa babaeng katulad niyang inaakala nitong tulad nito mahirap rin siya. Babalikan nga ba ni Raquel ang buhay prinsesa kung ang kapalit nito'y tuluyang pagkawala niya sa buhay ni Antonio. O mananatili siyang si Rockie kahit na harap-harapan siyang tinatanggi ng isang binatang kaya niyang bilhin pati pagkatao nito. Pero paano kung sa pagbabalik niya sa pamilya malaman niyang siya pala ay huwad na tagapagmana?
like
bc
LARA JUAN ( ANG LARAWAN )
Updated at May 12, 2021, 13:59
LARA JUAN ( ANG LARAWAN)  Childhood sweetheart kong maituturing sina Lara at Juan..  Mula pagkabata sila na ang magkasama.  Hangga't sa dumating ang araw na kailangan ilayo si Lara mula kay Juan dahil sa naging away pamilya sa gitna ng mga Esconde at Vicencio. Muli pa kayang magtatagpo ang landas ng dalawa kong ang tanging mga larawan nalang nila ang mag-uugnay sa nakaraang hindi nagawang ipaglaban dahil sa bawal na pagmamahalan. Maitatama pa ba ang mali? Magiging pwedi pa ba ang hindi?
like
bc
The SPOILED BRAT ( Ysabella )
Updated at May 10, 2021, 03:03
LAHAT ng luho ni Ysabella, sinusunod ng kaniyang abwela. Binansagan siyang 'the spoiled princess.' ng lahat nang nakakakilala sa kaniya. Wala siyang ninais na hindi niya makuha 'What Ysabella wants, Ysabella gets.' wika nga. Nang bumalik ng bansa ang mga magulang niya mula Amerika, lahat ito ay nagbago. Lagi na siyang sinasaklawan sa lahat ng naisin niya. Hindi na rin siya, kinakampihan ng kaniyang lola. Pakiramdam ni Ysabella, naputol ang buntot niya. Lalo pa't may dumagdag na asungot sa buhay niya. Si Manuel Bustamante, ang lalaking naatasang magbantay sa dalaga ng mga magulang nito. Inshort, driver/bodyguard ang papel niya sa buhay ni Ysabella. Sa kaniya mahigpit na pinagkatiwala ang dalaga. Hindi niya ininda ang madalas na pagpapahirap sa kaniya nito. Ang mahalaga sa kaniya, maiayos ang buhay nito. Dahil naniniwala siya sa puso ni Ysabella, nagtatago ang tunay na katauhan ng dalaga. Hindi ito masamang babae, gaya ng pinapakita nito sa mga magulang at sa lahat ng nakakilala rito. Pero paano kung aalukin siya ng dalaga ng isang gabing sandali nilang dalawa. Kapalit ng pagkawala niya sa buhay nito? Hanggang kailan niya matatanggihan ang karisma ng isang Ysabella De Leon. 'The spoiled princess.' "Isang gabi. Isang gabi lang, Manuel. At pagkatapos ng lahat pwedi ka ng umalis at huwag na magpapakita pa."
like
bc
MARRYING FAKE CEO
Updated at May 2, 2021, 08:39
MATAGAL ng mataas ang pangarap ni Anne Galvez ang makapag-asawa ng matalino, mabango, gwapo at higit sa lahat isang tinitingalang tao. Kaya nang may isang lalaking napadpad sa lugar nila at wala raw naaalala sinunggaban na ni Anne ang pagkakataon. Pinandigan niya ang tawag sa kaniyang ANNE annebisyosa--- ang mahalaga sa kaniya ang lalaking malaki ang hinala niyang isa itong CEO, sa isang malaking kompanya dahil sa ilang identification cards na napulot niya sa tabi kasama ng lalaki. Matutupad na ang pangarap niya, gagawin niya ang lahat maikasal lang sa lalaki na kahit pangalan nito hindi magawang maalala. Sasamantalahin na niya ang sandali, pipikutin niya ang lalaki maging kaniya lang ito. Pero paano kung sa gitna ng sandaling magkasama silang dalawa, lalabas ang totoo. Na ang isang Connor Marasigan ay isang huwad na CEO pala? Matatanggap ba ni Anne ang totoong katauhan nito bilang si Franco Francisco? Ang knight and shining armour niyang tindero ng buko.
like
bc
DON'T PLAY, LOVE.
