My Possessive Brother (SPG)Updated at Jan 7, 2026, 19:18
BLURB:I am just an ordinary student. While him– he’s everything. He's our school heartthrob, our president, the smartest guy in our class, and son of the province’s governor. For years, he’s been my secret crush. . . the reason I push myself to be better, to stand a little taller, to dream a little bigger. Dahil gusto kong malayang nasusubaybayan si Dexter– ang ultimate first crush at first love ko. Gustong-gusto ko si Dexter, iyon nga lang, sikreto lang. Because I am not his type– alam ko ‘yon.
On the night of our senior party, I finally work up the nerve to put all my feelings into words. My hands shake as I fold the love letter I’ve poured my heart into, ready to slip it into his bag where no one will see. But just as I reach for his things, I hear his voice– and he’s talking about me. His friends are laughing, and he’s calling me a “probinsyana” like it’s the funniest joke in the world.
Nangilid ang luha ko. Parang bumagsak ang mundo ko at ang confident ko kanina na ipagtapat ang nadarama ko sa kanya ay unti-unting naglaho. Nabiwatan ko ang sulat at patakbong lumabas ng locker room. Parang pinipira-piraso ang puso ko habang pauwi sa kasarsagan ng malakas na ulan. Pero pagdating ko ng bahay, nagulat ako na makita ang bisita namin na kausap si mama– si Dexter!
“Arabella, mabuti at nand'yan ka na, anak. Kilala mo naman siguro siya, hindi ba? Ang anak ni Gov at sa school mo rin siya nag-aaral,” ani mama na nakangiti sa aking nakatuod sa pintuan at nakamata kay Dexter na nakatitig din sa akin.
“Oo naman po, Mama. Bakit, ano pong meron?” casual kong sagot– kahit nanginginig na ang katawan ko sa halo-halong nadarama, idagdag pang basang-basa ako sa ulan.
Matamis na ngumiti si mama. “Anak, magmula ngayon, si Dexter, dito na siya tutuloy sa atin. Sa susunod na buwan, ikakasal na kami ng daddy niya, magiging isang pamilya na tayo. Alam mo namang. . . may boyfriend si mama, ‘di ba? At ang boyfriend ko, ang ama ni Dex,” nakangiting saad ng mama sa aking nanigas sa narinig at parang umikot ang paligid ko!
“Magiging kuya ko– ang lalakeng matagal ng itinitibok ng puso ko at dumurog sa akin kanina?” usal ko na parang matutumba!
How am I supposed to keep my heart under control when he’ll be in our house every single day– eating at our table, walking down our halls, living just steps away from my room?
“Hindi. . . hindi ko na siya gusto,” usal ko at halos mapasigaw na hindi namalayang nakatayo na ito sa harapan ko!
“Sigurado kang. . . hindi mo na ako gusto, hmm?” paanas niya na dahan-dahang hinugot sa bulsa ang love letter na ikinaawang ng labi ko na namutla na makitang– nabasa na niya ang love letter ko!