Updated at Apr 9, 2021, 08:47
DON'T PLAY, LOVE. MATAGAL ng pangarap ni Gelo Cayabyab ang maging isang Basketball player. Kaya halos lahat ginawa niya, para maging isang iskolar siya sa mataas na paaralan na pinangarap niya. Gustong-gusto niyang mapabilang sa mga sikat na basketbolista. Kabilang na si Anjo Natividad--- ang binatang tutupad sa pangarap ni Gelo, kapalit ng hindi niya inaasahang magiging pusta nilang dalawa. Si Love Bautista, ang matagal ng kasintahan ni Gelo. Ang dalagang sinasamahan siya sa lahat ng hamon niya sa buhay. Ang bumuo ng pagkatao niya, ang naging sandalan, at isa sa mga naging inspirasyon ng binata. Ang dalagang hininging kabayaran ni Anjo, para sa tagumpay na minimithi ng kaniyang puso. Makakaya bang bitiwan ni Gelo ang dalaga para sa pangarap? Magagawa niya bang tanggihan ang alok ni Anjo, kapalit ng kasintahang matagal niya ng kasama? Hanggang kailan niya susuwayin ang madalas na paalala ng nobyang, "Don't play, Love"
like
bc
HERE COMES THE GROOM
Updated at Apr 7, 2021, 00:48
KILALA si Kate bilang "Kate, the bully princess", mula noong kabataan niya. Isa siyang pasaway na dalagita, hanggang sa naging ganap ng dalaga. At ang lagi niyang biktima walang iba kundi si Brandon ang binansagan niyang, "Brandon, The nerd". Dahil sa ayos nitong may malaking salamin at laging nakatungo pag kaharap siya. Halos araw-araw itong iniinis ni Kate sa eskwela. Ganoon nalang din ang pagkapikon niya, dahil hindi man lang siya nito pinapansin, kahit na ano'ng gawin niyang pambwibwisit dito. Ilang taon ang siyang lumipas. Isa nang matagumpay na public teacher si Kate sa eskwelahan kung saan siya nagtapos. Ngunit, lahat yata ng pangyayari noong kabataan niya nabaliktad ng panahon, siya ang binu-bully ngayon ng mga kaibigan, ka-trabaho maging ng pamilya niya. Sa edad kasing trenta, halos siya nalang ang walang asawa. Isang grand alumni homecoming ang nagpatuliro sa isip ni Kate. Kailangan niya raw may maipakilala sa lahat dahil kung hindi, siya ang magiging ultimate beast ng lahat. Hindi naman siya papayag dahil para sa kaniya, siya ang pinakamaganda, pinakamatalino, at pinaka-sexy sa grupo. Sa hindi niya inaasahang pagkakataon, may isang taong to the rescue. Inalok siya nito sa isang kasunduang magpapanggap itong, "boyfriend, turned fiance", para lang tigilan siya ng mga taong nasa paligid niya. Lalong-lalo na ang piniling pakasalan ng magaling niyang fiance. Si Brandon, the nerd guy ang nagsalba kay Kate sa lahat ng taong nakapaligid sa kaniya. Ibang-iba na ito sa nakilala niya noon, walang ng kahit na anong bakas ang nakaraan sa lalaki. Ano ang kahahantungan ng dalawa, dahil ang dating nerd na Brandon noon--- ay tinatawag niya ng HERE COMES THE GROOM ngayon.
like
bc
Accidentally inlove with the wrongROOM
Updated at Apr 6, 2021, 10:39
DAHIL sa isang nakaw na halik, pinagkasundo si Trisha na ipakasal kay Kiko, ang lalaking matagal ng may gusto sa dalaga. Mahigpit ang siyang pagtutol niya sa kagustuhan ng mga ito, pero wala siyang magawa. Dala ng sama ng loob na mayroon siya para sa paligid niya. Sumama si Trisha sa mga kaibigan niya papunta sa Isla ng Siargao. Doon niya binuhos lahat ng galit, tampo, at inis sa mga ito--- lalo na sa lalaking hindi niya pinangarap pakasalan. Isang gabi. Sobrang nalasing si Trisha dala ng sari-saring alak na ininom nila sa bridal shower na hinanda ng mga loko-loko niyang barkada. Labag man ito sa loob niya, wala siyang nagawa mahal niya ang mga ito. Pero hindi niya inakalang iniwan siya ng mga ito sa isang apartelle na nirentahan nilang magkakasama. Nagising si Trisha na hindi na siya nag-iisa, may katabi siyang isang lalaking hindi niya kilala. Gulat at pagkataranta ang nadarama nilang dalawa, dahil sa ilalim ng kumot pareho silang walang saplot ng lalaking katabing hindi nila kapwa kilala ang isa't isa. Nakarating sa magulang ni Trisha ang pagyayari sa islang pinuntahan. At ang hindi inaasahan ng dalaga ay ang pilitin siyang ipakasal dito dahil sa konserbatibong kinalakhan ng mga ito. Pikit-matang tinanggap ni Trisha ang alok ni Ken na isang taong pagsasama para tuluyan siyang makawala sa lalaking naunang pinagpipilitan ng mga ito. Makakaya niya bang magpanggap sa lahat na may ugnayan sila ng lalaki at hindi lang pagkakamali ang siyang nangyari? Pero paano kung pagkatapos ng pagkukunwari mapamahal si Trisha rito? Paano kung sa pagtatapos ng lahat ng pagpapanggap nila si Ken pala ay ikakasal na sa iba?
like
bc
LUCKY LEE, inlove. (Luckily inlove)
Updated at Mar 24, 2021, 23:51
LUCKY LEE is a succesful business man sa larangan ng furniture designs. Nagawa niyang makilala sa iba't ibang bansa bilang isa sa mga negosyanteng tinitingala. Para sa kaniya kasing tatag niya ang Narra, kasing tibay niya ang Mahogany. Masaya na sana ang buhay ni Lucky nasa konsepto na ng pagiging isang perpekto--- ngunit lahat ay biglang gumuho nang sa mga kamay niya ay namatay ang kaniyang nakatakdang papakasalang kasintahan si Anika Tan. Lahat ng panahon niya ginugol niya sa pagpapayaman kasabay ang pangako sa sariling hinding-hindi na muling iibig pa. Si Erika Felipe--- isang simpleng probinsyanang nangarap ng magandang buhay para sa mga magulang niya. Lumuwas siya ng Manila para makipagsapalaran sa siyudad na malayong-malayo sa mundong kinalakhan niya. Ang bagong buhay niya'y may dulot pala sa kaniyang kakaiba nang makilala ang isa sa matagumpay na negosyante ng bansa si Lucky Yu. Pinahirapan siya nitong hindi niya naiintindihan, paghihirap na umabot sa sukdulan. "Get lost, Erika! Everything about you reminds me of Anika."
like
bc
THE HEART REMEMBERS
Updated at Mar 11, 2021, 21:44
Unang kita pa lamang ni Gabriel kay Andrea ay nakaramdam na s’ya ng kakaibang damdamin para rito. Para s’yang prinsesa – hindi lang sa ganda, kundi sa pananalita at pagkilos. Hindi nagtagal at ang pagkakaibigan nila ay nauwi sa pagmamahalan. Ipinagkaloob ni Andrea ang kanyang sarili sa binata ng sumapit ang ika-labing walong kaarawan n’ya. Isang bagay na hindi n’ya kailanaman pagsisisihan dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa. Subalit ang magkaibang antas ng kanilang pamumuhay ay naging dahilan para sila ay magkahiwalay. Mayaman ang pamilya ni Andrea habang payak ang pamumuhay ni Gabriel. Muling nagsanga ang kanilang landas pagkalipas ng maraming taon. At sa labis na pangungulila ni Gabriel sa minamahal ay nakahanda s’yang gawin ang lahat -- manumbalik lang ang lahat sa dati. Ang hindi n’ya napaghandaan ay ang bagong pagsubok na dumating – ang pagkawala ng memorya ni Andrea tungkol sa kanilang dalawa. Totoo ba ang kasabihan na ‘the mind forgets but the heart remembers’”
like
bc
THE ONE THAT GOT AWAY
Updated at Mar 10, 2021, 07:04
Laking lola si Jessy mula pagkabata, kong kaya't lahat -lahat ay gagawin niya para sa nag-iisang tao sa buhay niya. Hanggang sa nalaman nilang may malubha itong sakit sa puso. Ginawa ni Jessy ang lahat-lahat para sa abuela, kahit na ano pinasok niya. Maging ang pagiging casino escort hindi pinalagpas ng dalaga. Doon niya nakilala si Don Sigmund ang matandang mayaman hangad ang puri niya. Inalok siya nito ng isandaang milyon kapalit ang tuluyan niyang pagkakatali dito. Pikit-matang tinanggap ni Jessy ang kapalaran hindi dahil sa malaking pera na bigay ng Don kundi ang maipagamot ang kaniyang lola at mabayaran niya ang lahat lahat ng sakripisyo nito sa kaniya. Pinakasalan ni Jessy si Sigmund, sa kabila ng agwat nila sa edad at pagiging sakim sa kapangyarihan. Sa paglipas ng panahon sa kaniyang pananatili sa mansyon nakilala niya si Zander, ang nag-iisang anak ng lalaking pinakasalan niya. Bagamat isa itong inutil sa silyang gulong, hindi pa rin ito nagiging hadlang upang pahirapan siya ng lalaking inaakala nitong pera lang ang habol niya sa ama nito. Naging mahirap ang unang mga sandali ni Jessy, sa bahay ng mga Sandiego. Ngunit lahat ito'y nagbago ng iligtas niya mula sa kamatayan si don Sigmund,naramdaman niya ang pagtanggap sa kaniya ni Zander, maging ang pakikitungo nito ay tuluyang nagbago. Pinilit siya nitong ituring na pakalawang ina nito na nagbigay hirap sa damdamin niya pagkat ang binata ay unti unting nagkaroon ng espasyo sa puso niya. Ang damdamin nila sa isa't isang mali. Paano na ang buhay ni Jessy sa piling ni Sigmund? Hanggang kailan niya titiisin ang presensiya ni Zander? Makakalaya pa ba siya kay Sigmund? Para sa pagmamahalan nilang dalawa ni Zander?
like
bc
CABARET SERIES II : JASMIN
Updated at Mar 10, 2021, 07:00
DREAME NAME : BAM GREGORIO CABARET SERIES #2 : Serendipity : Jasmin De Guzman ( DESTINED TO BE YOURS) Mag-isang kinaya ni Jasmin ang lahat. Mabuhay lang nag-iisang kapatid na natira sa kaniya. Mula nang nawalay silang dalawa sa mga magulang niya noong bata pa lamang siya. Lumaki sila sa bahay-ampunan ng bunso niyang kapatid na si Alex, ngunit nang magkaisip ginawa niya ang lahat para lang makatakas sa takot na baka mawalay silang dalawa sa isa't isa. Kung kaya't lahat ng paraan ginawa ni Jasmin matustusan lang ang pangangailangan ng nag-iisang taong natira sa kaniya. Kasehodang pinasok niya ang pagiging isang dancer sa isang bar sa Manila. Dahil ayon sa kaniya ito nalang ang pinakamabilis na paraan para mabuhay niya ang kapatid. Taglay ang maamong mukha at magandang katawan mabilis na natanggap si Jasmin kasunod ang pagiging paborito siyang i-table ng ilang kalalakihang dumarayo sa bar na pinagtratrabahuhan niya. Maayos na ang buhay ni Jasmin nasa tama na ang lahat naisip niya may bahay na silang sinisilungan at regular na pinagkakakitaan isama pa ang nabibigay niya na ang pangangailangan ng kapatid niya. Plano niya ng tumigil sa pagsasayaw at manaka-nakang pag-te-table. Nang magkrus ang landas nila ni Theo. Ang binatang bagong punta lang sa lugar na kaniyang pinagtratrabahuhan. Mabilis na nahulog ang loob niya sa binata, mas sumidhi ang kagustuhan niyang makaalis na sa mundong ginagalawan para kay Theo at higit sa lahat para sa pagbabagong buhay na haharapin niya kasama ito. Muling nag-asam si Jasmin, muling naramdaman ang saya na matagal niya ng pinapangarap pa. Ngunit isang pangyayari ang siyang gumunaw sa lahat ng pangarap niya nang saklawan ng mga magulang ni Theo ang pag-iibigan nila. Sino nga naman ang pamilyang magkakagusto sa kaniya? Isa lamang siyang mumurahing babaeng mababa ang lipad.
like
bc
CABARET SERIES 1 : DAHLIA
Updated at Mar 10, 2021, 06:56
DAHLIA SEGOVIA : SERENITY ( YOU FIXED ME) ISANG mumurahing babae ang bansag kay Dahlia. Bata pa lamang siya puno na siya ng pangungutya at pang-aapi lalo na sa sariling pamilya. Namulat siya sa hirap, ngunit piniling tumayo at lumaban sa lahat ng naging hamon niya sa buhay. Bente-dos anyos siya nang nagtrabaho siya sa isang bar. Ang tanging naging paraan niya para mabuhay. Tinanggap ni Dahlia ang mapait na kapalaran, wala siyang magagawa dahil sa isip at puso niya ito ang tadhana niya. Ngunit sa lahat ng dilim mayroong liwanag, na ang lahat ng hirap mayroong ginhawa. At iyon ay nang makilala niya si Danilo ang mayaman na laging suki ng bar na pinagtratrabahuhan niya. Paborito siya nitong i-table walang gabi ang lumipas na siya ang gustong makasama nito at tulad nang napagkasunduan nila mananatili lamang siyang table nito hindi na lalagpas pa. Ngunit ang lahat ay may hangganan nang mapasubo sa isang gulo si Dahlia at ang tanging taong nandyan sa kaniya ay ang lalaking tinuring niyang kaibigan si Danilo. Ngunit paano kung sa kabila ng pabor na ginawa nito sa kaniya may iba itong hangad? Paano kung katawan, puri at dangal niya ang gustong kabayaran ng binata? At paano kung sa bawat halik at yakap ni Danilo may damdaming tinataya si Dahlia? Tinatayang alam niyang malabong ipanalo nito dahil si Danilo ay pamilyadong tao. Mananalo nga ba si Dahlia? O, mananatiling talunan sa laro ng tadhanang sinusubukan siya?
like
bc
MAN IN A TIE : MIGGY MENDEZ
Updated at Feb 23, 2021, 02:07
Dalawang taong pinagtagpo ng kapalaran, pero pilit na paglalayuin ng prinsipyo at paniniwala sa buhay. Tadhana kaya sila'y muling patatagpuin? O, may mga bagong pag-ibig sa buhay nila ay darating?
like
bc
MAN IN A TIE : JUDE IGNACIO
Updated at Feb 23, 2021, 01:59
Dalawang taong pinagtagpo ng kapalaran, pero pilit na paglalayuin ng prinsipyo at paniniwala sa buhay. Tadhana kaya sila'y muling patatagpuin? O, may mga bagong pag-ibig sa buhay nila ay darating?
like
bc
MAN IN A TIE : RAFAEL MENDEZ
Updated at Feb 23, 2021, 01:58
KILALA bilang isang scammer si Brenda sa lahat ng nakakilala sa kaniya. Para sa kaniya ang pagiging madiskarte sa pera ang magtutulak sa kaniyang maging matagumpay sa buhay. Hindi siya sumusuko hanggang hindi naaabot ang pangarap niyang maging isang milyonaryo. Ngunit sa kabila ng pagiging matinik ng babae sa puso niya'y may nakatagong pagmamahal para sa lahat ng taong nasa paligid niya kabilang na ang mga batang lumalaki sa lansangan. Doon niya makikilala si Rafael Mendez ang estrangherong basta na lamang dumating sa buhay niya't nagpupumilit na itigil ang kaniyang buhay na kinalakhan. Magagawa bang pigilan ni Rafael ang nakaugalian ni Brenda? O, mangyayari bang pati ito ay mabiktima ng dalaga? Pero paano kung pag-ibig ang mabubuo sa dalawang taong mayroong ibang paniniwala't prinsepyo?
like
bc
MAN IN A TIE : HERO ANGELES
Updated at Feb 23, 2021, 01:27
Dalawang taong pinagtagpo ng kapalaran, pero pilit na paglalayuin ng prinsipyo at paniniwala sa buhay. Tadhana kaya sila'y muling patatagpuin? O, may mga bagong pag-ibig sa buhay nila ay darating?
like
bc
I MARRIED MY EX
Updated at Sep 6, 2020, 13:34
Jenny forget everything maliban sa kaniyang dating kasintahang si Blue Velasco. Ang buong akala niya sila pa rin ng binata ang hindi niya alam niloko niya ito na dumating sa puntong sinumpa siya nito. Ang masaklap sa lahat when Genny, announce everyone na magpapakasal sila ng lalaking kinamumuhian siya. May mabubuo kayang pag-ibig muli sa kanilang dalawa? O, paghihiganti lang ang sadya ni Blue sa buhay ng dalaga.
like
bc
MARICAR ( The ultimate mistress)
Updated at Sep 6, 2020, 12:38
Maricar ( Ultimate Mistress) Laking tondo manila si Maricar Sawimpalad. Tulad ng apelido niya siya't lumaking sawimpalad sa kalakhang Manila bahagi ng Tondo. Ulilang lubos ang dalaga kong kaya't para mabuhay lahat ng raket pinapasok niya. Maging ang maging dakilang eskort ng mayayamang matandang madaling mamatay in short 4 M. Ngunit ang kapalaran ni Maricar ay 'di nagtatapos sa pagiging eskorte. Dahil sa pagiging kapit niya sa patalim siya ay naging ultimate kabet ng mga kilala at makapangyarihang tao sa lipunan. Kabilang na ang magkapatid na sina Santiago Santi at Sebastian Basti Magbanua. Ang kambal na anak ng Mayor ng Pampanga na kapwa may mga mabuting asawa. Ano nga ba ang kapalaran ni Maricar? May tunay na pag-ibig nga bang nakatadhana sa babaeng sinakluban ng langit at lupa? Na sinawing palad mula pagkabata?
like
bc
WHEN THE WRITER FALLS IN LOVE
Updated at Aug 17, 2020, 12:10
She is complicated. Marami siyang inaabot, marami siyang pangarap, marami siyang nais patunayan. She's happy being single. Hopeless romantic nga sabi nila. Dahil ang buhay niya umiikot lamang sa pagsusulat wala ng iba pa. Deadline dito, deadline doon. Submit dito, submit doon. Masaya nang ganoon si Elly. Until one day sa 'di inaasahang pagkakataon nang dumating sa buhay niya ang isang lalaking gusgusin at wala sa sarili na nakita niya sa Isla. Ang lalaking pinangalanan niyang si Elias. Sino nga ba ito? Mararamdaman kaya ni Elly ang pagmamahal sa unang pagkakataong sa binatang wala sa sariling katinuan? Ano nga ba ang mananaig pangarap o pag-ibig?
like
bc
HER REVENGE
Updated at Jul 7, 2020, 05:24
HER REVENGE. KA GLORIA ROMANO AND SARHENTO ERIKA CORPUZ PINATAY SA HARAP NI GLORIA AT ERIKA ANG MGA MAGULANG NILA NANG SILA'Y SIYAM NA TAONG GULANG PA LAMANG. KASABAY NOON ANG PAGHIWALAYIN SILANG DALAWA NANG MGA 'DI NAKILALANG NAGPALAKI SA KANILA. NABUHAY SI GLORIA SA ISANG BUNDOK. NAMUHAY BILANG TIWAIL SA BATAS NAKILALA SI KA GLORIA NANG MUNDONG GINALAWAN NIYA. SAMANTALANG SI ERIKA'Y LUMAKI NAKILALANG SI SARHENTO ERIKA CORPUZ. DALAWANG MUNDO NG MAGKAPATID AY MAGKAIBA NGUNIT SA PUSO NILA'Y IISA. ANG HANAPIN AT PANAGUTIN ANG MGA PUMASLANG SA MGA MAGULANG NILA. ANG DAHILAN KONG BAKIT SILA'Y NAGHIWALAY AT LUMAKING ULILANG LUBOS. PERO PAANO KONG ANG MAGKAPATID AY MAY IBANG PRINSEPYO AT PANINIWALA? MAGIGING MAGKALABAN BA SILA O, MAGIGING MAGKAKAMPI PAG NALAMAN NILA ANG TOTOONG MAY SALA?
like
bc
MY FAKE WIFE ( Ellyse and Arthur lovestory)
Updated at May 19, 2020, 09:54
Nang dahil sa malaking pagkakautang ay napagkasunduan ng ina ni Ellyse at ng Senyora nito na mula sa Hacienda Fernanda ay ipadala ang dalaga sa bahay ni Arthur, ang anak ng Senyora. Bilang pagbabayad utang ay magsisilbing tagapangalaga si Ellyse sa batang si Ice na kinikilala naman ni Arthur bilang anak nito. Naging mahirap ang mga unang araw ni Ellyse sa pamamalagi niya sa bahay ni Arthur. Sa pag-usad ng mga kaganapan ay lilitaw pa ang ilang mga mahahalagang tauhan-sina Celeste at Katrina. Ano nga kaya ang kanilang magiging papel sa buhay ng dalagang si Ellyse? At paano nga kaya hahantong ito sa katanungan na, "makakaya bang itama ng panahon ang isang gabing pagkakamali?"
like